8: Black Car

1527 Words
KYLIE ANNE POV* “Uy, ma’am Kylie, pansin mo yung mga tinignan ni Mr. Miller sayo kanina? Grabe! Parang maiihi ako sa kilig. Palagay ko type ka niya!” Kinikilig na sabi ni ma’am Layla. Napansin niya rin pala yun? “Hay naku, ma’am Layla, wala akong napansin at wala akong panahon diyan.” Pagsisinungaling ko. Of course, pansin na pansin ko. “Sos, ikaw naman ma’am. Very obvious kaya! Ang lagkit ng tingin sayo eh! Hindi na ko magtataka kung isang araw eh ligawan ka na ni sir. Malay mo naman siya na talaga ang Mr. Right mo.” Kinikilig pa rin na sabi ni ma’am Layla. “Matagal na sarado ang pintuan ng puso ko para sa mga ganyan. Sumama na sa hukay nung ilibing ang boyfriend ko. Kaya ako, focus na lang ako sa anak na iniwan niya sakin. Yan ang pinaka masayang ala-ala na iniwan niya sakin. Pasalamat pa nga ko dahil nag iwan siya ng makakasama ko kahit wala na siya.” Sa loob ng mga taong nag daan, pinipilit ko na lang kayanin ang bawat araw para sa anak namin. “Sayang talaga dahil maaga siya kinuha sa inyo. Pasensya ka na ma’am kung naalala mo na naman tuloy siya.” Nginitian ko a lang siya at hindi na sumagot pa. Araw gabi ko nami-miss si Tyler pero wala na akong magagawa pa. Ayaw ko siyang palitan sa puso ko. Matagal ko na sinabi sa sarili ko na ayaw ko na mag mahal muli ng iba. Pero bakit ganito? Kanina ng magka- tinignan kami ni Mr. Miller bakit parang muling bumukas ang sensansyong tanging kay Tyler ko lang nararamdaman noon? Mula ng matapos ang meeting kanina, lagi ko na nararamdaman na parang may mga matang naka tingin sakin. Ano bang pakiramdam toh! “My baby bear, nag paparamdam ka ba sakin? I miss you so much!” sabi ko lamang sa isipan ko. Lumipas pa ang mga araw at unti- unti na lang ako nasasanay sa pakiramdam na parang laging may nakasunod sa mga ginagawa ko. Isang linggo na rin ang lumipas simula nung makilala namin si Mr. Miller. Hindi ko na ulit siya nakita bagay na ipinag- papasalamat ko naman. Linggo ngayon at restday din namin. Narito ako ngayon sa National Book Store para ibili si Kyler ng libro na gusto niya. Nasa Cavite kasi ngayon si Haide at Kyler mula pa nung Friday. Sinundo sila ni mama at papa. Kailangan ko kasi pumasok ngayong sabado kaya hindi muna ako sumama. Mamaya lang ay pupunta na ko dun para sunduin sila. Habang namimili ako ng mga libro na bibilhin, nakita ko ang isang libro ng paboritong author namin ni Tyler. Kaso nga lang may kataasan ito kaya tumitingkayad ako at pilit na inaabot ito. Napatingin na lang ako sa taong nasa likod ko dahil siya na ang umabot nito. Nangilabot ang pakiramdam ko ng si Mr. Miller pala ito at seryosong nakatingin sakin. Bakit ba laging ganito ang pakiramdam ko kada nasa paligid siya? “Here.” He said in a baritone voice. Ako lang ba? Yung boses niya is a bit similar to Tyler. Nagha-hallucinate na talaga ako siguro ako at nag simula lang ito nung makilala ko si Mr. Miller. There’s something in him that reminds me of the man I love, Tyler. “Ahm. Thanks sir.” “Jacob. You can just call me Jacob or Cale. You’re Kylie, right?” “Ah yes, sir Cale.” “Nah. Just Cale. No need to address me sir or Mr. “ “Ah? Hindi naman po pwede yun sir. Kayo po ang boss namin. Nakakahiya.” “Okay, ganito na lang. Kapag tayong dalawa lang or wala tayo sa work, just call me Cale. I won’t accept no for an answer.” “Ah, okay sir. I mean Cale. Thanks again for helping. Una na po ako sa counter.” Parang hindi ko na kayang mag tagal kasama siya. Over flowing yung kakaibang sensation na nararamdaman ko whenever he is around. Pagka labas ko ng store, napalingon pa ako sa kaninang pwesto namin ni Mr. Miller. Naroon pa rin siya nakatayo at nakatingin sakin ng seryoso. Agad naman ako napaiwas ng tingin. Kung tignan niya kasi ako parang kilala niya ang kaibuturan ng pagka- tao ko. Nahihiwagaan talaga ako sa taong yun. Alam niyo yung pakiramdam kagaya ng sa mga napapanood nating vampire movies na after ilang years na pagkakahimlay ay muli siyang bumangon at nag babalik para ituloy ang mission nila. Basta! May kakaiba talaga. Hindi na rin ako nag tagal sa mall at bumyahe na ako papuntang Cavite. Alas onse na ng umaga. Dumaan muna ako sa drive-thru para bumili ng makakain habang nasa biyahe. Sa Tagaytay pa ang bahay ng magulang ko kaya mahaba- habang biyahe pa ko. Kanina ko pa napapansin ang kulay itim na Aston Martin DBS 770 Ultimate. Napaka mahal ng sasakyan na ito pero bakit parang kanina pa ito nakasunod sakin? Bawat hintuan ko naka hinto din siya. Kapag aandar na ko ay aandar na rin ito. Hindi hamak naman na mas mamahalin ang sasakyan niya sakin, wala naman siguro siyang balak na masama sakin noh? Baka naman OA lang ako. Nagkibit balikat na lang ako kasi baka nagkataon lang siguro ang lahat. Nang makarating ako sa bahay ng magulang ko ay laking tuwa ng anak ko sa mga books na dala- dala ko. Nagpahinga na lang muna ako habang nakikipag kwentuhan sa pamilya ko. Tumambay muna kami dito sa terrace ng bahay namin para makalanghap ng sariwang hangin. Province type kasi ang paligid ng bahay namin. Very relaxing. Napa kunot ang noo ko makita ko na naman ang sasakyan na kaparehas ng sasakyan na kasabayan ko kanina sa bahay. Nakaparada ito malapit sa tapat ng bahay. Gano ba karami ang ganiyang klase ng sasakyan dito sa Pilipinas at lagi ko na lang nakikita. At kung iisang tao lang ang may- ari niyan, bakit naman niya ako susundan kung sakali? “Bakit anak? Kilala mo ba yang may- ari ng sasakyan na yan? Kanina pa nakakunot noo mo habang nakatingin diyan.” Tanong ni mama. “Hindi nga mama eh pero kanina ko pa napapansin yan simula nung umalis ako sa mall kanina. Hindi ko alam kung nagkataon lang na magka parehas lang.” “Baka naman nagkamali ka lang ng tingin. Halos mag kakaparehas naman kasi ang design ng mga sasakyan.” “Siguro nga mama.” Kanina pa ako nakatingin dun sa sasakyan pero wala pa din nalabas na tao. “Kamusta ka naman sa trabaho mo anak?” Muling tanong ni mama. “Maayos naman ma. Nagtaas nga sila ng sahod ngayong taon eh at mas gumanda ang benefits. Yun nga lang pili lang ang nabibigyan. “ “Mabuti naman kung ganun. Hindi naman sa nakikialam ako sa gusto mo anak, pero wala ka na ba balak mag- asawa anak? Bata ka pa, marami ka pang makikilala. Iba pa rin yung may katuwang ka sa buhay.” Malumanay na tanong ni mama. “Salamat sa concern ma. Ayaw ko sana mag salita ng tapos pero sa ngayon wala na talaga akong balak pa. Sa totoo lang po ma, hanggang ngayon hindi pa ako maka move on sa pagkawala ni Tyler. Siya pa rin ang hinahanap- hanap ng puso ko. Hindi ko makita sa ibang lalaki yung katangian na minahal ko kay Tyler.” Paliwanag ko. “Naiintindihan ko anak. Payo ko lang sayo na wag mo sana tuluyang isara ang puso mo sa iba. Baka mayroong tao na nag hihintay lang sayo diyan, hindi mo lang napapansin. Subukan mo ulit, wala namang masama.” Payo ni mama. “Tatanungin ko muna si Kyler ma. Gusto ko hingiin ang basbas niya kung sakali mang subukan ko muli umibig pero kapag ayaw ng anak ko, okay lang sakin kahit hindi na ko umibig muli. Siya pa rin ang priority ko.” “Ikaw ang bahala anak. Kung saan ka mas masaya. Naka suporta lang naman kami sa inyo lagi ng papa mo.” “Maraming salamat po mama. Kahit maaga akong nabuntis, hindi niyo ako itinakwil at minahal niyo pa ang anak ko ng sobra.” “Nilaan talaga ng Diyos na mangyari na mabuntis ka ng maaga. Alam Niya kasi ang mangyayari kay Tyler kaya pinadala niya ng maaga sayo si Kyler.” “Napaka buti Niya pa rin talaga sa akin. Hindi Niya ko pinabayaan maging mag- isa sa laban. Pinadala Niya kayong lahat para makasama ko.” Laking pasalamat ko sa Panginoon sa lahat ng pag gabay Niya sakin sa lahat ng naging laban ko. Kailangan lang talaga natin hingiin ang tulong Niya. Kinagabihan ay bumyahe na kami ni Kyler at Haide pabalik sa Pasay. Hindi ko na napansin kung nakasunod pa ba samin yung itim na sasakyan. Gabi na rin kasi kaya hindi ko masyadong maaninag ang itsura ng mga sasakyan sa paligid. Panibagong araw na naman ang haharapin namin ng wala ka my baby bear. Gabayan mo kami ng anak natin. Araw- araw kitang mahal. *** Maybe sometimes love needs a second chance because it wasn’t ready the first time around. End of chapter 8…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD