KYLIE ANNE POV*
Naging busy ang halos araw-araw namin sa pag aasikaso ng kasal namin. Kumalat na rin sa buong company ni Jacob ang tungkol sa relasyon namin. Marami ang napataas ang kilay pero wala naman sila magagawa, ako ang napili. Yung iba naman ay masaya para sa amin, lalo na si Layla. Hindi naman na nagulat ang iba sa nabalitaan nila, expected na daw nila dahil madalas nila mapansin ang lagkit ng tingin sa akin ni Jacob.
Hindi ko naman maiwasan mag blush. Bakit ba naman kasi na sa isang single mom pa nagka-crush ang isang Jacob Cale Miller na ubod ng yaman, gwapo at binata pa?
Ang sabi sa akin ni Jacob ay wala na siya magulang dahil matagal na daw ang mga ito namayapa. Hindi naman na ako nag ungkat sa mga nakaraan niya lalo na sa pamilya niya. Napapansin ko kasi lagi na parang ayaw niya ito pag usapan at kung minsan ay nababalisa siya. Umaasa ako na balang araw ay magiging handa din siya na mag kwento sa akin tungkol sa pamilya niya.
Papunta kami ngayon ni Jacob sa botika ng wedding gowns. Gusto sana ni Jacob na customize wedding gown ang suotin ko pero hiniling ko na lang sa kaniya na kung ano na lang yung available, isang beses lang din naman susuotin, ang importante may maayos ako na masusuot sa pinaka masayang araw namin.
Pumili muna ako ng limang gowns na isusukat ko sa tulong ng stylist at dalawang staff niya. Medyo naiilang pa ako sa sinuggest nila, revealing kasi ang designs pero napakagaganda talaga. Never pa ako nakita ni Jacob na nakasuot ng maiksing short o damit na kita ang cleavage, hindi dahil sa hindi ako nag susuot kundi nag bibihis ako ng mas maayos na damit kapag nasa bahay siya. Hindi ko alam kung madadala ko ba ng maayos ang pagsusuot ng ganito ka-seksi na gown. Bahala na.
Si Jacob ay nag aantay lang muna sa akin. Nakaupo lang ito sa sofa habang nainom ng kape at nagbabasa ng magazine. Suot ang unang gown, off shoulder ito pero hindi naman kita ang pisngi ng dibdib at long sleeve. Ipinakita ko kay Jacob ang sinukat ko, tumango tango naman siya at nag thumbs up.
Sunod ko naman isinukat ang turtle neck at long sleeve din na gown. Napaka ganda din neto. Balot na balot ang katawan ko. Kagaya nung una, same lang ang reaksyon Jacob. Hindi ko tuloy kung totoong gusto ba talaga niya o may iba pa siyang gustong makita na design.
Ang ikatlong gown na sinukat ko naman ay tube ang style kaya medyo naiilang ako pero hindi naman malaswa tignan. Sa ika-apat na sinukat o ay parang ayaw ko na lumabas. Ang laki kasi ng hiwa sa gitna, hanggang ibaba ng dibdib. Hapit din sa baywang kaya naman hulmang hulma ang malaki kong balakang. Nahihiya man ay lumabas pa rin ako ng fitting room para ipakita sa mapapangasawa ko kung approve ba sa kaniya.
When Jacob saw me, I saw a very priceless reaction of him. He looks so amazed at para bang ako na ang pinaka magandang babae ang nakita niya buong buhay niya. I’m flattered with his reaction. Bigla akong kinilig. Hinangod niya ko ng tingin sa kabuoan ko at hindi nakatakas sa paningin ko ang paglunok niya nung dumapo ang tingin niya sa dibdib ko. Bakit parang nag twinkle bigla ang mga mata niya? Parang excited sa kung saan?
“Wow! You look stunning ma’am Kylie! Lahat ata ng suotin mo bagay sayo.”
Namamanghang sabi ng stylish na si miss Janice. Mukhang nag sasabi naman siya ng totoo at hindi bola lang. Nahihiya naman akong ngumiti sa kaniya. First time ko lang kasi makapag suot ng ganito eh.
“How about this one, baby? What do you think?”
I shyly asked.
“Gorgeous! I mean, I love it baby, but I don’t want you to expose too much of your skin specially on that lovely part. That’s exclusively for my eyes only. Baka ma-distract sayo si Pastor habang kinakasal tayo.”
He’s looking at my cleavage. Napanguso naman ako sa sinabi niya.
Isinukat ko na ang pang limang gown na napili ko and I think this is the best one. This is similar to Marian Rivera’s wedding gown pero hindi naman kasing haba.
“Wow! That’s perfect baby!”
“Ito din ang pinaka gusto ko baby.”
Masayang pahayag ko. Lalo tuloy ako nakaramdam ng excitement. Si Jacob naman ang nag sukat ngayon ng suit niya at wala ako masabi dahil lahat ng sinuot niya ay bagay na bagay sa kaniya at lalo na enhanced ang ka-gwapuhan niya. Sa huli ang pinili na lang namin ay ang kulay cream na suit.
Sa loob ng ilang linggo ay halos kumpleto na kami maging sa mga papeles na ipinalakad naman ni Jacob sa secretary niya. Tapos na rin ang invitations at iilang godparents at sponsors lang naman ang kinuha namin. Talagang ang araw na lang na itinakda ang hinihintay namin. Walang araw ata na hindi sinasabi ni Jacob kung gaano siya ka-excited. Sobrang na appreciate ko din si Jacob dahil bukod sa anak ko at sa family ko ay nagpaalam din siya sa puntod ni Tyler na gusto niya ako pakasalan at nangako siya na pagka-iingatan, mamahalin at aalagaan niya kaming mag ina. Hindi ko napigilan mapa-luha nung time na yun. Nire-respeto niya ang kahalagahan ni Tyler sa aming mag-ina.
Isa na lang ang naging alalahanin ko habang papalapit na ang araw ng kasal namin, yun ay magulang ni Tyler. Dahil nakita nila si Kyler noon, naniniwala sila na apo nila ito. Humihingi sila ng pagkakataon na makilala ang nag iisang iniwang ala-ala ni Tyler. Hindi ko pa kinu-kompirma na apo nga talaga nila si Kyler pero sila na ang gumawa ng paraan dahil nag hire sila ng private investigator.
Nalaman na din nila na ikakasal na ako. Hindi naman daw sila manggugulo at hindi naman daw nila ako pipigilan basta hayaan lang daw sana sila na makasama ang apo nila kahit paminsan-minsan lang. Sabi sa akin ni Jacob ay huwag daw ako mag-alala dahil siya ang bahala sa aming ina. Sisiguraduhin daw niya na hindi nila makukuha si Kyler sa amin.
Nakipag usap kami sa parents ni Tyler kaharap ng abogado na sa ngayon ay visiting rights lang ang mapapayagan ko. Hindi nila pwedeng ilabas o dalahin si Kyler. Hindi nila ako masisisi kung ganito man ang naging desisyon ko. Sarili nga nilang anak napabayaan nila. Pasalamat naman ako dahil naiintindihan naman daw nila ako. Masaya na sila na binigyan ko pa rin sila ng chance makilala sila ni Kyler at kahit papaano ay makasama nila. Alam naman nila na hindi na maibabalik pa ang buhay ni Tyler pero kahit sa apo man lang daw nila ay makabawi sila sa mga pagkukulang sa anak nila.
Naaawa at nasasaktan ako para sa kanila bilang isang magulang pero bilang isang magulang din ay kailangan ko siguruhin ang kaligtasan ng anak ko at protektahan sa posibleng hindi magandang mangyayari. Isa na nga dun ay magaya si Kyler sa sinapit ng kaniyang tunay na ama. Sa ngayon kuntento na sila sa ganitong set up namin. Si Kyler na ang mag de-desisyon pag dating niya sa tamang edad niya.
Lumipas pa ang mga linggo at bukas na nga ang araw ng kasal namin ni Jacob. Sumunod kami sa pamahiin na bawal muna mag kita hanggang sa pagsapit ng kasal namin. Kahit nagmamaktol araw-araw si Jacob dahil gustong gusto na daw talaga niya kami makita ay sumunod pa rin naman siya.
“Konting tiis na lang baby. Bukas magkakasama na tayo. Maiuuwi mo na kami.”
Pampalubag loob ko na lang sa kaniya. Kanina pa kasi ako inuungutan na magkita naman daw kami kahit saglit lang, yayakapin niya lang daw ako.
“Kasi naman eh! Bakit kasi may mga ganiyang pamahiin pa? I miss you so bad, baby!”
Ang cute niya mag inarte.
“Hayaan mo na, baby. Nasa Pilipinas kasi tayo eh. Bawi ka na lang bukas.”
“Talaga! Humanda ka talaga sa akin. Hindi kita titigilan!”
Gosh! Nangamatis ako sa naisip ko.
“G-grabe ka naman.”
“Don’t be shy, baby. Normal lang yun sa mag-asawa. Masanay ka na every time na mababanggit yan.”
“Ewan ko sayo! Matulog na tayo. Bawal mag puyat dahil maaga pa tayo bukas.”
“Yes, baby. I love you so much, Mrs. Miller! Mahal na mahal ko kayo ni Kyler. Good night.”
“I love you more, baby. Good night too, Mister ko.”
Taimtim akong nanalangin para sa aming kaligtasan lalo na sa kasal namin bukas bago natulog.
***~~~***~~~***~~~***~~~***
DISCLAIMER: Hindi po ako professional or expert sa ganitong larangan. Lahat po ito ay base sa aking na research online.
KAALAMAN:
Philippine Mental Health Association, Inc.
PMHA is a private, non-stock, non-profit organization that provides premier Mental Health Services through Education, Advocacy, Intervention and Research.
Ang EARD (Education, Advocacy and Research Department) ay ang pangunahing programa ng Asosasyon na nagsusumikap na palakasin ang kanilang layunin na isulong ang mental health at maiwasan ang mga sakit sa pag-iisip sa pamamagitan ng pagpapataas ng kamalayan ng publiko sa pamamagitan ng mga kampanya at aktibidad
Ang isa sa programa nila ay ang Youth Life Enrichment Program. Ang layunin nito ay tulungan ang mga estudyante o mga kabataan.
Lusog Isip ng Kabataan Intermediate Division (LINKid)
School-based mental health club in the Primary / Elementary Division (from Grade 1 – Grade 6)
Lusog Isip ng Kabataan (LINK) Club
School-based mental health club in the Secondary or High School Division (from Grade 7-Grade 10)
Psychological Society Association for Mental Health (PSAMH)
School-based mental health clubs and association of College Psychology Organizations in Metro Manila and the nearby provinces.
***
A successful marriage requires falling in love many times, always with the same person.” – Mignon McLaughlin
End of chapter 17…