10: Signs of Depression

1649 Words
WARNING: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of author's imagination or used in a fictious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental. KYLIE ANNE's POV** "Ms. Anne, may pinadeliver pala sayo na boquet of peach and white roses. " Napatingin naman ako kay Layla na kakapasok lang ng office namin. " Sakin? Sure ka? " " Yes, Ms. Anne. To Kylie Anne Aquino nkalagay eh. " Naguguluhan naman ako. Kay Sir Jacob ba ito galing? Tinototoo niya ba talaga ang panliligaw sakin? Kinuha ko na lang kay Layla ang bulalak. Nag kataon lang ba ito? Alam niya kung ano ang favorite color ko sa flowers. I love peach and white rose kaya ito ang laging binibigay ni Tyler sakin noon. Binasa ko ang maliit na card na nakalagay sa flowers. "𝑷𝒍𝒆𝒂𝒔𝒆 π’ˆπ’Šπ’—π’† π’Žπ’† 𝒂 𝒄𝒉𝒂𝒏𝒄𝒆 𝒕𝒐 𝒑𝒓𝒐𝒗𝒆 π’Žπ’š 𝒔𝒆𝒍𝒇 𝒕𝒐 π’šπ’π’–. - π’Žπ’‹π’„" MJC? Ano yun? As in Miller, Jacob Cale? Nag kakamali ata ito si Sir ng gusto ligawan. Hindi niya siguro alam na may anak na ko. May extra baggage na ko kumbaga. Tapos siya, mayaman at binata pa. Kahit mag kagusto pa ako sa kaniya, hindi naman kami bagay. Kailangan ko siya kausapin ng masinsinan. Hindi ako ang karapatdapat at para sa kaniya na mahirap abutin. Langit at kanal ang pagitan namin. Huminga na muna ako ng malalim bago mag simulang mag trabaho. Sumasakit ulo ko dito kay Sir Jacob. Naging okay naman ang buong umaga namin sa opisina, ngunit pag dating ng hapon ay nag kakagulo na ang mga empleyado lalo na ang mga securities. May mga dumating na rin na mga ka- pulisan. Naka abang na rin ang mga medics. Natatakot at natataranta na ang karamihan. Ang isang empleyado kasi namin na from utility department ang pumunta sa roof top at tumayo sa pinaka dulong bahagi ng building. Umiiyak siya at tila gusto na tumalon. Siya si Dahlia. Minsan ay nakikita ko siya tulala sa isang tabi lalo na kapag naka breaktime ito. Minsan ko na rin siya natanong noon kung may pinag dadaanan ba siya at kung ano ang pwede kong maitulong. Ngumiti lang siya sa akin at sinabing okay lang siya. Marami lang daw siya iniisip na mga bayarin. Sa palagay ko ay nahihiya or natatakot siya mag open sa ibang tao ng problema niya. After ng pag uusap naming iyon ay ilang linggo hindi pumasok si Dahlia at nalaman namin na namatay na ang ama niya. Isang probinsyana si Dahlia at hindi pa nita kabisado ang kalakaran sa Maynila. Nakikipag transaction sa kaniya ang isang police. May naka ready na rin na sasalo sa kaniya sa baba kung sakaling mahulog siya. " Wag kayong lalapit! Pabayaan niyo ako! Gusto ko nang mag pakamatay! " Galit na sigaw ni Dahia ng mag tangka ang isang pulis na lapitan siya. " Wag ka matakot sa akin. Wala akong gagawing masama sayo. Ako nga pala si Sargeant Richard Gomez, isa akong police. Handa kaming mga ka pulisan na tumulong sa kung ano man ang pinagdadaanan. Makikinig kami sayo. " Kalmadong sabi ni Sargeant Gomez. He really sound concerned. Isang matangkad, gwapo at may pangangatawang binata si Sargeant Gomez. Base din sa physical features niya at ang way ng pag sasalita niya, katiwa- tiwala siya. Pero si Dahlia ay makikitaan mo ng takot sa kaniyang mga mata. Parang mayroon siyang matinding trauma. Napalingon naman ako sa tabi ko ng dumating si Sir Jacob na makikitaan mo ng matinding pag- aalala. Dito siya pumwesto sa tabi ko kasama ang secretary niya. Dumating din si Joshua na kaibigan ni Tyler. Dito rin kasi siya nag tatrabaho pero sa ibang department at kagay din ni Sir Jacob, bakas din ang matinding pag- aala sa mukha niya. Nakamasid lang kami dito sa tabi. Hindi kasi kami pwede lumapit ayon sa mga pulis pero ang atensyon namin ay na kay Dahlia at sa pag uusap nila ng pulis. " Hindi! Wala akong tiwala sa inyong pulis! Binaboy ako ng isang pulis na pinag katiwalaan ko noon! Pare- parehas lang kayong walang hiya! Lumayo kayo sakin! Gagawin niyo lang din sakin ang ginawa ng mga kabaro niyo! " Umiiyak na sigaw ni Dahlia. Ramdam na ramdam ko ang sakit at bigat ng kalooban niya. " Naiintindihan ko, Dahlia. Hindi ako lalapit. Dito lang ako sa pwesto. Sabihin mo sa akin ang mga ginawa ng mga kabaro ko sayo. Ako mismo ang mag bibigay parusa sa kanila. Sabihin mo sakin lahat, makikinig ako sayo, Dahlia. Hindi kita huhusgahan. " Malumanay pa rin na sabi ng pulis. Makikitaan mo talaga siya na nag sasabi siya ng toto. Nakakita kami ng pag asa ng tila bahagyang kumalma si Dahlia. Hindi muna ito nag salita at tila nag iisip pa. Lahat kami ay nag aabang sa sasabihin niya. " G-ginahasa nila ako. N-nung d-dalawang p-pulis na h-humahawak sa k-kaso ng papa ko. S-sabi nila t-tulungan nila a-ko m-makalaya si Papa. " Umiiyak na sabi ni Dahlia. Huminto muna ito sa pag sasalita para umiyak. Labis na awa ang nararamdaman ko sa kaniya. " S-sundin ko l-lang daw ang mga s-sasabihin nila at s-sila na daw a-ang bahala kay Papa. P-pinapunta nila ako sa head quarters nila ng halos hating gabi na dahil makikipag usap daw kami sa abogado ni Papa. Pagkarating ko dun, pinapasok nila ako sa isang silid at dun na nila ako sinimulan gahasain. Wala akong kalaban laban sa kanila at tinutukan nila ako ng baril sa bunganga ko. Pinag bantaan nila ako na papatayin nila si Papa kapag nag sumbong ako. Ang sasama nila! Pinag salit salitan lang nila ako hanggang mag sawa sila. At nung sumunod na araw gusto ulit nila gawin yun sakin pero tumanggi ako kaya pinabugbog nila si Papa sa mga preso hanggang sa binawian na ng buhay si Papa. Ang kawawa kong Papa! " Mas lalong lumakas pa ang pag iyak ni Dahlia. Lalong bumigat ang nararamdaman ko sa puso ko. Awang awa ako sa kaniya. Bakit may mga ganyang tao? Tao na naturingan at alagad pa ng batas pero halang ang kaluluwa. Buhay pa sila pero sinusunog na ang kaluluwa nila sa impyerno. Nakita ko naman ang pag kuyom ng kamao ni Sir Jacob at ni Sargeant Gomez. Umaasa ako na makakamit ni Dahlia ang hustisya para sa kaniya at sa Papa niya. " Labis akong nasasaktan malaman ang lahat ng pinag daanan mo at ng Papa mo. Makakaasa ka na bibigyan ko kayo ng hustisya ngunit kailangan ko ang tulong mo para malaman kung sinu- sino sila at saan sila naka distino. Ipinapangako na hindi ako titigil hanggat hindi nila napag babayaran ang mga ginawa nila sa inyo. Marami kaming naririto na handang tumulong at sumuporta sayo. " Magalang na pangungumbisi ni Sargeant Gomez. Inilahad naman ni Sargeant Gomez ang kamay niya kay Dahlia para alalayan itong bumaba at sa awa naman ng Diyos, nag paubaya si Dahlia. Nakahinga kami ng maluwag ng tuluyan na nakababa si Dahlia ng safe. Napalingon naman ako kay Sir Jacob at nangamba ako ng makita ko siyang parang nag papanic. Sa itsura niya ay parang may na trigger sa kaniya. Hinawakan ko naman siya sa braso. " Sir Jacob? Are you okay? Do you need anything? " Nag aalala kong tanong. Habang nakatitig ako sa kaniya ay parang nakita ko sa kaniya si Tyler nung mga panahong nag ra-rant siyabsakin about sa parents niya. Balisa at minsan ay tuliro. Napalingon naman siya sakin at tila nagulat na naroon ako. Hinapit niya ako bigla at niyakap. Sinubsob niya ang mukha sa leeg ko. " Nandito ka, My Baby... Bear. " Pabulong na yung huling salita na sinabi niya. Tinawag niya ba akong my baby bear? Si Tyler lang ang tumatawag sa akin ng ganun! Naguguluhan naman ako sa ikinikilos ni Sir Jacob. Mag tatanong pa sana ako pero tinawag na siya ng secretary niya at ni Joshua. "Ah, Mr. Miller, kailangan na po natin umalis. Code Blue. " Magalang na sabi ng sekretarya ni Sir Jacob. Base sa reaksyon at kinikilos nila parang pinipigilan nila si Tyler na may masabi pang iba na hindi ko dapat malaman. Ano yun? Bakit parang may nililihim sila sa akin? Ano ibig sabihin ng code blue? Inakay na nila palayo si Sir Jacob. Mas lalo tuloy ako na intriga. Parang may hindi tama. Gusto ko malaman. ➴➡➢➴➡➢➴➡➢➴➡➢➴➡➢ PAALALA: HINDI PO AKO PROFESSIONAL OR EXPERT SA GANITONG USAPIN. ITO PO AY BASE LAMANG SA MGA NAKALAP KO ONLINE. Ang depression ay isang seryosong kondisyon na maaaring makaapekto sa iba't ibang aspeto ng buhay ng isang tao. Narito ang ilang karaniwang senyales at sintomas ng depression⁡⁢: 1. **Patuloy na kalungkutan o mababang mood**: Pakiramdam ng matinding kalungkutan na tila hindi nawawala. 2. **Kawalan ng pag-asa**: Pakiramdam na wala nang pag-asa at walang magbabago sa sitwasyon. 3. **Pagkawala ng interes**: Kawalan ng interes sa mga bagay na dati ay kinagigiliwan, tulad ng mga hobby, social activities, at s*x. 4. **Pagbabago sa gana sa pagkain**: Maaaring magdulot ng pagbaba o pagtaas ng timbang. 5. **Problema sa pagtulog**: Maaaring makaranas ng insomnia (hirap makatulog) o hypersomnia (sobrang pagtulog). 6. **Pagkapagod at kawalan ng enerhiya**: Pakiramdam na laging pagod kahit walang mabigat na ginawa. 7. **Pagkairita at pagiging magagalitin**: Madaling magalit o mainis kahit sa maliliit na bagay. 8. **Pakiramdam ng kawalan ng halaga**: Pakiramdam na walang silbi o labis na guilt. 9. **Hirap mag-concentrate**: Hirap mag-focus o gumawa ng desisyon. 10. **Pag-iisip ng kamatayan o pagpapakamatay**: Pagkakaroon ng mga ideya o plano tungkol sa pagpapakamatay. Kung ikaw o ang kakilala mo ay nakakaranas ng mga sintomas na ito, mahalagang humingi ng tulong mula sa mga propesyonal sa kalusugan ng isip. May mga paraan upang malampasan ang depression at muling makaramdam ng sigla at saya sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD