KYLIE ANNE’S POV** Nagising ako sa alarm ko ngayong alas kwatro ng umaga. Ngayon ko na susubukan ang mga pregnancy test kits na binili ko kahapon. Agad kong pinatay ang alarm dahil baka magising din ang asawa ko. Marahan akong gumalaw para maihiga ko ng maayos si Jacob na mahigpit naman ang yakap sa akin habang nakasubsob pa rin sa leeg ko. Nang matagumpay ko siyang naihiga ng hindi nagigising, magaan at marahan na hakbang naman ang ginawa ko papuntang banyo bitbit ang mga pregnancy test kits. Malalim ang naging tulog na asawa ko marahil na rin siguro sa pagod sa pagta-trabaho. Matapos ko mapatakan ng urine isa-isa ang test kits, matyaga pero kinakabahan naman akong naghihintay sa results ng mga ito. Hindi naman ako first time mom, hindi rin teenager at higit sa lahat may asawa naman a

