13: YES!

1742 Words
KYLIE ANNE'S POV** Ala- sais pa lang ngayon ng umaga pero yung manliligaw ko narito na. May dala dalang napaka daming pagkain. " Good morning baby. Nag luto ako ng almusal natin. " Napaka gwapo. Este napaka ganda naman ng ngiti ng lalaking ito. Ayaw ko aminin pero kinilig ako sa pag tawag niya sa aking baby. Pero hindi ko talaga aaminin. " Good morning, J-Jacob. Ang aga mo naman umakyat ng ligaw? " Napapakamot ulo na lang ako. " Gusto ko kasi kayo makasabay mag almusal eh. Malungkot kasi sa condo ko, ako lang mag isa. Gising na ba ang anak natin? Pwede ko ba siya puntahan? " Hindi ko alam kung bakit na touched ako sa pag tawag niya kay Kyler ng anak natin. Parang totoong totoo. It sounds so sweet to my ears bukod sa pag tawag niya sa aking baby pati na rin sa pag angkin niya sa anak ko bilang anak niya na rin. " Natutulog pa sa kwarto niya. " " Pwede bang ako na lang ang gumising sa kaniya? " " S-sige. Pwede naman. Ikaw bahala. " Bakit feeling ko nag ba- blush ako? Para kasing ang lagkit ng tingin niya sa akin eh. Hindi naman sa paraan ng nakakabastos, it's more like, parang ako lang ang pinaka magandang babae sa mundo. Ano ba yan! Nagiging assuming na ata ako. Ngumiti naman siya sa akin ng pagka tamis. Pumunta naman agad si Jacob sa kwarto ni Kyler para gisingin ang anak namin. I mean, ng anak ko. Habang ginising pa ni Jacob si Kyler, prinipare ko naman ang mga dala niyang pagkain. Bumaba na rin ang mag ama mula sa kwarto ni Kyler. Ang sarap pala pakinggan. Karga karga ni Jacob si Kyler habang ang anak ko naman ay halatang antok na antok pa. " Good morning po, Mama. " Inaantok pa na bati ng anak ko. " Good morning din, anak. Maupo ka na para makakain ka na. " Agad naman siya pinaupo ni Jacob at siya na rin nag sandok ng pagkain ni Kyler. Ako naman ang nag sandok ng pagkain niya bago ang sa akin. Nakatittig naman siya sa akin habang ipinag sasandok ko siya na ikinailang ko bigla. Titig na titig kasi siya. " K-kain na. " Nag simula na rin kaming kumaing tatlo. Sila mama, papa at Haide ay mga tulog pa. Hindi ko na lang sila inistorbo pa. Paminsan minsan ay nilalagyan ni Jacob ang plato ko at ni Kyler ng pagkain sa twing malapit na maubos. " Papa, ihahatid nyo po ba ako ni Mama sa school! " " Yes, anak. Pati si Mama ihahatid ko din sa work. " " Yehey! May Papa na din ako na maghahatid sa akin. Sana sagutin ka na rin ni Mama para dito ka na din matutulog. " Nabilaukan naman ako sa kapeng hinihigop ko dahil sa sinabi ng anak ko. Na pressure naman ako bigla. Nag sisimula pa nga lang ako kilalanin ang Papa Jacob niya. Agad naman ako dinaluhan ni Jacob para hagudin ang likod ko at abutan ako ng tissue. Ang init ng kamay niya. Naging maayos din naman ako agad. Nabigla lang talaga ako sa sinabi ng anak ko na parang nag papabili lang ng laruan. " Sana nga anak, sagutin na ako ng Mama mo. Tulungan mo ang Papa sa kaniya ha? Para sagutin na ako agad. " Natatawang sabi naman ni Jacob. Napa irap naman ako sa pangungumbisi niya kay Kyler. Harap harapang sabwatan ang nagaganap ngayon. Kung mag usap sila parang wala ako sa harap nila. " Opo, Papa! Pag sasabihan ko yung ibang gustong manligaw kay Mama na wag na sila manligaw kasi may Papa na ako. " Bibong bibo na sabi ng anak ko. " May iba pang nanliligaw sa Mama mo?" Kunot noong tanong ni Jacob. Napapakamot kilay na lang ako sa kadaldalan ng anak ko. Hindi naman talaga nanliligaw sa akin, mga nagpaparamdam lang. At wala akong balak mag paligaw sa kanila. Okay na ko sa isang manliligaw lang. " Hindi pa po, pero sabi nila liligawan nila si Mama. Kaya lang ayaw ni Mama sa kanila kasi mga tambay lang yun sa kanto maliban lang dun sa isa, nag wo-work siya sa Munisipyo. " Ang daldal. " Anak, kaibigan ko lang iyon. " Paliwanag ko na agad. Para kasing nag iba ang mood ni Jacob. Bahagya itong sumimangot. Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya. Bakit parang na guilty ako bigla na para bang nahuli ako ng boyfriend ko na nangaliwa? Wierd. Inihatid na namin sa school si Kyler dala ang sasakyan ni Jacob. Tuwang tuwa naman ang anak ko. Masaya ako sa mga nakikita ko kay Kyler nagkaroon bigla ng buhay ang bawat araw niya. At sana lang talaga hindi masaktan ang anak ko pagdating ng panahon. After maihatid si Kyler ay dumiretso na kami ni Jacob sa opisina. Nakiusap ako sa kaniya na wag kami mag sasabay papasok dahil ayaw ko maging tampulan ng chismis lalo na at CEO namin siya. Ayaw niya pumayag. Nakiusap naman siya sa akin na kahit mag kasunuran na lang kami yung tipong nakasunod siya sa likuran ko. Ang sabi ko naman sa kaniya ay ako na lang ang susunod sa likuran niya. Napipilitan man ay pumayag na lang si Jacob. Ang gusto kasi ni Jacob mangyari ay ipangalandakan sa lahat na binabakuran niya ako para walang magtangka sa akin na manligaw. Naiiling na lang ako sa kaniya. Ayaw ko nga ipaalam sa lahat na nililigawan ako ng boss namin, nakakahiya baka kung ano pa isipin nilang hindi maganda. Oo, hindi natin dapat iniisip ang sasabihin ng iba pero sa totoo lang hindi pa rin natin maiwasan masaktan. Kaya hangga't makakaiwas ako, iiwas ako para na lang sa peace of mind ko. Everyday naging ganun ang routine namin. May pasok man o wala, araw-araw ay nasa bahay si Jacob na halos kulang na lang ay doon na tumira sa amin. Nakikiusap naman sa akin si Kyler na kung pwede doon mag stay ang Papa Jacob niya every weekend sa room niya. Talagang seryoso siya na tulungan ang Papa niya sa akin pero hindi ako pumayag pa. Ipinaliwanag ko naman kay Kyler kung bakit. Technically speaking kasi hindi pa naman kami official ni Jacob dahil hindi ko pa naman siya sinasagot. Mahigit isang buwan na rin kaming ganun ang routine. At sa bawat araw na yun ay wala ding palya si Jacob manligaw sa amin ng anak ko. Atleast twice a week ay dini-date niya ako. At sa bawat araw ding yun unti- unti ko na natututunan sa puso ko na tanggapin na talagang wala na si Tyler at buksan na ang puso ko para sa iba at iyon ay kay Jacob. Nakapag desisyon na ako na sagutin na siya, officially. This time, pag bibigyan ko naman ang puso ko na sumaya. Ngayon ay araw ng linggo, as usual nasa bahay muli si Jacob at mga magulang naman ay narito din para dumalaw. Gusto daw mag luto ni Mama ng kaldereta na baka at pansit kaso lang ay maraming kulang na sangkap. Nakiusap siya kung pwede ba ako na lang ang bumili. Pumayag naman ako at nag presinta naman si Jacob na ipag drive at samahan ako mag grocery. Nag decide na rin ako mag grocery ng iba pang mga kulang pa sa bahay. Dito kami sa SM Megamall nag grocery ni Jacob. Medyo natagalan lang kami dahil mahaba ang pila dahil weekend nga pala ngayon, maraming tao. Wala naman ako nagawa ng ipilit ni Jacob bayaran lahat ng pinamili ko. Pauwi na kami sa bahay nang mapansin ko na tila kakaiba ang ngiti ni Jacob parang may something. Hindi naman na ako nag tanong pa baka kasi may naalala lang siya at isipin pa niya na echosera ako. Pero curious talaga ako at gusto ko malaman kung ano dahilan ng pag ngiti niya ngayon. Mag seselos na ba ako kung sakaling ibang tao ang dahilan? Ayaw ko na lang alamin. Nagulat naman ako nang pagkarating namin sa bahay ay puno ng decoration ang sala. Madaming white and peach folwers sa paligid. At ang anak ko ay may hawak ng karatola na may nakasulat na " Please be my girlfriend, Kylie" at ang hawak naman ng pinsan ko ay " and be with me for the rest of my life. " Ang hawak naman ng magulang ko ay " I LOVE YOU SO MUCH, KYLIE ANNE AQUINO. " Naluluha naman akong nakatingin sa kanila dahil lahat sila ay full support na magkaroon ako ng bagong pag ibig. Lumuhod naman sa harap ko si Jacob at may inilabas na singsing na ikinaiyak ko na talaga. Tears of joy. I never expected it. Talagang pinagkaisahan nila ako ngayong araw. At ngayong araw na ito, September 29, 202x ay sinasagot ko na si Jacob Cale Miller. " Can you be my girlfriend, baby? " Hindi agad ako nakapag salita dahil sa pag iyak kaya natawa ako ng makita ko ang matinding kaba ni Jacob. " Oh, YES Jacob! Sinasagot na kita. " Hindi naman makapaniwalang nakatingin sa akin si Jacob. Nang ma- realized niya na kami na ay nag tatatalon sa tuwa. Nag hihiyawan naman ang pamilya ko lalo na ang anak ko na pinakamasaya sa lahat. Niyakap ako ng mahigpit ni Jacob at ganun din ako sa kaniya. " Thank you so much, baby! I'm the happiest man alive! This is the best day ever, yet! I love you! " May luha sa matang sabi ni Jacob. Masayang masaya din ako ngayong araw na ito. Nag celebrate kami ngayong araw na ito. May nakahanda na pala talagang pagkain. Gusto lang nila na lumabas ako para makapag decorate sila. Nalaman ko din na kinausap at nag paalam muna si Jacob sa pamilya ko para hingiin ang kamay ko at basbas nila. Walang pag aatubili naman pumayag ang pamilya ko. I find it so sweet. Bihira na lang ang lalaking ganiyan. I think, I'm lucky enough. Maraming salamat my baby bear, binigyan mo talaga ako ng sign na pinapayagan mo na ako umibig muli. #29. Pinapalaya na kita my baby bear pero mananatili pa rin ang lahat ng ala-ala mo sa akin. Pangako ko sayo na hinding hindi ko pababayaan ang anak natin kahit magkaroon pa ako ng bagong pamilya. *** “And suddenly you know… It’s time to start something new and trust the magic of beginnings.” – Meister Eckhart End of chapter 13...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD