KYLIE ANNE'S POV**
Lalong naging masaya ang tanghalian namin sa pag dating ni Sir Jacob. Nagpapa bibo sa kaniya si Kyler. I saw genuine smiles and heard genuine laughs from Kyler and most specially kay Sir Jacob. Ngayon ko lang nakita na ganito kasaya ang anak ko. Panay ang banggit niya ng Papa kay Sir Jacob.
Naalala ko na naman ang baby bear ko. Ganito siguro kami kasaya kung nabubuhay lang siya. Iba pa rin kung siya talaga ang kasama naming mag ina.
Siguro talagang may ibang plano sa amin ang tadhana kaya kami pinag tagpo pero hindi itinadhana. At sana naman ngayon, yung itinagpo niya sa amin ni Kyler ay itadhana na Niya.
Mag hapon nakipag laro si Sir Jacob kay Kyler habang kami nila Papa at Mama ay nanonood ng mga pelikula. Hanggang sa umabot na ng dinner dito si Sir Jacob. Halos ayaw na siya lubayan ni Kyler. Dito na rin namin siya pinag dinner at nung makatulog na sa bisig niya si Kyler ay kinuha ko na ito sa kaniya. Hindi siya pumayag na ako ang mag karga kay Kyler. Siya na mismo ang ang nag insist na dalhin si Kyler sa kwarto nito. Pagka lapag niya sa anak ko, napatitig siya sa larawan sa bed side table. It was me and Tyler with ultrasound picture ni Kyler. First ultrasound ko yan kaya tinabi ko talaga as remembrance.
Nabanaag ko ang pag kislap ng gilid ng mata ni Sir Jacob. Umiiyak ba siya? Nag mapansin niya na nag tataka akong nakatingin sa kaniya ay bigla siyang tumalikod at pasimpleng nag pahid ng luha niya. Ang weird talaga ng mga kilos niya. Kailan ko lang naman siya nakilala pero siya, parang noon niya pa ako kilala.
Napakalayo naman ng itsura ni Tyler at Sir Jacob. Ang napapansin ko lang na parehas sa kaniya ay ang mga mata nila at ang height. Sa pangangatawan, mas malapad ang balikat ni Sir Jacob at may defined muscles, parang alaga sa gym. Sabagay noon kasi bata- bata pa si Tyler kaya hindi pa kasing define ng katawan ni Sir Jacob. Inihatid ko na rin si Sir Jacob sa labas. Nag papasamat ako sa kaniya dahil naging sobrang saya ng anak ko ngayon.
" Mag iingat po kayo, Sir. Salamat sa pag punta. "
" Jacob na lang, please? Wala naman tayo sa trabho eh at tsaka nililigawan na kaya kita. "
" Kahit na po noh. Boss pa din kita. "
Natawa naman ako sa pag pout niya. Napa titig naman ako sa labi niya na parang familiar din sa akin.
" Pwede mo naman yan halikan kung gusto mo. Hindi kita pipigilan. "
Nahiya naman ako bigla. Napatagal pala ang pag titig ko sa labi niya na kay sarap... Ahhh wala!
" May pagka assuming ka din pala Sir. "
In denial kong sabi. Syempre nakakahiya!
" Thank you, Kylie. Salamat dahil pinayagan mo ako makapasok sa buhay ni Kyler at sana sayo din magkaroon ako ng pag asa. Wala akong masamang intensyon sayo. Kung iniisip mo na iiwanan at lolokohin din kita pag nakuha ko na ang gusto, nagkakamali ka. Ikaw lang ang gusto ko. Kung hindi rin lang din naman ikaw, hindi na lang ako mag mamahal ng iba. At kung sakaling mo hindi mo talaga ako matagpuan sa puso mo, kahit kay Kyler na lang, hayaan mo ko maranasan maging ama sa kaniya. Wala na akong balak bumuo na pamilya kung hindi lang din naman kayo ang kasama ko. "
Seryoso at madamdaming sabi ni Sir Jacob. Grabe! Ang lalim ng mga salita niya. Parang may malalim na pinag huhugutan. Huminga na muna ako ng malalim bago nag salita.
" Pag bibigyan po kita na patunayan ang sarili mo sakin. "
Nanlaki naman ang mga mata ni Sir Jacob na tila ba hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. Sumuntok pa ito sa hangin dahil sa labis na galak. Nagulat naman ako ng bigla niya ako yakapin. Nakaramdam naman ako ng kakaibang saya sa pag yakap niya. Very familiar.
"Thank you so much, Kylie. Pag bubutihan ko. Kahit sagutin mo pa ako, pangako hindi pa rin ako mag babago. Lagi pa din kita liligawan. Hihiling lang sana ako sa iyo na sana ay wala ka ng payagan na iba pang manliligaw sayo. Ako lang please?
Ay awit. Hindi pa man kami, possessive na! Sigurado ako, pag ito nagkaroon ng karapatan sa akin, bantay sarado talaga ako. Hindi ko maintindihan ang sarili pero parang mas gusto ko pa yung ganun. Naaalala ko na naman si Tylee. Ganun na ganun siya. Sorry, sir Jacob kung hindi ko maiwasan maipag kumpara ka sa lalaking una kong minahal. Sa palagay ko kailangan ko pa talaga ng kaunting time pa.
Ngumiti naman ako kay Sir Jacob at tumango sa kaniya nung humiwalay na siya sa akin sa pag kakaykap pero hawak pa rin ang kamay ko. Wala naman ako talaga balak mag paligaw kung kani- kanino. Plus points lang talaga kay Sir Jacob na gusto siya ng anak ko.
Nakikita ko sa kaniya ang walang mapag sidlang saya na ikina ngiti ko na rin. Siguro kailangan ko na simulan turuan ang puso ko mag mahal ng iba. Panahon na nga siguro para sumubok muli at sana this time, hindi na ako mabigo.
Nung mawala si Tyler sa buhay ko, may isang bagay ako na narealized, ayaw ko din naman ito mangyari sa akin sa totoo lang, pero parang mas gugustuhin ko pa na nakipag hiwalay na lang sa akin si Tyler dahil may iba na siyang mahal atleast may chance pa na makita at makusap pa namin siya ng anak ko kaysa naman na kahit kailan wala na kaming chance na makasama at makausap siya kahit gustuhin pa namin.
Kaya sana kung may bagong pag ibig man ang sumibol sa puso ko para sa taong iton, sana naman hindi na bawiin sa akin kaagad. Sana ito na talaga. And I will promise to make more memories with him na parang kada araw ay huling araw na namin na mag kakasama.
Humihingi ako ng gabay sa iyo Panginoon, kung siya na ang para talaga sa akin, bigyan mo po ako ng sign na may number 29 mula kay Sir Jacob.
February 29 kasi ang anniversary namin Tyler. One of the most memorable day in our lives. Ito ang magiging sign ko kung isusugal ko muli ang puso ko.
I miss you so much, My Baby Bear.
**✿❀○❀✿**
PAALALA: HINDI PO AKO PROFESSIONAL OR EXPERT SA GANITONG USAPIN. ITO PO AY BASE LAMANG SA MGA NAKALAP KO ONLINE.
Narito ang ilang payo para sa mga magulang upang maiwasan ang pagbibigay ng depresyon sa kanilang mga anak:
### 1. **Magkaroon ng Bukas na Komunikasyon**
Hikayatin ang iyong anak na magbahagi ng kanilang nararamdaman at mga iniisip. Ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon ay makakatulong sa kanila na huwag magtago ng kanilang mga problema at emosyon.
### 2. **Ipakita ang Suporta at Pagmamahal**
Ipakita sa iyong anak na mahal mo sila at nandiyan ka para sa kanila. Ang simpleng pagpapakita ng pagmamahal at suporta ay maaaring magbigay ng malaking ginhawa at seguridad sa kanila.
### 3. **Panatilihin ang Isang Malusog na Kapaligiran**
Siguraduhing ang kapaligiran sa bahay ay positibo at malusog. Iwasan ang labis na stress at tensyon sa loob ng tahanan. Ang isang mapayapang kapaligiran ay makakatulong sa emosyonal na kalusugan ng iyong anak¹.
### 4. **Hikayatin ang Pisikal na Aktibidad**
Ang regular na pisikal na aktibidad ay mahalaga para sa kalusugan ng isip. Hikayatin ang iyong anak na maglaro, mag-ehersisyo, o sumali sa mga sports activities. Ang pisikal na aktibidad ay makakatulong sa pagpapabuti ng kanilang mood at overall well-being².
### 5. **Bigyan ng Pansin ang Kanilang Kalusugan sa Pagkain**
Siguraduhing ang iyong anak ay kumakain ng balanseng diyeta na puno ng prutas, gulay, at iba pang masusustansyang pagkain. Ang tamang nutrisyon ay mahalaga para sa kalusugan ng isip at katawan³.
### 6. **Maglaan ng Oras para sa Pamilya**
Maglaan ng oras para sa mga family activities at bonding moments. Ang pagkakaroon ng quality time kasama ang pamilya ay makakatulong sa pagpapalakas ng relasyon at emosyonal na suporta.
### 7. **Huwag Magbigay ng Labis na Presyon**
Iwasan ang pagbibigay ng labis na presyon sa iyong anak pagdating sa academics o iba pang aspeto ng kanilang buhay. Hikayatin sila na gawin ang kanilang makakaya, ngunit huwag silang pilitin na maging perpekto.
### 8. **Maging Isang Mabuting Halimbawa**
Maging isang mabuting halimbawa sa iyong anak pagdating sa pagharap sa stress at problema. Ipakita sa kanila kung paano mag-manage ng emosyon at stress sa positibong paraan.
### 9. **Makipag-ugnayan sa Kanilang Eskwelahan**
Makipag-ugnayan sa mga guro at school counselors upang malaman kung may mga problema o isyu na maaaring makaapekto sa emosyonal na kalusugan ng iyong anak. Ang pakikipagtulungan sa eskwelahan ay makakatulong sa pag-monitor ng kanilang kalagayan⁴.
### 10. **Maghanap ng Propesyonal na Tulong Kung Kailangan**
Kung napapansin mong may mga senyales ng depresyon sa iyong anak, huwag mag-atubiling maghanap ng tulong mula sa mga propesyonal tulad ng psychologist o psychiatrist. Ang tamang interbensyon ay mahalaga para sa kanilang kalusugan⁵.
Ang pag-aalaga sa emosyonal na kalusugan ng iyong anak ay isang mahalagang bahagi ng pagiging magulang. .