11: Paano Suportahan Ang Taong May Depresyon?

1840 Words
KYLIE ANNE'S POV** Hindi pa rin ako maka move on hanggang ngayon kay Sir Jacob. Bakit siya nagka ganun? Hindi ko alam kung bakit pero sobrang nag aalala talaga ako. Ayaw ko mangyari sa iba yung nangyari sa pinakamamahal kong lalaki. Nakita ko din na nagka ganun noon si Tyler kaya sa tuwing may nakikita akong tao na may ganung senyales, hindi talaga ako mapalagay. Palakad lakad ako dito sa tapat ng table ko at hindi mapakali. Gusto ko talaga puntahan si Sir Jacob. Bahala na! Nag lakas loob na ko na puntahan si Sir Jacob sa opisina niya. Kumatok muna ako ng tatlong beses. Naka locked kasi ang pinto. Ang secretary ni Sir Jacob ang nag bukas. " Yes, Miss Aquino? " " Ahm.. Sir pwede ko ba malaman ang kalagayan ngayon ni Sir Jacob? Nag aalala kasi talag ako eh. " " Nothing to worry, Ms. Aquino. He is fine now. You can continue your work. " Nag aalangan man ay nakuntento na lang ako sa sagot niya. Gusto ko pa sana silipin si Sir Jacob pero wala ako makita. Nakaharang kasi ang secretary niya at maliit na awang lang ng pinto ang binuksan. Isang linggo na ang lumipas matapos ang insidenteng iyon kay Dahlia. Pinag leave with pay muna ng management si Dahlia at nag paabot ng tulong sa kaniya. Tinupad naman ni Sergeant Gomez na tutulungan ni si Dahlia. Sa ngayon ay gumulong na ang kaso laban sa dalawang walang hiyang pulis na umabuso kay Dahlia. Isang linggo ko na rin hindi nakikita ai Sir Jacob. Wala siyang kahit anong bakas sa kompanya puro ang sekretarya lang nito ang madalas kong makita. Ayoko na sana isipin pa siya pero hindi ko talaga maiwasan. Rest day ko ngayon at balak ko sana i-spend muna ang araw na toh para makasama ko dito sa bahay mag hapon ang anak ko. Narito din ngayon sila mama at papa mula pa kahapon at balak daw nila mag stay dito ng isang linggo. Mabuti naman para marami kami dito sa bahay. Masaya kaming kumakain ng tanghalian habang nanonood ng TV. Nag luto kasi si Mama ng sinigang na baboy na maraming gabi at gumawa naman ang pinsan kong si Haide ng buko salad na paboritong paborito ng anak ko. Pumanta muna saglit ang anak ko sa kwarto niya. May ipapakita daw siya sa amin. Hahanapin lang daw niya saglit. Habang nasa kalagitnaan kami ng pag kain namin ay may nag doorbell naman sa gate namin. Si Haide na ang nag presintang lumabas para tignan kung sino iyon. " Ate Kylie, may gwapong lalaki sa labas. Manliligaw mo daw po! " Bigla naman ako nabilaukan ng sabaw na hinihigop ko. " Ano? Manliligaw? Sino naman yun? Pag tataka kong tanong. " Jacob daw po ate. Papasukin ko ba? " Oh no! Seryoso talaga siya? At bakit ganun parang na miss ko siya? Erase! Erase! Hindi pwede! " Papasukin mo. Gusto ko siya makilala. " Si Papa na ang sumagot kay Haide. " Magandang tanghali po sa inyong lahat. " Kalmado pero seryosong sabi ni Sir Jacob. May bitbit itong malaking bouquet ng peach and white roses. " S-Sir Jacob, b-bakit narito ka? " Napapakamot ulo na lang talaga ako. Nakakahiya! " Nanliligaw ka raw sa anak ko? " Paninigurado ni Papa. " Yes, Sir! Ipapaalam ko po sana na gusto po ligawan ang anak niyo. Sana payagan niyo po ako. " Magalang na pag sabi Sir Jacob sa magulang ko. " Maupo ka muna, sabayan mo na kami kumain. May mga itatanong pa ako sa iyo. " Si Papa talaga oh! Hinila naman ni Sir Jacob ang upuan sa tabi ko. Ikinuha ko naman siya ng plato, baso, kutsara at tinidor niya. Ako na rin ang nag hain sa kaniya. Nailang naman ako ng mapansin kong nakatitig sa akin si Sir Jacob. Paran siyang in love na in love sa akin kung makatingin. Tila napansin naman ito nila mama at papa kaya tumikhim ang mga ito. Doon naman ulit napa iwas ng tingin si Sir Jacob at ganun din ako. " Kumain ka iho. Bakit gusto mong ligawan ang anak ko? " Pag usisa ni Papa. Niyaya niya kumain pero inusisa niya agad. " Dahil siya po si Kylie Anne Aquino. Gusto ko siya sa lahat ng aspeto na meron o wala man siya. " Maiksi lang na sagot ni Si Jacob pero tagos sa puso ko. Gusto niya ako sa kung ano meron lang ako at mahal niya ako kahit wala akong kahit na ano. " Ilaw na po ba ang papa ko? " Nanlaki ang mata ko ng biglang sumulpot si Kyler. Nag tataka itong nakatingin kay Sir Jacob. Si Sir Jacob naman ay napatulala kay Kyler. I don't know why, pero I saw longingness in his eyes. Parang naluluha siya at gustong yakapin si Kyler pero nag pipigil lang base sa pag kuyom ng mga kamay niya. Bakit ganiyan ang reaksyon niya pagka kita sa anak ko? " Siya si Kyler. Anak siya ng babaeng gusto mong ligawan. Matatanggap mo ba na may anak na siya sa iba? " I know, sinusubukan lang ni Papa si Sir Jacob kay hindi naman ako na offend. " Yes Sir! I'm more than willing to do that! I will give everything I can to Kyler and Kylie. " Mabilis na sagot ni Sir Jacob habang tulala pa rin sa anak ko. Nawiwirduhan ako sa mga nakikita ko sa kaniya. Napangiti naman si Mama sa kaniya. Ito naman talaga ang gusto ng magulang ko, ang muling buksan ang puso ko sa bagong pag ibig. Alam kasi nila kung paano ako halos mabaliw nung mawala si Tyler. I'm sure, they are more than happy for me. " Kung ganun eh, pinapayagan na kita manligaw sa anak ko, yun eh kung papayag ang apo ko. Nasa kaniya ang final na sagot. " Natatawang sabi Papa habang tinatapik ang balikat ni Kyler. "Ahm, Kyler, baby, pwede ko ba ligawan ang mama mo? Sana payagan mo din ako. " Naluluhang paalam niya kay Kyler. " Maipapangako mo po ba na hinding- hindi mo iiwan ang Mama ko? Wala na kasi akong Papa eh. Siya lang ang mag isang nag tataguyod sa akin. " Hayst ang anak ko, pinapaiyak ang mama. " Opo, I promise. Hinding hindi ko iiwanan ang Mama kahit anong mangyari. Hindi na ulit. I mean hindi yun mangyayari. " " Okay, mula ngayon Papa na kita pero wag ka mag seselos sa totoong Papa ko ha? Lagi pa din kami dadalaw ni Mama sa kaniya. " " I understand, anak. Walang problema! Sasamahan ko kayo palagi at mag papakilala ako sa kaniya. Mag papaalam ako sa kaniya na ipaubaya na kayo sa akin at ako na ang bahala sa inyo. " Madamdaming sabi ni Sir Jacob. Ang sweet ng dating sa akin ng pag tawag niya kay Tyler ng anak. Nararamdaman ko na sincere lahat ng sinasabi niya. Ayaw ko man aminin, pero nakukuha na niya ang loob ko. " Mama, gusto ko siya maging Papa. Pwede niyo na po bang sagutin? " Nag papa-cute na tanong ng anak ko. Akala mo naman parang nag papabili lang ng laruan sa akin. " Ah.. Eh anak pag iisipan muna ni Mama, ha? Hindi pa kasi ako ready eh. Okay lang ba? " " Yes po, Mama pero wag po masyadong matagal ah? Gusto ko na kasi maranasan makatabi ka matulog na may kasamang Papa. " Anak naman! Ibang usapan na yan eh. Napapakamot ulo na lang ako sa kaniya. Pati anit ko biglang namroblema. " Please, Kylie, hayaan mo ako na ligawan ka at ang pamilya mo. Okay lang kahit hindi mo ako sagutin basta hayaan mo lang ako na makasama kayo palagi at sana bigyan mo ako ng karapatan na tawaging Papa ni Kyler. Wala akong intensyon na palitan siya, ang hiling ko lang ay chance. " Pag mamakaawa ni Sir Jacob. Mukha naman siyang sincere sa amin. Napahinga na lang ako ng malalim. " May magagawa pa ba ako eh pinag tutulungan niyo na ako. Oh siya sige. Galingan mo man ligaw. " " Yes! " " Yey! " Sabay na sigaw ng mag- ama. Ops! Sinabi ko bang mag- ama? Bakit biglang dumulas na lang yun sa isipan ko? Kita ko naman ang saya sa mukha nila mama, papa at ng pinsan ko. Haysttt... My baby bear, I'm sorry, mukhang mababali ang pangako ko na wala na akong iibigin pa bukod sa iyo. Kita ko ang sobrang kagustuhan ni Kyler na mag karoon ng ama. Sino ba ako para ipagkait yun sa kaniya? Panahon na rin siguro na palayain ko na ang puso ko mula sa nakaraan. Hindi ko naman kakalimutan si Tyler. Mamahalin ko pa rin siya mula sa malayo. Mananatili ang mga ala-ala niya sa puso at isipan ko. **✿❀○❀✿** PAALALA: HINDI PO AKO PROFESSIONAL OR EXPERT SA GANITONG USAPIN. ITO PO AY BASE LAMANG SA MGA NAKALAP KO ONLINE. Narito ang mga paraan kung paano mo maaaring suportahan ang isang taong may depresyon: 1. **Makinig at Magbigay ng Pag-unawa**: Ipaalam sa kanila na nandiyan ka para makinig nang walang paghusga. Minsan, ang pakiramdam na naririnig ay malaking tulong na¹. 2. **Hikayatin ang Propesyonal na Tulong**: Maingat na imungkahi ang paghingi ng tulong mula sa isang mental health professional. Alukin silang tulungan sa paghahanap ng therapist o samahan sila sa mga appointment kung komportable sila². 3. **Panatilihin ang Koneksyon**: Regular na kumustahin sila sa pamamagitan ng tawag, text, o pagbisita. Kahit maliliit na kilos ay makakapagpaalala sa kanila na hindi sila nag-iisa². 4. **Maging Mapagpasensya**: Ang paggaling mula sa depresyon ay maaaring tumagal ng panahon. Maging mapagpasensya at iwasang pilitin silang "bumangon" agad². 5. **Mag-alok ng Praktikal na Tulong**: Tumulong sa mga pang-araw-araw na gawain na maaaring nakakapagod para sa kanila, tulad ng pagluluto, paglilinis, o pamimili³. 6. **Hikayatin ang Malusog na Gawi**: Maingat na hikayatin silang makilahok sa mga aktibidad na makakapagpabuti ng kanilang mood, tulad ng pag-eehersisyo, tamang pagkain, at sapat na tulog¹. 7. **Mag-aral Tungkol sa Depresyon**: Alamin ang higit pa tungkol sa depresyon upang mas maunawaan kung ano ang kanilang pinagdadaanan at kung paano mo sila masusuportahan³. 8. **Igalang ang Kanilang Espasyo**: Habang mahalaga ang pananatiling konektado, igalang din ang kanilang pangangailangan ng espasyo at oras para sa sarili². 9. **Iwasan ang Puna**: Subukang huwag maging kritikal o balewalain ang kanilang nararamdaman. Unawain na ang depresyon ay isang tunay at seryosong kondisyon³. 10. **Alagaan ang Iyong Sarili**: Ang pagsuporta sa isang taong may depresyon ay maaaring maging mahirap. Siguraduhing alagaan din ang iyong sariling kalusugan sa pag-iisip at humingi ng suporta kung kinakailangan². Kung sila ay nagpapahayag ng mga kaisipan o kilos na may kaugnayan sa pagpapakamatay, agad na humingi ng tulong mula sa isang propesyonal sa kalusugan o makipag-ugnayan sa mga serbisyong pang-emergency. Ang iyong suporta ay maaaring magdulot ng malaking pagbabago sa kanilang paglalakbay patungo sa paggaling. 💙 At higit sa lahat, sabayan ng panalangin. *** Depression, if not addressed can lead to suicide. End of chapter 11...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD