One week na ang nakakalipas simula ng magpanggap kami ni Trevor last time ay hindi ako nakapunta sakanila dahil may biglaang meeting daw ang parents nila. Kaya ito ako ngayon napapaisip habang naglilibot sa buong A.R.S dahil mamaya lang ay makikita ko na ang mga magulang nya. Hindi ako nagcutting ah!
"You really are an Idiot sana hindi ka nalang bumalik dito!"naulinigan ko nasa likuran kasi ako ng isang building minsan kasi may mga napapanood ako ditong Live na nag aano eh.
Mas lumapit ako Just to see him..
Parker...
May kasama sya isang lalake ba mas matangkad sakanya nakaformal attire ito at talagang gwapo din.
"Yeah Im idiot call me whatever---"nakatanggap sya ng malutong na sapak sa lalake.
"Ha! Go back to states You assh*le wala kang puwang dito!"at some point nakaramdam ako ng awa kay Parker lalo na at sa tingin ko ay pareho kami.
"Why dont You go there? You're nonsense too"pilyo pang sabe nya. Alam ko nasasaktan aya at tinatago nya lang iyon sa mga pilyo nyang ngisi.
"Im nonsense?"inis na itinuro nito ang sarili."You really dont know how to res---"he was about to punch the face of parker ng sumigaw ako.
"HOY!!"sigaw ko pa at lumapit. Sa pagkaainis ko ay sya ang sinapak ko. Badtrip kasi ako ngayon ayoko mang mapaaway ay may point naman ako bakit ko pinagtanggol si Parker!
"Masakit diba?"pangiinis na tanong ko.
"Who the hell are You?!"tanong nitong lalake at napahawak sa nguso nyang may dugo. Tinignan naman ako ni Parker na parang nagulat sya na nakita ako. Ha! I see you at your worst! Gusto ko sanang sabihin.
Pumagitna ako sa dalawang nagtatangkarang lalake.
"Your worst nightmare!"pagbibiro ko pa.
Halatang inis na inis na sya at gusto na akong sapakin.
Natawa naman ito ng pilit at tumingin pa sa paligid.
"You dont know who I am miss so better leave!"banta pa nito saakin kaya natawa rin naman ako ng maloko iyong parang iniinis sya.
"Wala akong pakielam. Since hindi mo din ako kilala pwede ka na ding umalis!"pangloloko ko pa dito at sinenyas ko pa ang kamay ko na parang tinataboy sya.
"Gwen, Leave now"utos pa ni Parker pero hindi ko sya pinansin. Sya na nga itong tinutulungan! Natawa naman muli iyong lalake at inayos ang tayo.
"Parker masyado atang matabil ang dila nitong girlfriend mo?"he said tinitigan pa
Ako ng maloko.
"You too Hindi ko din gusto tabas ng dila at ng mukha mo!"yes gwapo sya pero nagmumukha na syang panget saakin ngayon. Well wala pa rin tatalo kay Trevor. Aside from that ano nga bang pake ko kay Trevor!!!
Narinig ko namang parang natawa si Parker kaya kumunot ang Noo nitong lalakeng ito at tinitigan ako ng masama.
"Parker"maawtoridad nyang tinig"Hindi pa tayo tapos"sinamaan nya ito ng tingin."At ikaw"itinuro nya ako."We'll meet again at kapag nangyare iyon. Manginginig ka sa takot"pagbabanta nya.
"Wag mo syang ida--"singit pa ni Parker pero hindi na sya natapos dahil muling may sinabi ito.
"I get my revenge, Always"aniya pa bago ako tignan. Nagmake face naman ako para iparating sakanya na hindi ako natatakot!
"You what the h*ll you think you're doing?!"inis na sabi ni Parker at hinarap ako sakanya.
"Aba't pinagtanggol na nga kita? Wala bang thankyou man lang?!"tanong ko napakunot naman ang noo nya.
"Why did You help me then? Hindi mo sya kilala gwen"hindi ko alam kung bakit parang lumambot ang aura nitong si Parker pero sasagutin ko na rin ang tanong nya.
"Kasi pakiramdam ko ay pareho lang tayo"nakangiting sabi ko.
"Gago ka din?"bwisit na taong nya.
"Oo Ganun din ako. Shitty things kasi sawa na tayong hindi mapansin. At sa paraang iyon nalang tayo nakakaramdam ng bago at pagiging espesyal"saglit kaming nagkatitigan pero napaiwas rin sya ng tingin saakin.
"Tss. Hindi moko kagayang papansin lang. Why do You care anyways, Hindi ba galit ka sakin?"tanong nya.
"hindi ako papansin!"inis na sabi ko "Oo galit ako sayo pero mas galit ako sa sarili ko"natatawang sabi ko."Marami akong Trust issues kaya galit Ako sa Lahat kaya hindi ka exemption baka feeling special ka"He just tsked and look away.
"Anyways Mauuna na ako. Dont have time talking with you!"bwisit na sabi ko. Pero nagulat ako ng palayo na ako sakanya ay may bigla syang sinabi.
"S-salamat"mahina lang iyong pagkakabigkas nya pero napangiti ako. A Thankyou from an asshole? Not bad. Itinaas ko ang kamay ko at nag okay sign habang nakatalikod sakanya.
Since alauna na ay tapos na ang klase ni Trevor nagtungo na ako sa building ng college of architecture and engineering. Panay tinginan ng mga lalakeng nadadaanan ko dito. Malamang kung hindi ko Napirmahan ang kasunduan namin ni Trevor ay nakipag make out na ako sa isa sa mga to. Ganun kasi sa A.R.S kapag mga Major subjects ang tinitake dito na sa mismong building nila magkaklase kagaya ng samin pag all about nursing na pero kapag mga minor at unrelated subjects ay mayroong building din para doon at doon mo maeencounter ang ibang mga students.
Diretso lang ang tingin ko para iwas landi. Well kasama kasi iyon sa mga kasunduan namin ni Trevor. Aaminin kong nawala din ng onti ang stress ko. Nawala ang mga palaaway. Hindi naman nawalan ng thrill dahil..
Dahil kay...
"Kamusta?"may humarang sa dinadaanan ko at ng tinglain ko sya ay ito si Glenn. Kaklase ko dati sa Pe. Nakalandian ko sya nung kakastart ko palang maging b*tch at talaga namang inaamin kong sya ang pinakamasayang kahalikan at kalandian. May gf sya at ng mahuli na kami ay tumigil na ako. Ang tagal kasing makahinala ng Gf nya. Hindi ko namang gawaing ako ang magsasabe dahil gusto ko sa iba magmumula. Ang mga gumagawa lang noon ay gusto ng magseryoso doon sa nilandi nila.
Kagaya ni Stacey kay Calvin. Dahil gusto nya na tong masolo!
Tinitigan kong saglit si glenn. Atsaka nagdiretso na ng lakad inirapan ko sya. Ibang iba ng hitsura ko kaya naman kahit pala simple lang ako ay marami pa din nahuhumaling saakin!
"Ano pavirgin lang?"he asked ng makalayo na ako at nagtawanan ang lahat kumulo nanaman ang dugo ko pero pinilit kong ignorahin sya.
Naglakad pa akong muli.
"Hindi ka masarap para tumalikod!"pahabol pa nya nanginig ang laman ko sa galit. Oo nga pala... Anong karapatan kong umarte. Napayuko ako at nagulat ako ng may biglaang nabunggo ako at ng tingalain ko ay si Trevor iyon.
Nadinig nya ba?
Tinitigan nya ako kaya muli akong napayuko. Pero laking gulat ko ng yakapin nya ako at itago ang mukha ko sa dibdib nyang kay tigas.
"You"rinig komg sigaw nya. Titingin pa sana ako pero hinawakan nya ang Ulo ko at mas dinikit sa dibdib nya.
"A-ano?!"inis ma tanong ni Glenn.
"If you treat my girl that way Again. I assure you you're dead"aniya tiningala ko sya at seryoso sya.
"Eh hindi naman na talaga yan V---"
"Who cares? Hindi naman 'yon ang habol ko sakanya. Im not like you"preskong sabi nito. Sa hindi malamang dahilan nakaramdam ako ng safety and security sa katawan. Narinig ko ang bulungan ng iba..
"T*ngina kadiri ka Trevo--"hindi na natapos nito ang sasabihin nya ng biglang bitawan ako ni Trevor at tinakbo nya ang may kalapitan lang na si Glenn.nilingon ko sila Natumba ito at puno ng dugo sa mukha. Sinakyan nya pa ito at doon pinagsasapak. Nakahiga na si Glenn at halatang takot na takot tilian ng ilang mga babae ang naririnig mo. Walang gustong umawat at madamay kaya lumapit ako.
Kitang kita ko ang nagibang awra ni Trevor.
"Isa pa! Isa pang sabi mo ng masama sakanya! Hindi na kayang gamuting ng Hospital ang mangyayare sayo!!"inis na sabi nito matapos pagsawaan ng suntok si Glenn. Nanginginig ang laman at galit na galit sya hinawakan ko ang kamy ni Trevor kahit na nakasalamin sya ay hindi matatago amg galit sa mga mata nya.
"Trevor"tawag ko sakanya. Kaya parang nabalik sya sa wisyo.
"S-sorry"ayun nalang ang nasabi nya at inayos ang sarili ngumiti naman akk sakanya at hinawakan sya sa kamay.
"Okay lang, S-salamat"pagkasabing pagkasabi ko noon ay gumaan ang awra sa mukha nya hinila ko naman sya palayo sa maraming Tao na iyon. Matapos ang pangyayareng iyon ay tahimik lang kaming nakamotor ni Trevor. Pupunta kasi kaming Mall dahil sa magkikita na kami ng mga parents nya ngayon.
Nang nasa parking lot na ay tahimik pa din kaming dalawa. Hindi na ako nakatiis at binasag na ang kathimikan. Nakacivilian naman ako ngayon kaya hindi nya na ako pinagshort.
"May sugat ka sa kamay"sabi ko pa. Umiling naman sya.
"Gagamutin ko na"may first aid kit kasi ako sa bag. Perks of being a nursing student
"Okay lang ako"sabi pa nya at akmang mauuna na sa paglalakad ng hawakan ko ang kamay nya.
"Its a thankyou"sabi ko pa. Kaya wala syang ibang nagawa kundi ipagawa saakin iyon.
"Alam mo diba't sayo nanggaling na dapat pabayaan nalang ang mga ganun?!"inis na tanong ko. Sya nman ay tahimik lang.
"I just cant stand it, Hindi naman para sayo yun inis lang ako sakaniya ts"aniya pa kaya napataas nalang ang isang kilay ko.
"Pero pwede naman--"
"Tapos na hindi ba? Lets just not talk about it"napairap nalang ako at inilagay na ang benda sa kamao nya.
Matapos noon ay naglakad na kami papasok sa Mall.
Nagtataka lang ako kay Trevor bakit nya pa ako ipapakilala gayong hindi naman totoong kami.
Hayss.
Nagtungo kami sa bilihan ng mga dress ako ang pinapili nya pero dapat daw ay mahabal pinili ko ang pulang dress na sleeveless at lampas tuhod ang haba. At pulang sandals din. Bumagay naman ito saakin at hindi naman na sya nagreklamo.Bumili rin sya ng formal attire na damit. Mayayaman kasi sila at alam ko din naman iyon. Mas mayaman kasi sila saamin.
"Were done"sabi pa nito at ng magtungo kami sa parking Lot ay meron na syang kotse may lumabas na lalakeng nakaformal attire din pero matanda na.
Yumuko naman ito sakanya . Iyong parang nagbbgay honor.
"Nandoon na ba sila mommy?"he asked the old man.
"Yes, And they asked me to get you As soon as possible"tumango naman sya at tinitigan ako.
"Let's go?"tanong nito. Napaawang naman kasi ang bibig ko ang yayamanin kasi nila sobra!
"S-sige"habang nasa loob ng magarbong sasakyan ay tahimik lang kami ni Trevor. Nakapangalumbaba sya at nakatingin sa gilid nasa likuran kasi kami. Ako naman ay sa kabilang gilid nakatingin. Nagulat naman ako ng bigla nyang ihilig ang ulo saakin.
"Hoy Trevor mabigat!"inis kong sabi. Pero sa loob ko ay nakakaramdam na ako ng kung anong kuryente.
"Lemme stay here just for a while tss"bagot na sabi nito. Hindi ko naman maiwasang kiligin.
Hanggang sa matapos ang bimuong biyahe at makarating kami sa mapalasying bahay ng Smith ay nakasandal sya saakin. Binuksan ng nga guwardiya ang naglalakihang puting gate. Bumungaf ang garden na may fountain. At mga benches ang ganda.
Hanggang sa tapat ng Mansion nilang kulay puti ay may isang magandang babae at katabi nito ang isang lalakeng may katandaan na rin pero kagaya nung babae pero ang gagandang nilalang pa din. Mga nakaformal attire sila!!! At si Parker katabi ang isang batang babae at ang mas nagpagulat saakin ay sya .....
"Let's go"yaya saakin ni Trevor pero nakatingin lang ako sa lalakeng iyon. Na nakangisi na saakin ngayon dahil parang alam nya na inalalayan ako ni Trevor papalabas.
"Trevor bat lahat sila nandyan?"tanong ko
"Ganyan lang sila bumati"presko nyang sabi. At ng makalapit na kami ay isa isa nila akong binati
"You must be Gwen?! You really are pretty!"sabi pa ng Mommy nya amg puti nito at mukhang bata pa. Pati ang Daddy nya ay kinamayan ako. Sunod si Parker na walang emosyong nakatitig saakin at ang batang babae na humalik sa pisngi ko. Juliet raw ang pangalan nito. She is 5 yrs old. At ang huli.
"Hi Im Lourd Vladiemer Smith. "kinuha nya ang kamay ko at hinalikan ito na nagpakaba saakin.
Lumapit pa sya saakin ng kaunti para marinig ko lang ang sasabihin nyang ito.
"I'm your worst nightmare"