Hindi ako madaling Mafall na tao. Hindi din ako iyong tipong mauuto mo lang basta basta. Hmmm I kinda say na ganoon ako noon. Pero hindi na ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit napapayag ako ni Trevor na pirmahan ang kasunduan namin. Given the fact na benefits ko naman tlaga iyon pero I can handle myself naman its just with him I felt different. Ngumiti , mainis at may makausap.
Nasa malapit na tindahan ako ng A.R.S liblib naman ito na part at ito talaga ang smoking area ng mga eatudyanteng pasaway. Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng baguhin ni Trevor ang hitsura ko. At talaga namang nagulantang ang mga Taga A.R.S sa naging hitsura ko. Well sinusunod ko lang ang gusto ni Trevor kapag magkasama kami pero pag wala sya ay nagtutuloy pa din ako.
Sinindihan ko ang sigarilyo at sinimulang humithit at ibuga ang usok nito.
"Hmmm, I thought the bad girl turns into good girl?"nagulat ako ng marinig ang pamilyar na boses na yon.. Hindi ko namalayang nakalapit na sya saakin.
"P-parker"I manage to say. Natawa naman sya saakin.
"Kamusta naman kayo ng kambal ko?"nakangising tanong nya.He is also smoking."Ang bilis nyang nagdecide na maging girlfriend ka come to think of it hindi ka naman nya gustong talaga. Easy to get ka ba talaga?"paangaasar nito. pero napangisi naman rin ako ng pilyo sakanya.
"Siguro nga easy to get ako"hinithit at buga ko ang sigarilyo sa mukha nya. "Pero mapili ako. Kaya kung hindi kita ginusto ibig sabihin wala kang kwenta"nakaita ko ang pag igting ng bagang ni Parker saakin na para bang galit na galit sya.
"You dont know me Gwen. You dont know what Im capable of, kaya wag mokong sinisimulan"galit na sabi nito natawa naman ako ng may Halong pang inis.
"So? Wala naman akong planong kilalanin ka"pang aasar ko pa. At muling maghihithit ng sigarilyo ng may biglang humila sa kamay ko.
"You really dont know how to follow the rules?"napaawang ang bibig ko ng makita si Trevor suot ang uniporme nya at walang salamin.
Mas gwapo sya. Pero bago ko muna isipin yon. Isipin ko muna ang sermon nya saakin!
"Tss"rinig kong pahabol ni Parker ng itapon ni Trevor ang sigarilyo.
"S-sorry"iyon nalang ang nasabi ko ng makita ang sigarilyong dinudurog nya gamit ng sapatos.
Nagulat naman ako ng ipatong ni Trevor ang kamay sa ibabaw ng ulo ko at guluhin ito.
"Its fine basta wag mo nalang uulitin"ngmiti sya. Hindi ko alam kung bakit nakunsensya ako! At that moment ay natalo ako im expecting him to be mad at me iyong tipong galit na galit sya pero wala eh ganun nalang iyon okay na agad?
"Bunch of korni people"narinig kong sabi ni Parker. Kaya nairita nanaman ako.
"Bullsh---"I was about to curse ng tignan ako ni Trevor ano ba to! Dahil sa ngiti nyang iyon feel ko nakukunsensya na ako everytime na lulubagin ko ang rules nya!
Wt----where's the fish? -.-
Argh! Pati sa isip hindi ako makapagmura!
"You, I also told You quit smoking"banat ni Trevor kay Parker.
"Panganay ka? Sabay lang tayong ipinanganak mas nauna pa akong ilabas sayo"sabi pa ni Parker. At nagpatuloy sa pagyoysi.
"but scientifically kung sino ang huling lumabas sya ang panganay. Besides, You're acting like a child. Be matured so I can call you kuya '"pangiinis pa ni Trevor dito natawa naman ako kaya sinamaan ng tingin ni Parker. Bago sya tuluyang umalis.
"Kamusta Trevor ang klase?"pagiiba ko pa ng usapan. Tinitigan nya naman ako at napansin ko ang pagngisi nya.
"Ano? Akala ko ba okay lang?"naiiis na sabi ko. Bipolar ata itong lalakeng ito eh.
"Yeah but next time wont be okay. Lets go"aniya at hinila na ako sa kamay.
Being with him changes everything arounds me. Yeaaaah. Aamin na ako lahat ng sinabi nya sinusunod ko pero ang paagyoyosi lang talaga ang hindi ko matigil.
Hayy. Ang hirap nya kasing suwayin. Everytime na maaalala ko sya. Hindi ko alam kung bakit kapag sakanya napapatiklop yung matapang kong side. Hindi nya ako pinapagalitan pero bakiy nakukunsensya ako!!
Argh!
Nasa hallway kami sa building ng college of medicine.
"be ready tonight may pupuntahan tayo"napangiwi naman ako. Sinuri ko ang mukha nya na bagot na bagot nanaman.
Wala syang salamin pero bakit ang gwapo nya pa din?!
"Are You listening? Tss"tanong nito kaya bumalik ako sa realidad.
"S-saan naman tayo pupunta?"tanong ko nalang habang naglalakad kami. Nagulat naman aako ng bigla syang ngumiti. Pilyong ngiti.
"You'll meet my parents"aniya pa. Hindi ko naman maiwasang pandilatan ng Mata!
"What the---"napatigil ako at tinignan syang muli. Mapapamura talaga ako kung wala lang akong kontrol sa sarili ko!"Seryoso ka ba dyan?! , Hindi naman talaga ta---"tinakapan nya gamit ng kamay ang bunganga ko.
"Akala mo gusto ko? Nabalitaan nila so I dont have a choice kundi ipakilala ka"buryong na sabi nito ibinalik nya ang kamay sa bulsa ng pantalon nya at preskong naglakad.
"Nahihya ako!"never kasi akong naipakilala sa magulang ni Calvin nung kami pa.
In short hindi kami Legal dahil wala naman talaga syang balak seryosohin ako hanggang sa huli!
Napaatitig naman sa akin si Trevor. Kaya natigilan ako.
"Just be You. Then they'll love you"tumalikod na ito at itinaas ang isang kamay.
Naiwan naman akong tulala at tuliro. Pagpasok sa room ay tumabi ako kay Purity kaya nagulat sya.
"B-bakit?"tanong nya nginitian ko naman sya. Nasanay na kasi akong may kausap kasalanan ito ni Trevor.
Maganda naman talaga itong si Purity pero hindi lang sya maappreciate ng iba.
"Maganda ka kasi kaya pwede tayong mag usap"natatawang sabi ko. Bigla naman syang napangiti.
"S-salamat! wede na tayong maging magkai---"
"Pwede lang tayong mag usap hindi maging magkaibigan"malditang sabi ko actually , Nagkaroon na ako ng trust issues sa pagkakaroon ng kaibigan. Natatakot ako na baka anytime ibetray nila ako. Dahil nung highschool ako ay ginawa rin saakin iyon pati elem. Kaya nga akala kong si stacey ang naiiba nagkamali ako. Kasi isa rin pala sya sa mga kaibigan na mananakit saakin.
"Oh nagsama ang Madumi at malinis!"pagpaparinig ni Pink. I laughed.
"Pink stop it. Gf sya ni tre--"
"Kahit sino pang jowa nya wala akong pake!"pagpaparinig nito. Dahil sa may usapan din kami ni trevor na wag akong makipag away. Kahit na hindi daw included yun sa rules ay maaaring wag makipag away ay wag lalo na kung nasa university ako. Napag usapan kasi namin yung tungkol sa mga rules na binigay nya. Makipag away lang daw ako kung may katwiran ako. Masama naman daw kung magpapaapi ako. At nirevise nya yung mga rules na ginawa nya hindi ko alam kung kailan nya ibibigay.
Dahil sa nagbabagong buhay na nga ako ay ngumisi lang ako na parang nang iinis.
"Hoy b*tch!"lumapit saakin yung negrang si Pink pero hinarangan sya ni Purity tinitigan ko naman sya ng masama.
Pero hindi ako umiimik dahil oras na bumuka ang bunganga ko wala ng makakapogil dito.
"Pink. Tama na, nanahimi--"
"Manahimik ka baboy!"sabi pa nito at tinulak si Purity. Kaya nairita naman ako.
Kalma.
"Pink, Tumigil kana"awat ng mga kaibigan nya parang gusto ko ng sumabog sa galit.
"ano? Tara dito b*tch magsabunutan tayo!"si purity naman ay nakikiawat pa din sa papalapit na sya.
"Hoy panget na ba--"akmang tutuak nya muli si Purity ng magdabog ako sa lamesa at tinitigan sya.
Pinatunog ko ang mga buto ko sa kamay at ngumising tinitigan sya.
"Isa pang panlalait mo sakanya uling ka makakatikim ka ng impyer*o saakin"malokong hamon ko. Hinatak ko si Purity sa likod ko. At ready to fight na. Napahawak naman ito sa dibdib nya at tumawa ng pagak.
"Ah talaga hali---"
"Babe"nagulat ako ng marinig ang boses na iyon ni Trevor. Bagot ang mukha nya at may dala syang papel. Yes. Babe twag nya saakin pag maraming tao.
"T-trevor"napayuko ako dahil narinig nya ata ang pag aaway namin. Pinagtinginan sya dahil sa sobrang puti at gwapo nya ay talagang lahat nahuhumaling sakanya nakasalamin na rin sya.
"S-sorry"sabi ko ng makalapit na sya saamin. Pumagitna sya at tinitigan iyong pink. Napayuko din ito.
"You did well. Im proud of You"napatingala naman ako dahil hindi sya nagbibiro"Pinagtanggol mo ang kaibigan mo"dagdag pa nya. Bagot pa rin ang mukha nya pero ang gwapo gwapo nya pa din!
"Hey pink. Do You still remember me?"tanong ni Trevor napataas naman ang kilay ko pero hindi sya pinansin nito.
"Kayang kaya kitang patalsikin dito. Tandaan mo, I know who You are and what You are. "plain na sabi nito kaya parang nanginginig si Pink"Touch her again , Then you'll see how an angel makes sin"aniya pinagitnaan na rin kami ng mga kaklase ko dahil nung nag aaway palang kami nila Pink ay pinapagitnaan na nila kmi at kinakantsawan.
Tumakbo namana palayo si Pink atsaka sya hinabol ng mga kaibigan nya
"I forgot to give this to You, pirmahan mo ulit yan."inabot nya ang papel saakin.nagulat naman ako ng idikit nya ang labi sa mga tenga ko"You did well babe"naramdaman ko ang hininga nya sa may tainga ko. Kaya hindi ko alam kung bakit parang kinilig ako dahil sa matangkad sya saakin ay niyuko nya pa talaga ako at dahnan dahang lumayo at naglakad.
"S-salamat"narinig kong sabi ni Purity. Hindi ko naman sya pinansin at lumpiat nalang ng upuan. Natapos ang buong klase ay hindi na pumasok si Pink at iyong kaibigan nyang babae. After magdismiss ay alasingko na nang hapon. Ako nalang at si Purity ang naiwan sa room nag paalam na rin sya sakin pero Cold ko lang syang tinanguan.
I Gwendilyn Diana Serpantez agree in the following conditions of Trevor Smith for being his fake girlfriend for a year.
1. No smoking and drinking alcohol.
2. No cursing and dont cut classes
3. Always wear long blouse or dress.
4. lessen the make up or dont put make ups at all.
5. No PDA unless the situation needed.
6. Attend church with me every Sunday.
7. Always smile
8. No cat fights
9. No flirting with other guys.
10. Call me Babe.
11. Don't fall inlove./Never fall inlove with me.
Signed by
Trevor Smith
Signed by
Gwendilyn Diana Serpantez.
Pinirmahan ko na lang iyong papel atsaka ko iyon nilagay sa bag ko. Nagpabango muna ako bago lumabas ng classroom.
"Gwen"pagkalabas ko palang ng classroom ay nagulat ako ng makita si Calvin.
"She's still flirting with him!"
"Nagkiss nga sila diba?!"
"Napaaway pa tuloy si Trevor!"
Paanong napaaway si Trevor? Napakunot ang noo ko habang tinitignan ang mga babaeng nagbubulung bulungan. Nawala rin yang mga nakakairitang yan at nagkaroon rin ako ng kapayapaan sa utak ko. Pero dahil lang sa Calvin na ito bumabalik nanaman ang mga epal sa buhay ko.
"Ano? Wala akong oras para sa--"napagmasdan ko ang mukha nya at may kakaunting pasa sya. Halatang pagaling na ito pero malaki at talagang napuruhan sya ng nakaaway nya.
Naawa man ako doon sa nanuntok sakanya dahil pinagaksayahan pa nya ng oras itong si Calvin.
"Can we talk? Please ilang buwan na akong--"
"Bakit nung ako ba nakiusap sayo noon Na mag usap tayo pumayag ka?"I asked sarcasticaly natigilan naman sya.
"pero iba na ngayon gwen. Babawe ako promise i just want you back. Narealize ko na ikaw pala--"
"Oh, enough nakakadiri ka!"sabi ko pa lumapit naman sya saakin at akmang hihilahin ako papalapit sakanya ng may kamay na humawi sa braso nya.
"Parker"naiusal ni Calvin nakangisi ito at animoy naghahanap ng gulo.
"Kakausapin ko si Gwen umalis--"
"No not Gwen Calvin, Because she's my toy"napaawang naman ang bibig ko sa sonabi nito.
"Girlfriend sya ng kambal mo"sabi pa nitong si Calvin"So You cant hurt her"dagdag pa nya.
"Sino bang nagsabeng sasaktan ko sya?"malokong tanong nya at lumapit kay Calvin na animoy sinisindak ito.
"Ayoko lang na may ibang naglalaro sa Laruan ako"saglit nya pa akong sinulyapan at ngumisi sya. Parang natakot ako sa ngisi nyang iyon.
"D*mn Parker let me talk to--"
"Aalis ka o aalis ka?"pagbabanta ni Parker kay Calvin. Saglit nya akong sinuri atsaka sya napailing.
"Maybe next time gwen makakausap rin kita"pahabol nalang nito at kumaway na papalayo saakin halata ang pagkabagot sa mukha nya at pagkalungkot gusto kong maawa sakanya pero walang lugar ang awa sa puso ko para sakanya.
Nang makaalis si Calvin ay nilingon ako ni Parker. Maloko syang nakangisi saakin.
"Wanna go out?"tanong nya napatingin naman ako sakanya na parang nandidiri.
"Wala ka bang isang salita ha?"naalala ko kasing sinabi nya na tatantanan nya na ako As long as si Trevor ang maging boyfriend ko.
"Just asking if You want to cheat--"
"Ayoko kontento na ako sa kung anong meron ako"napasama naman ng tingin si Parker saakin. Ha! Edi nainis sya!
"Talaga kontento ka?"nagulat ako ng mula sa likuran ko ay sumulpot ang nakangising si Trevor inakbayan nya pa ako na mas lalong nagpakaba saakin.
Feeling ko ay sasabog na ako sa kapulahan.
"Tss, you'll regret choosing him"maloko pang sabi ni parker.
"Hmmm, I belive if she choose you mas magsisisi sya"banat pa ni Trevor natawa naman si Parker.
"Wow? Ako lang ba ang masama dito? Hindi ba't nakipagsapakan ka din sa ex nya?"napatitig ako kay Parker at gayon din kay Trevor "Hindi lang ako ang barumbado Trevor , May darkside ka din"banat pa ni Parker.
Kaya ba may pasa sila pareho at napauruhan nga lang si Calvin?!
Shemay! Ako ba talaga ang pinag awayan nila! Maganda kasi ako pero si trevor na nirerespeto ng lahat makikipag away para saakin.
Ngumisi naman si trevor. Ayan talaga ang pinaka ayokong ginagawa nya ang pagngisi dahil feeling ko ay kakaiba nanaman syang naiisip! Tinitigan nya naman ako at sumeryoso muli ang mukha nya.
"Its worth the fight."