After a long day ng pagtulong sa isang free medical mission ay napangiti ako sa mga batang naglalaro sa gilid. Haaay sana ganito nalang ako lagi karelax . parang ang sarap tuloy maging bata!
"Hi mga baby! Gusto nyo kumain?"tanong ko agad naman silang nagtiwala saakin . Well maganda kasi ako. At nakasuot dn ako ng puti kong uniporme. Yung pang nursing dahil nga sa tumulong ako sa medical mission na ito. Actually itong uniform na ito ah susuotin mo lang kapag may OJT ka or pagfourth year kana. Napaaga lang ang bigay saming mga nursing student para daw mas mafeel na namin.
Well. Since nung first year kami ay may OJT na kami sa mga health centers na talaga namang naenjoy ko ! Kaya nakuha ko na rin ito pero pagregular class namin at hindi pa kami fourth yr. Ay hindi pwedeng suotin.
Nilibre ko sila ng palabok sa may karinderiya may kasama pang turon at lumpia . Tig iisa sila bale mga anime iyong mga bata.Yes mayaman kami pero mas naeenjoy ko ang pamumuhay ng mga taong simple lang.
"Salamat po ate"niyakap ako ng isang bata napangiti naman ako. Sumunod pa ang iba at niyakap din ako. Nakakataba ng puso.
"Asus totoo ba yang mga yakap nyo? Baka dahil sa libre lang yan ah?"pagbbiro ko pa. Natawa naman sila"Hindi po ate ganda"sabi ng batang babae.
"Hey. Wag nyong dumihan damit nya"singit ng doktor na si Doc. Mel.
"Ah. Okay lang doc"sabi ko pa ngumiti naman ang matanda saakin at hindi na pinagsabihan ang mga bata. Bagkus niyakap nya rin ang mga ito. Nanindak lang yan si doc. Malakas din trip nyan eh. Pero napakabait nyan. At ako mabait naman din ako ah?
Well yes! Im a b***h! Pero a b***h with purpose! Aside from that. Hindi naman talaga ako ganoon dati eh. And this is the real me. Nature kung maawa sa mga bata at matatanda at tumulong rin sa mga nangangailangan. Masyadong malambot ang puso ko. Pero may nagbago na saakin. Hindi na ako demure kagaya ng dati at di na din uto uto.
"So how's school?"tanong ni Doc. Mel
saakin nasa may tindahan kaming dalawa at ako naman bumili ng sigarilyo.
"Okay naman iyong school doc! School padin!"pambabara ko naman dito. Kaya natawa sya. Pero masama pa din ang titig sa sigarilyo. nursing ako at alam ko ang kahihinatnan ko dito. Its just I cant get away with my stress pag hindi ako nanigarilyo.
"Gusto nyo doc?"pag aaya ko. inaasar ko lang sya. Parang takot namang bata na lumayo si doc. Nang bumuga na ako ng usok. Well close naman kami ni doc. Mel in fact parang tatay tatayan ko na sya and everytime na may mga medical mission sila ay sinasama nya ako. Sakanila kasi ako nagOjt nung first year palang kami well yung OJT na yun is 100hrs lang naman. Masyado kasi kaming hinahasa sa university na iyon!
"Hindi mo pa din pala itinitigil yang bata Ka! "piningot ako ni doc sa tenga ng malapit ko ng matapos. kaya napasama ako ng tingin sakanya at loloko lokong bubugahan sya ng usok.
"Aray !!! Doc naman eh!"sabi ko pa natawa nalang ito saakin inulit nya pa kasi ang pamimingot ng makitang bubugahan ko dapat sya. Well si Doc mel ay nasa 57 na ang edad kaya parang lolo ko na rin at Papa at the same time.
"Hija. Hindi ka ba madadala sa mga cases na pinapak---"
"Doc. Alam ko na yan! I just want to live my life na worth it lahat!"nginitian ko pa si doc at napailing. Tinapon ko na ang stick nang sigarilyo na halos nangalahati na rin.
"If anything happens to You because of that"tinuro nya ang yosi"Dont tell me I didnt warn You"sabi pa nya. Nagmake face naman ako kaya piningot ulit ako ni doc.
Matapos ang medical mission at ang pagiging relax ko ay may bago nanaman akong pupuntahan. Ang party ni Xavier. Well hapon na at malapit na ring maggabi and Im sure pagdating ko doon ay napakrami ng tao.
Well may isa pa din akong trip kung bakit gusto kong magpakaganito. Bakit ko binago ang sarili ko.
para maging exciting lahat ng pangyayare saakin. Sawang sawa na kasi ako sa pagiging ako noon. Hindi lumalabas ng comfort zone at ni hindi inienjoy ang buhay. At higit sa lahat niloloko lang. Well thankyou Calvin! And f*ck you sainyo ni Stacey. Nagbago ako!
"Hi baby, Sakay kana"binuksan nang lalake ang bintana ng sasakyan nyang tinted at kinindatan ako.naghihintay ako ng masasakyang Taxi dahil hindi na ako sumabay kina doc. Mel. Siguradong pagagalitan ako noon kapag nalaman nyang paparty ako. Nakasuot na din kasi ako ng damit ko pangparty. Pinaalis ko talaga muna sila bago ako nagpalit. offshoulder at kita din ang tiyan ko. Well may abs ako kahit babae ako at maputi ang balat ko! Plus the fitted na palda na black rin at sobrang ikli. Dont worry about me if marirape ba ako. Nagjujudo ako. At kuya ko pa ang minsan nagtitrain saakin. Minsan si Papa din.
Tinitigan ko ang lalakeng nagyaya saakin. Napangiti naman ako at napalip bite. At pakung waring nahulog ang dala kong panyo sa daan kaya yumuko ako at kitang kita ko ang pag ulwa ng mata nya.
Sad for You hanggang tingin ka nalang.
May sakto naman dumaan na taxi kaya napara ko ito kaagad awang na awang ang bibig ng Loko sa nakikita nya eh! Sadly im gonna leave na. Nang papasok na ako ay nagsalita pa sya.
"Wait miss what's your nam---"naisara ko na ang pinto ng taxi. Lahat nalang talaga nahuhumaling sa legs ko!
Habang nasa byahe at dala na nga rin na malayo itong pinagmedical missionan namin ay napatitig ako sa daan. At nalungkot ng panandalian.
Pero pinigil ko ang pagbadya ng mga luha ko. Halos alasiyete na din ng gabi ng makarating ako sa party ni Xavier. Well he invited me at kaklase ko sya sa isang subject ko.
Mula sa malaking bahay na iyon rinig na rinig mo na ang ingay ng musika na nagiging nakakapika na sa tenga ko.
Pagkapasok na pagkapasok ko palang ay madami ng tumabi saaking mga lalake na hindi ko naman pinansin. Hanggang makita ko na ang target ko.
"Hi! What took you so long?"xavier asked.
Lumapit ako sakanya sa mismong tenga nya para talagang damang dama nya ang hininga ko. Well he is flirting me for pete sake and worst may girlfriend sya na sobrang bait at talino!
"Nagworkout pa eh"I said in a sexy voice at napansin kong natigilan ang loko.
"I-if you dont mind we can go to my ro---"Hindi ko na sya pinatapos dahil hinapit ko na sya sa leeg at hinalikan ko na sya kaagad sa labi nagtinginan ang ilang mga tao sa loob ng party. I smiled at sigurado akong makakarating na yan sa girlfriend nyang si Yanna.
"Whoa--that was hot! Can we go into my room now?"tanong nya pero umiling nalang ako at umirap.
Nope kasi mission success na ako. You are proven as a cheater.
"May iba akong tatrabahuhin tonight eh. Sorry"ayun nalang ang sinabe ko. Well gwapo naman si Xavier kaya lang napakababaero din pala. Hindi kasi ito matalino kaya siguro jinowa si Yanna!
Tss.
Hindi naman na sya nagpumilit at napakamot nalang sa batok nya.
Pumunta ako kung saan makakakuha ng mga alak. Pansin kong panay tinginan saakin ng mga nandito na taga A.R.S so what? Mapababae o lalake pinagbubulungan ako.
Pake ko?
As I drink some Vodka ay napapangiti nalang ako sa mga insecure sa paligid ko.
"Madumi"
"Malandi"
"May aids na ata yan eh"
"b***h"
Ang pagguhit ng Vodka hanggang sa aking lalamunan ay sumasabay sa pagguhit ng sakit ng mga sinasabe nila.
Well they knew me as a b***h bakit hindi pangatawanan nalang hindi ba?
Aside from that, hindi naman na talaga ako Birhen. Naalala ko si calvin. I dont love him anymore but the way how he hurted me ay hindi pa din maalis sa puso ko. Thats why I became like this.
Gusto kong saktan lahat mg manloloko gusto kong maging malakas lahat ng mahihina. Even if i became a b***h by doing that.
Tumungga ako ng tumungga hanggang sa makaramdam na ako ng pagkalasing.
"So , Tama nga ako. Makikita pa kita ulit?"tanong ng isang lalakeng tumabe saakin sa may sofa naupo kasi ako rito at nagmatiyag. Nasa wisyo pa naman ako kaya lang medyo may tama na ako dahil sa Vodka. Tinitigan ko ito ng mabuti. Pamilyar eh.
Teka. Sya iyong kanina ah! Yung naglaway saakin. I laughed at my thought.
"Hey. Hindi mo ba ako naririnig?"tanong pa nya. Pero hindi ako kumibo. Hindi ko sya target. Pwera nalang kung makita kong cheater sya at malaman kong f*ckboy.
May rules kasi ako sa mga lolokohin ko. In a relationship na cheater at isang pakboy na kahit walang gf pero nagpapakilig lang para makipagf*ck. Sila ang gustong gusto kong saktan! At alam ko ng mga nag bibigay na ng motibo. At ang exemption ko? Mga Loyal iyong tipong kahit anong ganda ko! Sa gf parin nila ang tingin, Iyong mga walang pake saakin. Yung walang talab ang alindog ko. and lastly si Trevor. Yes. Exemption sya. Wala naman kasing pake kahit kanino iyon.
"Alam mo bang kaya kitang iuwi ngayong gabi?"tanong nya. F*ckboy check.
"Magpapauwi ba ako?"tanong ko. Hindi ko pa din sya nililingon. Natawa naman ito.
"Ayun naman pala nagsasalita"sabi pa nya."Btw. The name is Parker Smith"agad naman akong napalingon sakanya. He is now smiling.
Teka. May pagkakahawig sila?! Kaya pala kapatid nya kaya si Trevor?
"Hmmm so why are you here, It seems like nabobored ka ah? Wanna go somewhere else?"tanong nya na may pagkindat pa. Pero tinignan ko sya mg parang nangdidiri. Kaya nataw naman sya.
"Nandito ako for fun. Besides. Why should I settle with You. If I can get the best?"tanong ko pa. Napangiti naman ako ng maloko.
"Sino pa bang magiging best saakin? I am the hottest guy in this party. Ako rin ang pinakah--"
"Nope. You're wrong"sabi ko pa. Dahil nakita ko sya. I dont know pero napangiti ako mg sobra mg makita si Trevor.
Anong ginagawa mya dito? Hindi naman sya pala party ah?
"Then I dare You to kiss the hottest guy in this party?"sabi pa nya ng maloko. Natigilan naman ako. Pero alam kong kilala nya rin naman si Trevor at sure akomg tapak na tapak ang pride nya kung si Trevor ang hahalikan ko.
Napaisip naman ako.
"What? Cant decide?"aniya at natawa naman sya. Nagiipon lang ako ng lakas ng loob. Asadong asado naman sya." If hindi ka makakahanap ng mas lamang saakin. You will let me to bring You somewhere else. "nginisian nya ako at kahit hindi ko sya nakikita ng buo ay alam kong sobrang lawak na ng ngisi nya "Nakukuha ko lahat ng gus----"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya dahil naglakad ako ng dire diretso. Dala ba ito ng alak o ng lungkot sa puso ko kaya ang lakas lakas ng loob ko...
Nakita ko si Trevor malapit sa Pool palinga linga sya at parang may hinahanap. Napangiti naman ako.
"Babeeee!"kunyareng tawag ko naglimgunan naman ang lahat pero diretso lang ako sa target ko. Mga assuming!
Kay Trevor , Nakatingin sya sakin na parang curious na curious at banas na banas ang mukha.
Nakalapit na ako sakanya at hinawakan ang damit nya mula sa tiyan oops abs pala nya! paakyat sa dibdib nyang matigas. Nakasalamin sya na lagi naman nyang suot pero lalong nakakapagpagwapo sakanya.
Nagtilian ang lahat . Pati lalake sumisigaw nagkatitigan kami sa mata ni Trevor."Hoy, anong ginagawa mo?"tanong pa nya pero pilya akong ngumiti.
"Someone dared me"inilapit ko ang katawan ko sakanya not breaking the eye contact."To kiss the hottest guy in this party"nakangiting sabi ko.
"A-ano naman?"tanong nya. Shets.
Ang manly ng boses.
"and that hot guy is...."ibinaba ko ang mga mata ko sa labi nya"You"I stated at isinungkwit ang mga braso ko sa leeg nya at hinalikan sya.
Is this really happening.
Parang nagkaroon mg katahimikan ng magtama ang mga labi namin.
Im kissing the guy I like.. For p*te sake nagresponse sya sa halik ko!
I felt magic within our kiss na sa hinaba ng panahon. Ngayon ko nalang ulit naranasan. At ilang saglit pa ay naitulak na kami sa pool.
No not the f*cking pool!