KYLIE ANNE’S POV** Makalipas ang ilang linggo, mas lalo kami naging abala dahil sa papalapit ba pasko at bagong taon. Naaawa na ako sa asawa ko dahil siya ang mas pagod at puyat. Kahit naka uwi na kami sa bahay ay kailangan niya pa rin mag trabaho. Good thing, sumusunod naman siya sa akin kapag sinabi ko ng kailangan na niya kumain. At kahit saglit lang ay nabibigyan niya pa rin ng oras ang dalawang bata, maging ako. Napapansin ko rin ang pagdalas ng pagpunta ng parents ni Tyler sa office ng asawa ko. Hindi ko alam kung anong status nila o kung talaga ba na tungkol lang sa negosyo ang ipinupunta nila doon, kung ano man ang maging desisyon ng asawa ko ay susuportahan ko siya. Papunta ako ngayon sa office ng asawa ko dahil lunch time na, kailangan ko siya asikasuhin at sabayan kumain dah

