KYLIE ANNE'S POV***
" I miss you so bad, baby. Dapat sumama na lang kayo ni Kyler sa akin dito eh. "
Nakangusong sabi ni Jacob. Naka video call kami ngayon dahil sa Singapore siya sa gaganaping summit. Pinipilit niya kami sumama kaso marami kaming kailangan i-sacrifice ni Kyler lalo na at may pasok pa siya.
Anim na buwan na rin pala simula nung sagutin ko si Jacob, may ilang tao na nakakaalam sa company niya na mag karelasyon kami kagaya ni Layla, ni Joshua, ng secretary niya at ilang head officials. Hindi kasi makatiis itong si Jacob pag magkasama kami eh. Nakakalimot na may ibang tao pa kami na kasama sa meeting. Bigla bigla na lang magyayakap o manghahalik.
Ngini-ngitian ko na lang yung mga nakakakita. Hindi naman sila nag tatanong dahil takot sila kay Jacob. Alam niyo naman may pagka suplado ang lolo niyo kapag sa ibang tao.
Hinahayaan ko na lang siya minsan kapag nasa meeting kami eh nasa baywang ko ang isang kamay at humahalik halik sa balikat ko Noong minsan kasing lumayo ako sa kaniya dahil nahihiya ako sa mga tao sa paligid ay nagtampo malala talaga siya.
Nasasanay na lang ako na ganiyan siya ka clingy sa akin. Kahit kasi nasaan kami, mapa restaurant, dito sa bahay , sa opisina, o kahit saang lugar kami, ganiyan lagi ang posisyon namin. Lagi din siyang nakahawak sa kamay ko sa baywang ko. Nag kakalayo lang kami kapag nagta-trabaho na kami. Kulang na nga lang pati sa loob ng banyo ay sumama sa akin. Kung hindi ko pa pipigilan ay talagang sasama siya. Nakakatakot siya biruin o hamunin kasi sasama talaga siya sa loob ng banyo.
Hindi naman siya mahigpit na boyfriend pero seloso, oo. Lagi ang sama ng tingin sa mga lalaking empleyado niya. Para siyang may matang lawin na lagi na lang nakasunod sakin. Suplado at non-chalant man siya sa paningin ng ibang tao, pero kapag kaming dalawa na lang, napaka sweet, maalaga, very thoughtful at lahat ng sabihin ko, agree siya. Well, ibang usapan pag may ibang boys sa paligid. Pagdating sa akin, madamot siya sa iba. Ang kaniya ay kaniya lang at ako ay sa kaniya lang, walang pwedeng maki-share o mang agaw.
Malaki na nga pala ang inusad ng kaso ng papa ni Dahlia. Hindi talaga siya pinabayaan ni Sargeant Richard Gomez hanggang sa maipakulong ang dalawang officials na police. Medyo na nahihirapan sila noong una dahil may mga protector ang dalawang pulis na high officials pero hindi nag papatinag si Seargeant Gomez. Tumutulong din si Jacob kay Dahlia sa pag provide ng ibang needs nito lalo na ang safe na masisilungan para ma-protektahan si Dahlia. Masaya ako sa improvement ni Dahlia. Nag undergo siya sa treatment para matulungan siya ma-overcome ang trauma niya at hindi lumalala ang anxiety niya.
Ang payo ko sa lahat lalo na sa mga kababaihan na inaabuso, wag kayo matakot mag sumbong o mag salita. Mas matutulungan kayo kapag nag sabi kayo, kahit man lang sa taong pinagkakatiwalaan niyo. Wag maging pipe. Walang ibang higit na po-protekta sa inyong sarili kundi kayo lang din.
***
Lumipas pa ang buwan at taon, ngayon nga ay ika second year anniversary na namin ni Jacob. Kakatapos lang niya mag propose sa akin. Syempre pumayag naman ako. We are now engaged! Kaya naman tuwang tuwa ang pamilya ko lalo na si Kyler. Sobrang excited na daw talaga siya magkaroon ng kapatid niya. Akala niya siguro ang dali lang mag buntis, makahiling naman ng kapatid ang batang ito.
In two months na kami mag papakasal ni Jacob. Gusto pa nga niya sana next month na. Siya na daw bahala sa lahat para hindi na ako mahirapan. Sa impluwensiya at yaman ni Jacob, hindi imposible yun sa kaniya. Kaso iwan ko ba kung bakit masyado nag mamadali ang boyfriend kong ito. Wala naman problema sa akin kaya hinayaan ko na siya.
Napag kasunduan na lang namin na ang kasal ay sa February 29, 202x. Kaperaha ng buwan at petsa kung kailan ko din sinagot noon si Tyler. Hayst. Sa totoo lang nami-miss ko pa rin siya hanggang ngayon, pero hindi tulad dati mas nakakaya ko ng lampasan ngayon at dahil yun kay Jacob.
Open naman ako kay Jacob about sa ganung feelings ko at nauunawaan niya ako doon. Siya mismo ang gumagawa ng paraan para gumaan ang pakiramdam ko kaya mas nakakaya ko na ang bawat araw na nag dadaan. Iniisip ko na lang na sobrang pagmamahal sa amin ni Tyler, pinakiusapan niya si God na ipadala sa amin si Jacob. Masayang masaya ako sa kung ano man ang meron sa relasyon namin ngayon ni Jacob. Hindi kami nag hahanapan ng wala sa amin. Kontento na kami.
Narito kami ngayon sa mall para mamasyal. Kasama ko ang mag ama ko. Nasa gitna ako ng dalawa. Hawak ko si Kyler at nakahawak naman sa baywang ko si Jacob. Kakatapos lang namin manood sa sinehan, syempre ang pinanood ng mag ama ay ang paborito, ang pelikula ng Marvel Studio. Ang gaganda naman kasi talaga ng mga pelikula nila.
Ngayon naman ay nag hahanap kami ng makakainan, hindi kami makapili kung mag unli buffet ba kami o mag Jalibbee.
" K-Kylie, ikaw ba yan? "
Napalingon ako sa boses na bumanggit sa pangalan ko. Nagulat ako biglang nataranta.
" T-tita... "
" Ikaw nga! Kamusta ka na. "
Napatingin naman si Tita Theresa kay Jacob at napatitig kay Kyler. Bigla ko naman hinila si Kyler patago sa likuran ko.
" Ahmm.. K-kamusta po? K-kailan pa k-kayo nakabalik sa Piliponas? "
Tita Theresa is Tyler's mom. Kasama din niya ngayon ang daddy ni Tyler na si Tito Theodor. Simula ng mamatay ang nag iisa nilang anak ay nag lie-low muna sila sa negosyo at nag bakasyon sa ibang bansa. Hindi naman kasi biro ang mawalan ng anak lalo na kung guilty ka pa sa pagka wala nito.
Hindi nila alam na nagka anak kami ni Tyler at wala akong balak sabihin sa kanila. Natatakot ako.
" B-bakit kamukha niya si T-Tyler? Apo ba namin siya? "
Hindi ako makasagot sa tanong ni Tita Theresa.
" He's my son, madam. I am his father. It may sound rude but we really need to go. Excuse us. "
Laking pasalamat ko sa sinabi ni Jacob. Sana maniwala ang mga magulang ni Tyler at wag na nila kami guluhin.
Hinawakan ako ni Jacob sa balikat at sa kabilang kamay naman niya si Kyler. Inakay na niya kami palayo.
" Sandali! "
Napahinto ako sa pag lalakad. Humigpit ang hawak sa akin ni Jacob sa kamay ko. Binibigyan niya ako ng signal.
" Bakit po, Tita? "
" Pwede ba tayong mag usap sa susunod na araw? Saan ka ba nakatira ngayon? Pwede ko ba hingiin ang number mo? "
Sunod subod na tanong niya.
" Lumipat na po ako ng bahay tita. Ibibigay ko na lang po ang number ko. "
Ayaw ko naman maging bastos. Nanay pa rin naman siya ni Tyler at tao naman siya nakikipag usap sa akin.
Napansin ko na pinipilit nila sulyapan muli si Kyler kaso nakatago ang anak ko sa likod ni Jacob kaya hindi nila makita.
Alam ko nag dududa na sila sa mga sandaling ito dahil sobrang kamukha naman talaga ni Kyler ang totoong papa niya. Parang reincarnation siya ni Tyler.
Umalis na rin kami agad para hindi na nila ako kulitin pa. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Jacob dahil kanina pa siya seryoso at hindi kumikibo. Parang ang lalim ng iniisip niya.
" Who are they, Mama? "
Tanong ni Kyler.
" Mga dating kakilala lang ni mama, anak. Wag mo na sila isipin. "
" Okay mama. Where are we going to eat papa? Gutom na talaga ako. "
Nakangusong sabi ni Kyler. Halatang nagpapa lambing.
Doon ko naman ulit nasilayan ang pag ngiti ni Jacob na para bang si Kyler ang sagot sa mga iniisip niya.
" Saan mo ba gusto anak? Si papa ang bahala! "
" Sa Jalibbee na lang papa! Gusto ko po ng tuna at peach mango pie at saka chicken! "
" Coming up, sir! "
Masayang pag kunsinte naman ni Jacob. Syempre wala naman ako magagawa diyan.
Hindi ko na lang inisip ang nangyari kanina. Hindi rin naman nagtanong si Jacob kung sino ang mga yun. Palagay ko ay may idea na siya. Obsessed lang sa aking ang fiance ko pero maunawain siya sa maraming bagay pagdating sa akin. Kaya naman natutunan ko siyang mahalin ng sobra.
Yes, I love him so much. I love Jacob Cale Miller.
***
" Your present circumstances don't determine where you can go; they merely determine where you start. "– Nido Qubein
End of chapter 15...