KYLIE ANNE’S POV** “Hello, Josh? Alam mo ba kung nasaan ang asawa ko?” Nag-aalala kong tanong. Hating gabi na kasi pero wala pa si Jacob, hindi niya sinasagot ang texts and calls ko. Ang sabi kanina ng secretary niya ay may meeting silang pupuntahan. Hindi ugali ni Jacob ang mag pagabi ng husto at wala naman sigurong meeting lang na aabot ng alanganing oras? “Ah oo, Kylie. Pasensya ka na kung hindi nakapag sabi agad si Ty... I mean si Jacob. Baka hindi rin pala siya makauwi ngayong gabi dahil sobrang importante talaga ng meeting na ito at kailangan namin mag brainstorming. Wag ka mag-alala sa asawa mo, akong bahala sa kaniya. Bye!” Nagmamadaling sabi ni Joshua tat agad din ibinaba ang tawag. Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya. Hindi ganun si Jacob, hindi yun makakatiis na hindi ako t

