18: Wedding Day

1584 Words
KYLIE ANNE's POV* Dumating na ang araw ng aming kasal ni Jacob. Wala ng mapagsidlan ang saya sa puso ko. After two years of being in a boyfriend-girlfriend relationship, finally, there is someone I can be with me thru ups and downs forever. This is really what I want, a companionship. Tama si mama, iba pa rin talaga kapag may katuwang ka sa buhay, may katabi sa pag tulog, kasabay kumain at makakausap sa lahat ng bagay. Yes, no marriage is perfect, ang importante ay kung paano niyo ito dadalhing dalawa. Marriage is not about waiting for the storm to pass, but learning to dance in the rain together. Always communicate openly. It's amazing what honesty and transparency can do to build a strong foundation. Narito na ako ngayon sa b****a ng simbahan, ready to walk down the aisle with a joyful heart. Ang lalaking minamahal ko makakasama ko sa habang buhay ay nag aantay na sa akin sa harap ng altar habang lumuluha ng nakangiti. Ang anak naming si Kyler ang best man niya. Nakakatuwa pagmasdan na parang mag best friend ang mag ama ko. Napaka gwapo nila parehas sa suit nilang color cream. Habang nakatitig ako sa kanilang dalawa, napansin ko na parehas sila ng mga mata. Hindi ko alam kung dinadaya lang ba ako ng imahinasyon ko pero iyon talaga ang nakikita ko sa mga sandaling ito. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit miski sa mga gusto at ayaw nilang pagkain ay parehas din ang dalawa. Maging sa allergies. In a hundred lifetimes I'd choose you In a hundred worlds I'd find You... Nagsisimula na umawit ang wedding singer namin And I'd say, "I do" For the rest of my life With all that I have, I do. Nag sisimula pa lang ako mag lakad ay naluluha na ako. Ganito pala ang pakiramdam ng ihaharap sa altar. Bumabalik sa isip ko ang mga ala-ala naming masasaya. And I will When the sky is falling I promise you I'm all in, No turning back. I Choose You ni Ryann Darling ang napili namin na wedding song. Every day, every moment, every breath you take... I choose you. I thank God, so much for this wonderful man He choose to be with me for the rest of my life. And He'd choose us In a hundred lifetimes Nasa magkabilaang gilid ko si mama at papa na naghahatid sa akin sa altar. Pag tapat namin sa mapapangasawa ko ay nag mano muna si Jacob kila mama at papa tanda ng paggalang. Iniabot naman ni papa ang kamay ko kay Jacob na malugod naman tinanggap ng soon to be husband ko at hinalikan pa ang kamay ko. “Jacob, anak, ingatan at alagaan mo sana si Kylie. Wag mo din kalimutan si Kyler na lagi dapat kasali sa lahat ng pagmamahal at atensyon mo kahit magkaroon na kayo ng sariling anak ni Kylie. Mula ngayon ay ipinapaubaya ko na sa iyo ang anak at apo ako. Maaari mo na kaming tawaging papa at mama mo na rin.” “Maraming-maraming salamat po, papa at mama. Tatandaan ko po ang mga sinabi niyo. Makakaasa po kayo sa akin.” Nag simula na ang seremonya sa amin ng pastor at sa buong seremonya ng kasal namin ay magka holding hands lang kami ni Jacob. Panandaliang magbibitaw pero agad din maghahawak kamay. Hindi ko alam kung nasanay na lang ba kami ng ganun. Kahit noon pa man kasi ay palagi din kami magkahawak ng kamay, nag uusap o nanunuod man yan sa TV. Kahit minsan may tampuhan kami ay magkahawak pa din kami ng kamay ng hindi namin namamalayan. Tila ba automatic na yun sa amin, lalo pa pag nakita ni Jacob na lalaki ang kausap ko. Matic yan talaga hawak agad sa kamay ko or hawak sa baywang ko. “I pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride.” Nakangiting sabi ni pastor. Tila sabik naman na iniangat ng mister ko ang belo sa ulo ko. Bumwelo pa muna ito bago ilapit ang mukha sa akin para halikan ako. Ang aming unang halik bilang mag-asawa. Masigabong palakpakan naman ang naririnig ko sa paligid habang ninanamnam ng asawa ko ang labi ko. “I love you so much, Kylie Anne Miller. You’re finally my wife!” Buong pagmamahal na sabi ni Jacob pagka bitaw sa labi ko. “I love you more, Jacob Cale Miller, my husband.” Our day one to forever. Matapos ang kasal ay dumiretso na rin kami sa aming reception. Hindi naman kalayuan yung pagdadausan. May ilang program ang inihanda para sa lahat. Tinawag na ng host ang lahat ng kadalagahan para sa pag hagis ko ng bulaklak. Hindi talaga pahuhuli si Layla, siya talaga ang naunang pumunta sa unahan. Si Haide na pinsan ko ay nahihiya namang pumunta sa harap. Wala siyang magawa dahil utos yun ni mama. Narito din si Dahlia, isa din sa nahihiya pumunta sa harap pero mas nahihiya siya sa amin ni Jacob kaya kahit ayaw niya sana ay napalitan na lang siya. Masasabi kong naka move on na siya at napakalayo na niya sa dati niyang kalagayan. I’m so happy for her. Pinagti-tripan ng mga kalalakihan si Karen na isang tomboy. Pinagtutulakan talaga nila na pumunta sa harap. Naka dress din si Karen kagaya ng sa mga abay. Ka-opisina din namin siya ni Layla. Peach and white ang themed color namin kaya ang dress na suot ni Karen ay color peach din. Napakamot ng ulo si Karen dahil wala na siyang magawa dahil lahat gusto ay sumali siya sa mga sasalo sa bulaklak. Sinamahan pa siya ng bestfriend niyang si Joshua pumunta sa harapan. Hindi na siya makawala dahil ang higpit ng akbay sa kaniya ni Joshua. Natatawa naman kami dahil ang siga ni Karen mag lakad at parang naghahamon ng away sa kanto habang naka dress. Mga nasa sampong kadalagahan din ang mga nasa harapan. Tumalikod na ako para kunwari ay ihahagis ko na ang bulaklak pero sa totoo lang, hindi ko naman talaga ihahagis ang bulaklak. Nakakatawa man pakinggan pero nakiusap talaga sa amin ni Jacob si Joshua para kasabwatin kami na sa oras na dapat ihahagis ko na ang bulaklak ay direkta ko itong iaabot kay Karen habang si Joshua ay nasa likod lang ni Karen at nakaluhod para mag propose. Nakiusap si Joshua na gamitin ang pagkakataong yun magtapat ng nararamdaman niya kay Karen. Sana lang ay hindi siya mabigo. Naghiyawan ang mga bisita at nag aabang sa pag hahagis ko ng bulaklak. Nang makita ko na ang go signal ng host, na isa din sa mga kasabwat, ay muli na akong humarap at naglakad papunta sa kinaroroonan ni Karen ng nakangiti. Nagtataka naman si Karen na nakatingin sa akin ng makatapat na ako sa kaniya. “Ka, listen to your heart. Deserve mong magpakatotoo at sumaya sa piling ng taong totoong nagmamahal sayo ng wagas, handang alagaan ka at higit sa lahat, tanggap kung ano ka. I’m wishing you all the happiness in the world.” Nakangiti kong inilagay sa kamay ni Karen ang bulaklak at marahang pinaharap sa likuran niya. Her reaction is so priceless. Kulang ang salitang nagulat base sa reaksyon niya. Pinaghalong gulat, pagtataka at kasiyahan ang makikita mo sa kaniya. “Karen, babe. Hindi ko na kaya pang magpanggap sa sarili ko na bestfriend lang ang tingin ko sa iyo, dahil sa totoo lang gustong gusto kita maging kabiyak na makakasama ko habang buhay. Isang dekada na kita minamahal na pilit kong itinatago sa iyo dahil sa takot na layuan mo ako kapag nagtapat ako ng nararamdaman ko sa iyo. But not this time, inalis ko na lahat ng takot na meron ako para lakas loob na magtapat sa iyo. Can you be mine officially, forever? Please say yes?! Mababaliw na ako pag nawala ka sa akin.” Naluluhang pagtatapat ni Joshua. May ganitong side din pala siya. I’m touched by his words. Mahabang panahon ko na din kilala at kaibigan si Joshua, simula college at sa pagkakakilala ko sa kaniya, matino at seryoso siyang tao. Tapat din siyang kaibigan at maaasahan. Ngayon naman ay lumuluha na rin si Karen na hindi na makapag salita. “Babe? Please say yes! I love you ever since I met you. Hindi ko na kaya na hanggang magkaibigan na lang tayo. Hindi ko na kayang labanan ang mga selos ko kapag masyado kang malapit sa ibang lalaki.” “Hayop ka! Bakit inabot ka pa ng ten years! Ang tagal-tagal ko nag antay na mapansin mo! Nagpaka lalaki pa ako para lang magkaroon ng pagkakataon mapalapit sa iyo, kahit maging kaibigan mo man lang. Ayun naman pala ay noon mo pa ako gusto! Eh di sana may mga anak na tayo ngayon! Bwisit ka! Sinasagot na kita! I love you too, babe!” Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Karen. Nagtata-talon sa sobrang tuwa si Joshua at yumakap kay Karen bago isinuot ang singsing sa daliri ng kasintahan na hanggang ngayon ay umiiyak pa din sa saya. Double celebration ang ise-celebrate namin ngayon. Lahat ay masaya sa mga kaganapan ngayong araw. Ngayon ay masasabi ko na mas handa na ko harapin ang bawat araw at hamon ng buhay, dahil this time may partner na ko na makakasama. Na nanalangin ako sa Panginoon na gabayan kaming mag-asawa sa bawat desisyon namin at samahan sa bawat pagsubok na magdadaan. *** “A happy marriage is the union of two good forgivers.” – Ruth Bell Graham End of chapter 18…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD