"Tulong!!! Tulong!!!"pagtitili ko. Hindi ako marunong lumangoy. At higit sa lahatay Phobia ako sa swimming pool basta malalim na tubig!
Nakalayo na saakin si Trevor. This is it. No one can save me. Parehas lang pala kami ng ikamamatay ni Mommy. Ang pagkalunod. Walaa namang magliligtas saakin dahil sigurado naman akong banas na banas saakin ang mga nandito. Pero meron din siguro. Pero sana nga.
Narinig ko pa ang ilang tawanan at sigawan. Pero parang hindi ko na kaya dahil sumisikip na ang dibdib ko at nakakainom na ako ng tubig. Hanggang sa nanlabo ang paningin ko.
Wala na ba ako?
Naimulat ko ang mata ko kasabay ng pagbuga ko ng tubig and to my surprise si Trevor ang nagsiCPR saakin. Well he is a swimmer kaya siguro ay madali nya akong naligtas.
Nakapalibot saakin ang ilang mga tao at nandoon din si Parker. Bumangon ako sa pagkakahiga. Nanginginig ako dahil naalala ko nanaman ang nangyare saakin 12 yrs ago.
"I thought you are a fearless one, pero bakit hindi ka marunong lumangoy!"rinig kong sabi ni Trevor. Pero hindi ko ma sya napansin naiiyak ako..
Narinig ko ang tawanan ng iba.
"buti nga!"
"Landi kasi eh!"
"Di pa natuluyan!"
"Best actress ah!"
Ayan lang ang mga narinig kong sinasabe nila pero hindi na ako umalma.
Natatakot akong gumalaw..
Nawala yata ang pagkalasing ko! napangiti naman ng maloko si Parker at pumalakpak."T'was Exciting!"he exclaimed while clapping his hands.
"Shut up Parker! Hindi magandang pagtulak yon!"saad pa nito. So si Parker ang gumawa noon? Nakatahimik lang ako dahil ang bilis bilis pa din ng t***k ng puso ko!
"Why? Its funny right?"tinitigan nya oa ang lahat ng nakapalibot saamin na nagsitango nalang rin. May mga lalake rin na lumapit saakin at isa na doon Si Xavier.
"Are you okay?"tnong nito at akmang hahawakan ako pero tinulak ko sya.
"Just dont f*cking touch me!"sabi ko pa. At nagtatkbo papalabas ng party. Kung tutuusin ay napakasexy sana ng dating nung nangyare pero hindi ko kayang dedmahin ang pobhia ko sa Tubig!
Mabuti nalang ay nasa sofa ang bag ko at nandoon ang cellphone ko kaya natawagan ko si Kuya.
"Kuya take me home"sabi ko pa naiiyak na ako. Iyon ang binungad ko sakanya.
"Why? What happen where are You?"he asked. Si kuya Diether kasi ang close ko kaysa kay Ate Faith. Tatlo kasi kaming magkakapatid.
"Strawberry Subdivision. Malapit sa bahay nila ate Osang"sabi ko pa.
"Do You have some fun again?"tanong nya. Humikbi nanaman ako.
"Yes"sabi ko nalang kahit pinipigil nanaman ang pag iyak.
"Stop crying. Naririnig kita. Ibang klase ka talaga magpakasaya. Wait me for 30 minutes i'll be there"ani pa nito bago binaba ang tawag.
Dinama ko ang lamig ng paligid nasa tapat lang ako ng bahay nila Xavier at ramdam na ramdam ko pa din ang lamig. I texted kuya my exact Location.
Ang dagundong ng tugtugan mula sa labas ay naririnig ko pa din.
Nalaman na ng lahat ang kahinaan ko at iyon ay mapunta ako sa malalim na tubig.
Maya maya pa ay may humintong motor sa tapat ko. At laking gulat ko naman ng makita kung sino yon.
"T-trevor"tawag ko sakanya at napayuko. D*mn nawala ang pagkalasing ko at sobrang pagkahiya ang nararamdaman ko ngayon.
"Alam mo bang naiinis ako sa ginawa mo kanina?"tanong nya at bumaba sa motor nya hindi ko naman mapigilang kabahan.
Wow. Sya lang ang unang umayaw sa halik ko!
"S-sorry"ayun nalang ang nasabe ko at naramdaman ko ang paglapit ng presensya nya saakin.
"Pero hindi pa din kaya ng kunsensya kong iwan ka dito. "sabi nya at laming gulat ko ng lagyan nya ako ng Jacket.
Napatitig ako sakanya wala ang salamin nya ang gwapo nya pa din! Matalino na gwapo pa , gentleman pa talented pa. So ano san ka pa?
"S-salamat"ayun lang ang sinabe ko. Hindi ko alam kung bakit pagdating sakanya ay sobra ang pagkamahiyain ko parang nagiging birhen ako kapag nakakasama ko sya o napapadikiti sya saakin. Parang bumabalik ako sa dating ako.
"Dont thank me. Hindi ko naman gustong makasama ka"napairap nalang ako ng palihim habang naghihintay.
"Sasabay ka ba?"tanong nito umiling naman ako sakanya.
"Susunduin ako"tumango nalang sya saakin pero hindi naman sya umalis at naghintay din.
Everyone keeps on calling him a hot nerd. Dahil sobrang palaaral sya. He is a Civil engineering student at hindi ko naman sya masisisi kung bakit aral na aral sya. Lalo nat dala nya ang pangalan ng university na yon. Ako? Karangalan din maging b***h ng prestigious school!
Ngumiwi ako. Tahimik lang si Trevor pero gustong gusto ko ang atmospera sa pagitan namin. Light lang walang tense walang pakiramdam na parang babastusin ako anytime.
"Trev---"
Narinig ko na ang busina at siguradong si kuya na yon. Lumabas sya ng kotse nya at cool na cool dahil nakacorporate attire pa sya.
"Sorry Im late"sabi ni kuya at bumeso pa saakin napangiwi naman sya sa suot ko ay tinitigan ako na parang nagbabanta na mag uusap kami mamaya
"Who are You?"tanong nito kay Trevor.
Pero bored naman sya tinitigan ni Trevor.
"Trevor"sabi lang nito at nagtungo na sa motor nya.
"Aba't mahangi---"
"Kuya hayaan mo na"sabi ko pa. At tinitigan naming maghelmet si Trevor hanggang sa makasakay na ito at makaalis na.
"Boyfriend mo ba yon?"tanong ni kuya. Umiling naman ako. Ay nako! Sana nga kuya!
"Did You got to that party basang basa ka---dont tell me?"tanong ni kuya at natigilan.
"Yes kuya, may nagtulak saakin sa Pool"napasama ng tingin saakin si kuya.
"Who did that to you?!"he asked"Papasok ako sa loob nyan!"turo nya sa bahay nila Xavier. Pero pinigilan ko sya.
"Its fine kuya my fault"bumuntong hininga naman si kuya.
"Alam mo masyado kanang nageenjoy sa hindi namang totoong ikaw"natigilan ako. Ofcourse alam kong may alam si kuya dahil ang girlfriend ni kuya ay kasalukuyang fourth yr. Criminology student na sa university na pinapasukan ko. Well mssyado akong fame sa University na iyon eh!
Pero never akong kinonfront ni kuya. Nanahimik nalang ako at hindi na sya sinagot. Yeah. Its not the real me. Pero...
Ito na ako ngayon at dito ako sumasaya..
Sumakay ako ng kotse at tahimik lang kami sa buong biyahe.
"Hoy!"napamulat ako bigla ng maramdaman ang may sumabunot saakin.
"Ate! Bakit ba?!"sigaw ko pa. Nakapameywang na sya ngayon at dala dala na ang uniform ko.
"Aba aba! Gwendilyn? You got home last night drunk and you're asking me why?!"taanong nito napabuntong hininga naman ako.
"Ughhh! I just have some fun!"sabi ko pa umirap naman ito saakin at piningot ako.
"auch!!!!"i complained pero makulit si ate at pinagdiinan pa ang pingot saakin.
"Explain to me later why do You end up so wet last night! Wag na muna ngayon Dahil late na late ka na!"sigaw nya.
"anong oras naba?"tanong ko. Sinamaan nya akong muli ng tingin.
"8:00 am na!"sabi pa nito Gosh 9 am ang pasok ko! Napasabunot ako sa ulo dahil may quiz pala kami ngayon sa subject na Logic!!!
Hindi ako nakapagreview! Dali dali akong tumayo at nagtungo sa Cr. Mabuti nalang alam ni ate ang schedules ko!
Pagtapos maligo at magbihis ay hindi na ako nag almusal. Nakita ko naman si ate na tinutulungan ang mga maids na maghanda.
"Oh ano hindi ka na mag aalmusal?"she asked umiling naman ako. At ayokong makita ang Daddy ko.
"I'll be late my quiz eh!"sabi ko nalang. She just nod."Later we'll talk okay kakausapin ka din ni kuya Diether"saamin kasing magkakapatid ay pinakamatanda si kuya Diether.
Yare nanaman ako. Habang papalabas na ay nadaanan ko ang pinakaisa sa kinaiinisan kong tao sa bahay
"Bye ate Gwen! Iloveyou"sigaw ng batang lalakeng iyon na pumapapak na ng hotdog inirapan ko lang sya. Hindi ko sya kapatid! Hinabol nya ako para halikan pero sumenyas ako na papaluin ko sya kaya lumayo sya saakin.
Hinatid ako ng driver namin sa University at wala pang halos 25 minutes ay nakarating na akong school mabuti ay wLang traffic. Habang nasa hallway ay tahimuk dahil simula na ng ilang mga klase goodness! Late na ako!!!
Nakasara ang room namin dahil di aricon naman ito. Pagkabukas na pagkabukas ko ay may tumapon saaking tubig.
T*ngna yung cellphone ko!!!
Palakad na sana ako ng mauntog ako doon sa tape na hindi ko napansin sa itaas. May bigla ring nagsaboy saakin ng mga harina. At laking gulat ko ng ultimo lalake ay nakikisaboy na gaganti pa sana ako pero may dalawang lalake ang humawak sa magkabilaang kamay ko.
"Wow, So ano ito? Gangbang?"I asked na halo halong galit na ang nararamdaman.
Ang tibay ng kapit nila sa magkabila kong kamay. Madumi na ang uniform ko at wala akong pamalit rito. Maya maya pa ay may nagsaboy saakin ng ketchup.
Tawanan ang lahat ng mga insecure! Mga panget kasi! Pinagtitinginan ko lahat ng mga nanakit saakin may araw din kayo.
Nasan na ba ang professor?!
"Bitawan nyo ako kung ayaw nyong kayo ang masaktan!"sabi ko sa dalawang lalakeng nakahawak saakin. Isa sila sa mga hindi ko napagbigyang makipagdates!
"Sorry napagutusan lang"sabi pa ng isa.
Maya maya pa ay may pumasok mula sa labas at ng akala ko ay prof. Na laking gulat ko ng malaman kung sino yon. May matipunong pangangatawan at gwapong mukha.
Si Parker.
"Bitawan nyo sya"nakangiting sabi nya.
Kaya ng makakawala ako ay isa isa kong pinagsisipa ang mga lalakeng iyon sa weakest spot nila.
Natawa naman si Parker. Pero hindi ko na sya inintindi.
Inilapit nya ang mukha saakin.
Gaganti palang sana ako pero napigilan muli ako ng ilang babae.
"Be my girlfriend and all of these shits will end"nakangitng sabi nito"If You dont , you'll suffer!"pang aasar pang muli nito"I get all i want baby"napasama naman ako ng tingin dahil sa hinawakan nya ang pisngi kong may harina at ketchup.
Kadiri!
"In Your dreams f*cker!"banat ko pa at kinagat sya napaaray naman sya pero ngumisi rin.
"Matapang ka talaga ah?"he asked at tumawa tawa pa. Baliw lang talaga sya!
Pakana nya pala ang lahat ng ito ah!
"Yes. At hindi ako natatakot sayo"sabi ko pa.
"Well let's see kung hanggang saan ang itatagal mo!"natawa nanaman itong muli. Ang bakla nya kailangan nya oang gumamit ng dahas para makuha lang ang gusto nya napangisi naman ako na nagpainis sakanya .
"Tss, anyways may isa kapang option"pambibitin nya at ngumisi na muli dahil kanina ay pikon na pikon na sya!" be Trevor's girlfriend then I'll leave You alone"ayun lang ang sinabe nito. Dahil bumukas na ang pintuan at iniluwa ang prof. Namin na si Sir. Perez.
"Tandaan mo mag isa ka lang. Madami akong galamay"natatawang sabi nya. Nagulat naman si Sir na may kasunod pang dalawang estudyanteng lalake na kaklase ko. Palihim na nakipagappear dito si Parker. Halatang inentertain ng mga ito si sir.
"Who the hell did this?!"tanong ni Sie. Perez at ng makita nya ako lahat ng nga kaklase ko ay puro ako ang pinagtuturo. Maski rin si Paker!
"and why are You here?!"tanong ni sir dito. Shets. Gustuhin ko man ipagtanggol sarili ko hindi na din naman maniniwala ang matandang ito. Nangangamoy na ako at inis na inis na ako sa mga nangyayare!
"The girl Im courting is here"sabi pa nito at tumingin saakin. Yuck!
Muling ibinaling ng prof. Ang tingin saakin at alam ko na. Yare na talaga ako!!! D*mn you Parker Smith!
--