KYLIE ANNE'S POV***
Sabay na kami dumating sa kompanya ni Jacob. As usual, doon pa rin siya nag aalmusal at naghahapunan sa bahay. Aalis lang siya kapag tulog na ang anak namin.
Kahit sabay kami dumating ay hindi ako sumabay sa kaniya papasok. Nahihiya kasi ako. Ayaw ko maging tampulan ng tukso at chismis pag nalaman nilang mag boyfriend na kami ni Jacob, na CEO ng kompanya.
Alam ko nag tatampo siya pero dahil mahal niya ako, mas pinili niya ako unawain. Nakakakilig sa totoo lang. Alam niyo yung tipong kahit may kausap sa selpon si Jacob or nanunood kami ng TV, yung atensyon niya nasa akin pa rin.
Ihaharang niya kaagad ang kamay niya pag masasagi ako ng kung anong bagay or ng makakasalubong namin sa pag lalakad. Kahit sa elevator at may mga kasabay kami, he always make sure na hindi ako maiipit o masasagi.
Malapit na rin kami mag isang buwan ni Jacob. Until now wala pa naman nakakalam sa office tungkol sa relasyon namin. Kahit na minsan eh kinakabahan ako sa mga tingin niya sa akin. Masyado kasing obvious! Minsan nga ay tinutukso ako ni Layla kapag napapansin nito ang mga tingin ni Jacob sa akin.
Simula din nung maging official boyfriend girlfrend na kami, lumabas na pagiging clinggy ni Jacob. Unti- unti na nga ako nasasanay sa kaniya. Yung dating init na nararamdaman ko kapag kami dalawa lang noon mas tumindi ngayon. Hindi ko alam kung ako lang ba pero ganun ang nararamdaman ko kapag nakadikit sa akin si Jacob pero siya, parang normal lang sa kaniya na lagi siyang nakahawak sa baywang ng girlfriend niya. Para bang sanay na sanay na siya sa akin. Very attentive sin siya everytime na may sinasabi ako sa kaniya or sa ibang tao lalo na kapag may kinukwento ako sa kaniya.
Iniiwasan ko mag kumpara at ayaw ko talaga sana pero honestly speaking lang, marami silang pag kakapareha ni Tyler. Sa mga sweet gestures, sa pag iisip at pag sasalita, maging sa pag kain halos lahat. Hindi ko maiwasan maalala sa kaniya si Tyler. At never din naman nag tanong si Jacob tungkol sa past ko.
Wala pa ako masyadong alam tungkol kay Jacob lalo na sa pamilya niya. Never pa niya nabanggit ang tungkol sa mga magulang niya or kung may kapatid ba siya. Nung minsang tinanong ko ay umiwas siya, sa palagay ko ay hindi maganda ang relasyon nila. Hindi ko na lang pinilit alamin. I know, mag oopen din sya sa akin sa tamang panahon.
" Happy 1st Monthsary sa inyo Mama at Papa! "
Masiglang bati ng anak ko sa amin ni Jacob. Dito na lang namin napili mag celebrate kasama ni Kyler. Ipinag luto ko siya ng lasgna na paborito niya at nag order na lang ng iba pang pagkain. Kasabwat niya ang anak namin sa pag de-decorate ng garden namin. Akala ko simpleng dinner date lang pero pina level up talaga nilang dalawa.
May candle lights at Christmas lights sa paligid na kulay gold. Very romantic. Humahalimuyak din ang amoy ng mga bulaklak sa paligid dahil mas pinaganda nila at dinamihan ng tanim. Si Kyler naman ay nag silbi din naming little waiter na inaalalayan naman ni Haide sa pag serve ng pagkain. Para talaga kaming nasa mamahaling restaurant.
Sobrang kilig ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito lalo na ngayon na hinaharana niya ako. Napaka ganda ng boses niya. Hayst... Parang si Tyler. Bahagya akong nakaramdam ng lungkot ng maalala ko naman siya. I'm sorry baby bear and I'm sorry Jacob, bigyan niyo pa ako ng konting time, tuluyan din mag hihilom ang sugat ng nakaraan ko. Sa ngayon masaya ako sa piling ni Jacob.
"Uulit-ulitin ko sa 'yo
Ang nadarama ng aking puso
Ang damdamin ko'y para lang sa 'yo
Kahit kailanma'y hindi magbabago. "
Panimulang awitin niya habang nag gi- gitara.
" Ikaw ang laging hanap-hanap sa gabi't araw
Ikaw ang nais kong sa tuwina ay natatanaw. "
Damang dama ng puso ko ang nag uumapaw na pagmamahal sa akin ni Jacob.
"Ikaw ang buhay at pag-ibig, wala na ngang iba
Sa 'king puso'y tunay kang nag-iisa. "
Bahagya akong napaluha ng matapos niya ang kanta niya sa akin.
Nginitian niya ako at pinahid ang luhang umalpas na pala sa mga mata ko.
" May I dance with you, baby? "
Agas naman ako tumango sa kaniya at inabot ang kaliwang kamay ko.
Niyakap niya ako sa baywang at pinag dikit ang aming katawan. Nasa balikat ko ang ulo niya at ganun din ako. Marahan lang kaming nag i-sway ng katawan namin, habang dinadama ang awitin.
" Happy 1st monthsary baby. I'm hoping and hardly praying na makasama kita at si Kyler habang buhay. Wag mo sana ako sukuan kahit anong mangyari at kahit ano man ang pag subok na dumating sa atin. Alam ko, hindi ka pa lubusang nakaka move on sa pagkawala ni Tyler. Tandaan mo lagi na andito lang ako, handa kitang tulungan makalimutan yung sakit. Hindi ko hihilingin sa iyo na kalimutan mo siya at ang mga alaala niyo pero sana dumating na ang panahon na ako ang palagi mong maiisip sa bawat ginagawa ko para sayo at hindi na siya. Naiintindihan ko na sa ngayon ay hindi mo maiwasan ipag kumapara kami sa isa't-isa, wala kang kasalanan baby dahil nasa adjustment period ka pa. Umaasa ako na balang araw ay matutunan mo na rin ako mahalin, yung ako na lang. Mahal na mahal na mahal kita Kylie Anne Aquino at ang anak natin. Mahal ko kayong dalawa. "
Dahan- dahan akong hinalikan ni Jacob. Nagpa ubaya naman ako. Ito ang first time na mahalikan niya ako. Walang halong pag mamadali, just savoring the moment kissing each other. Naluluha pa din ako sa sobrang saya ng puso ko.
" Maraming salamat, Jacob sa pag unawa sa sitwasyon ko at ng puso ko. Maraming salamat dahil tanggap mo ang lahat sa akin. Just give me enough time, I promise to let my heart fall in love with you alone. Gusto ko lang din malaman mo na sobrang masaya ako sa bawat araw na kasama at nakakausap kita. Happy first monthsary, baby. More months and years to come! "
" Thank you so much, baby! Can I kiss you more? "
" Nag papaalam ka pa, nakahalik ka na nga kanina. "
" Anak, close your eyes. I will hardly kiss your Mama. "
" Okay po, Papa! Gusto ko na po ng kapatid. Hehe. "
Napakamot ulo naman ako sa batang ito. Makahiling naman ng kapatid parang nabibili lang sa palengke.
" Soon, anak. I promise mag kakaroon ka ng baby brothers and baby sisters. "
Nahampas ko naman sa dibdib si Jacob. Sa tono ng pananalita niya parang gagawin niya akong inahing baboy pag naging mag asawa na kami.
" Pasaway ka. Kung anu anonsinasabi mo diyan sa bata. Baka umasa yan. "
" Tutuparin ko naman yun eh, wag ka mag alala. "
Natatawang sabi ni Tyler habang nakayakap pa rin sa akin.
" So, anong ibig mong sabihin diyan? Gagawin mo akong inahing baboy? "
" Hindi naman, baby. Inahin lang pero hindi baboy. Haha. Ngayon pa lang, babalaan na kita. Susunod- sunurin kita."
" Tumigil ka nga! Ang sakit kaya manganak! Gusto ko ikaw na lang ang mag labor at manganak. Ewan ko lang kung hindi ka umiyak. Hmp! "
Nakitaan ko ng lungkot sa mga mata si Jacob. Napa isip naman ako kung may nasabi ba akong hindi maganda or naka trigger sa kaniya.
" Nahirapan ka ba nung mag isa mong pinag buntis si Kyler hanggang sa mailabas mo siya? "
Malungkot na tanong sa akin ni Jacob. Hindi ko alam bakit, feeling ko may guilty na nararamdaman si Jacob dahil nag hirap ako sa pag bubuntis kay Kyler.
" Sobrang nahirapan, oo. Pero nakaalalay naman sa aking ang pamilya ko. Hindi nila ako pinabayaan. Kaya kahit papano, gumaan din ang ibang bagay sa aming mag ina. Ang mas nag papahirapan lang naman sa akin nung time na yun ay ang katotohanang wala na ang ama ng anak ko at hindi man lang niya nalaman agad na may naging anak kami. Huwag mo na isipin yun. Matagal na panahon na rin naman. Narito ka naman, tumatayo bilang ama niya. "
Napangiti naman si Jacob sa sinabi ko at tila kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.
" Maraming salamat, baby sa pag bibigay sa akin ng pagkakataon na makasama kayo. Gagawin ko ang lahat para sa pamilya natin. Akin lang kayo ng anak natin. "
Sapat na ang mga salitang iyon sa akin para maniwalang may happy ending din sa mga kagaya kong may nakaraan sa iba.
***
»»————> PAALALA <————««
HINDI PO AKO PROPESYONAL OR EXPERT SA USAPING ITO. BASE LAMANG PO LAHAT IYAN SA MGA NAKALAP KO ONLINE.
Ang mga kilos ng kamay at iba pang bahagi ng katawan ay maaaring magbigay ng mga palatandaan ng depresyon. Narito ang ilang mga senyales na maaaring makita:
### **Mga Kilos ng Kamay**
- **Kawalan ng Gamit ng Kamay**: Ang mga taong may depresyon ay maaaring hindi gaanong gumamit ng kanilang mga kamay kapag nagsasalita. Ang kanilang mga kilos ay maaaring maging mabagal o limitado
- **Pagkuyom ng Kamay**: Ang pagkuyom ng kamay ay maaaring magpahiwatig ng tensyon o pagkabalisa, na madalas na kasama ng depresyon
- **Pag-iwas sa Pagkilos**: Ang mga kamay ay maaaring manatiling nakatago sa mga bulsa o nakatiklop sa harap ng katawan, na nagpapakita ng kawalan ng kumpiyansa o pag-iwas sa pakikipag-ugnayan
### **Iba Pang Palatandaan ng Katawan**
- **Masamang Postura**: Ang mga taong may depresyon ay madalas na may nakayukong balikat at nakatungong ulo, na nagpapakita ng kawalan ng enerhiya at pag-asa
- **Mabagal na Paggalaw**: Ang kanilang mga galaw ay maaaring maging mabagal at walang sigla
- **Kawalan ng Eye Contact**: Ang pag-iwas sa eye contact ay maaaring magpahiwatig ng kahihiyan, pagkakasala, o pagnanais na umiwas sa pakikipag-ugnayan
### **Mga Ekspresyon ng Mukha**
- **Droopy Eyelids**: Ang mga mata ay maaaring magmukhang malungkot o pagod, na may mababang talukap.
- **Mouth Curved Downward**: Ang bibig ay maaaring laging nakakurba pababa, na nagpapakita ng kalungkutan.
Ang mga palatandaang ito ay hindi tiyak na indikasyon ng depresyon, ngunit kapag pinagsama-sama, maaari silang magbigay ng mas malinaw na larawan ng emosyonal na kalagayan ng isang tao. Mahalagang tandaan na ang pagmamasid sa mga kilos ng katawan ay dapat gawin nang may pag-unawa at paggalang, at ang propesyonal na tulong ay mahalaga para sa tamang pagsusuri at paggamot.
End of chapter 14...