9: Can I court you?

1108 Words
KYLIE ANNE POV* Kinaumagahan ay hinatid ko na muna si Kyler papasok sa school. May nakita naman ako ngayon na puting magarang sasakyan na nakaparada sa tapat ng bahay namin. Favorite talaga nila ang spot na yan. Ayaw ko naman mag assume, pero feeling ko yung mga nasa loob ng sasakyan na nakaparada sa tapat ng bahay namin ay laging nakamasid dito sa bahay namin. Nakarating na rin ako agad sa building ng office namin. Kakasakay ko lang ng elevator at pasara na sana ito kaso hindi natuloy dahil may brasong bigla nalang humarang dito. "Ahm, good morning Sir Jacob." Naaasiwang bati ko kay Sir. Hindi ko alam kung bakit. Kaming dalawa lang ang narito sa loob ngayon ng elevator kaya mas lalo akong hindi mapalagay. Wala naman ginagawa o sinasabi si sir Jacob pero hindi na ko mapakali. Nakita ko sa reflection namin na nakatingin siya sakin. Nahiya naman ako baka nawiwirduhan na siya sa kinikilos ko kaya napayuko na lang ako. "Are you okay, Ms. Kylie? Seems like something is bothering you." Naku, ayan na nga! Nahalata niya pala. "Ahm, wala naman po Sir. Don't mind me na lang po. Sorry." Napapakamot ulo kong sabi. Hindi naman nag salita si Sir Jacob. Naka kunot noo lang itong nakatingin sa kaniya. "Are you still single, Ms. Kylie?" He seriously said while looking me intently in our reflection. "Po?" Nagtataka kong tanong. Bakit niya gusto malaman? "Never mind. I'll still make you mine again." Mahinang sabi niya na hindi ko gaanong naintindihan. "Sorry sir. Hindi ko po kasi narinig. Ano po yun ulit?" Confused kong tanong. Hindi ko naman talaga narinig. "I'm asking if you're still single, Ms. Kylie?" Inulit niya lang yung tanong niya kanina. "Ahm, yung isang sinabi niyo pa Sir after niyang tanong mo. Sorry, hindi ko kasi naintindihan." Napapakamot ulo kong sabi. "Can I court you, Ms. Kylie?" Sir Jacob seriously said. "Ha? Po?" Mas lalo ata ako nabingi sa tanong ni Sir Jacob. Nakakabingi naman talaga yung tanong niya. "Don't make me repeat my self, Ms. Kylie. Next you'll ask me to repeat my question, I'll change it to will you marry me. Well, I much preferred the latter one." Seryoso ba talaga siya? Isang buwan pa pa lang kami nagkaka- kilala. "Ahhh.. Sir. Sorry, lutang lang po talaga ako ngayon. Napuyat lang kagabi." Totoong puyat talaga ako dahil kakaisip kay Tyler. At lately, madalas ko siyang napapanaiginipan. Magigising na lang ako ng hating gabi tapos iiyak. Napapanaginipan ko yung happy moments namin. Yung mga panahon na akala ko nalagpasan na niya yung mga pinag dadaanan niya, inilihim lang pala niya sakin yung totoong sitwasyon niya. "It's Jacob. Only Jacob. Tayong dalawa lang naman ang narito. Diba yun ang usapan natin? " Lumapit ito sakin habang nasa bulsa ang magka bilaang kamay niya at tsaka bahagyang yumuko sakin. Kaya magkatapat ngayon ang mukha namin. Para kaming nag hahalikan kung titignan sa ibang anggulo. Nakatitig siya sa mga mata ko at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, para akong nakakaramdam ng saya at kilig sa mga sandaling ito. Ganitong ganito ang pakiramdam ko noon sa tuwing magka- dikit ang katawan namin ni Tyler. Bakit? "This will be the last time I'll repeat my question. Kapag hindi ko pa din nakuha agad ang sagot mo, it means yes. Can I court you, Ms. Kylie?" Sir Jacob is very serious right now. Nalilito ako sa mga nararamdaman ko ngayon kaya hindi ako makasagot sa kaniya. Nakatitig lang din ako sa kaniya. Ting! Bigla naman bumukas ang elevator. Agad ko naitulak si Sir Jacob sa takot na may makakita sa amin na ibang empleyado pero huli na dahil maraming tao ang nakaabang sa pintuan at nakita ang posisyon namin kanina. Napayuko naman ako sa labis na hiya. Hindi naman pumasok ang mga empleyado na nag aabang sa pintuan ng elevator. Miski sila ay nagulat sa nakita nila samin ni Sir. Wala naman kaming ginawang masama pero nakaramdam talaga ako ng sobrang hiya. "Titingin lang ba kayo sa amin at tutunganga lang diyan?" Masungit na tanong ni Sir Jacob. "Ah eh, hindi na Sir. Mauna na lang po kayo ni ma'am. Hehe. Diba guys? Makakapag antay pa naman tayo?" Sabi nung baklang employee. "Oo nga sir. Dun na lang kami sa kabilang elevator. Makaka istorbo lang kami sa inyo ni ma'am. Hehe." segunda naman nung isang babae. "Hindi. Wala kaming..." Hindi na natuloy ang sasabihin ko ng pigilan ako ni Sir Jacob. Hinawakan niya ko sa braso at pinutol ang sinasabi ko. "Okay." Supladong sabi niya sabay pindot sa close button. Wala na kaming imikan ni Sir Jacob pagka sara ng elevator. Mauuna akong lalabas kaysa sa kaniya. Mas mataas kasi ang floor ng office niya. Tumapat na floor na bababaan ko ang elevator, pero bago ako tuluyan makalabas nag salitang muli si Sir. "It's already yes, Ms. Kylie. I will court you starting today. Have a sweet day ahead, baby." Seryosong sabi niya sabay ngisi. Hindi naman ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya. Napakurap kurap pa ko ng mata. Buti na lang naagapan ko dahil muntik na ulit mag sara ang elevator. Dali- dali akong lumabas at hindi na nag iwan pa ng mga salita sa kaniya. Liligawan niya ko? Ni hindi ko pa nga nakakausap ang anak ko. Baka hindi yun pumayag. Mahal na mahal namin ang papa Tyler niya kaya hindi ko alam kung kaya ko bang ibigay ang puso ko sa iba. "I miss you so much my baby bear. Wag ka sana magalit sakin kung may mag tangka na manligaw o mag kagusto sakin. Ikaw pa rin ang minamahal ko." Taimtim na kausap ko kay Tyler sa isipan ko. Nakarating na lang ako sa working table ko ng tulala. Hindi ako makapaniwala na gusto ako ligawan ng boss namin. Baka pinaglalaruan niya lang ako? Bakit naman siya mag kakagusto sakin? For sure may ibang motibo siya sakin gaya ng ibang walang hiyang lalaki. After ka makuha, sisibat na. Hindi naman malabong chickboy din si Sir Jacob, sa gandang lalaki niyang yun. Nasa kaniya na lahat ng physical na katangian ng lalaki na hangad ng isang babae. Hindi ako pwede mag padala sa pinapakita at mga sinasabi niya. Sure ako, kapag nakuha na niya ang kailangan niya sakin, iiwanan din niya ako. Napakalayo ng agwat namin sa buhay kaya imposible na sakin siya mag kakagusto at hindi sa mga babaeng ka level niya ng yaman. Bahala na! Sana talaga mapanindigan ko ito. Gabayan mo ko my baby bear. Protektahan mo ko sa mga manloloko at masasama. *** Love is cute when it's new but love is more beautiful when it lasts. End of chapter 9...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD