“SIR, POSITIVE. Sila nga po ang mga magulang ng asawa ninyo.”
Tumuwid ang likod ni Daniel. Ang private investigator na siyang namumuno sa pagpapahanap niya sa mga magulang ng kanyang asawa ang kausap niya sa telepono. At dahil walang alam si Celine sa bagay na iyon, lumayo siya rito at nagtungo sa library para doon tanggapin ang tawag. “How sure are you?”
“Nakakuha kami ng birth registrations at iba pang supporting documents, Sir. Bukod doon, nahahawig po sa asawa ninyo ang isa niyang kapatid.”
Marahan siyang tumango. “Sige, susunod ako diyan. Bukas ng gabi ay nariyan na ako.” Ibinaba ni Daniel ang telepono. Natagpuan na ng tauhan niya ang mga magulang ni Celine. Ipinahanap niya ang mga magulang ng kanyang asawa dahil noong minsang magkuwento siya sa asawa ng tungkol sa mga magulang niya—kung paano siya minahal at prinotektahan ng mommy at daddy niya— ay nakita niya ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito. Batid niya na nangungulila ito at maraming tanong sa totoo nitong pinagmulan. Na kahit gaano pa nito itago, mayroong tandang pananong sa pagkatao nito. Kaya nagdesisiyon siya na hanapin ang mga ito. Umupa siya ng mga tao na ang forte ay pagsasaliksik ng mga impormasyon at paghahanap ng tao. Hindi madali dahil limitado ang mga impormasyong meron siya.
Ngayon ay may mga sagot na siya. Lamang, paano niya sasabihin sa asawa ang tungkol roon? Ah, mas makabubuti siguro kung sisiguruhin muna niya na tama ang impormasyon bago niya ipagbigay-alam sa asawa ang tungkol sa natagpuang mga magulang nito.
Lumabas na ng library si Daniel. Sana lang ay huwag maghinala si Celine kung bakit kailangan niyang umalis ng mag-isa gayong hanggat maaari ay hindi niya iniaalis sa kanyang paningin ang asawa. Kailangan niyang pumunta roon dahil gusto niyang siguruhin kung ano ang ihahandog ng mga ito kay Celine: pagmamahal ba o sama ng loob. Sisiguraduhin muna niya kung nangungulila rin ang mga ito kay Celine. O, baka naman wala na palang pakialam ang mga ito kay Celine at tuluyan nang kinalimutan ang tungkol rito. Kailangan nyang makasiguro para sa kapakanan ng kanyang asawa.
“CHRISTOFF, hush…Bakit ba nagliligalig ang baby ko, ha?” pagpayapa ni Celine kay Christopher. Isinayaw-sayaw niya ito pero patuloy pa rin ang pag-iyak. Pagkagising pa lang nito ay hindi na maganda ang mood. Aburido. Napalitan na niya ang diaper sa pag-aakalang naiirita lamang ito sa basa o may duming diaper pero wala pa rin. Hindi rin naman kinakabagan at lalong hindi gutom.
“Shhh. Ano’ng masakit sa baby? Tahan na, anak…” aniya. Namumula na ang ilong at mga mata nito.
“Ma’am ako na po. Baka pagod na po kayo,” anang yaya ng bata.
“No, kaya ko naman. Thanks.” Nahawakan nito ang buhok niya at hinila iyon habang patuloy sa pagpalahaw. “Da—a. Ahh. Da—a. Dada,” anito.
“Oh, my God!” Palatak ni Celine na hindi malaman kung matatawa o ano. Nakuha na niya. “Hinahanap mo si Daddy? Ha?” Napailing siya. Bakit nga ba nawaglit sa isip niya ang bagay na iyon. Tulog na si Christopher kagabi nang umalis ang ama nito. Paggising ng bata kaninang umaga ay masama na nga ang mood nito. “’Ya,” aniya sa yaya. “Alam mo na ang gagawin.”
“Opo, Ma’am,” nangingiting sabi nito. Tumalima ito para kunin ang T-shirt na hinubad ni Daniel kagabi. Daniel’s scent would surely pacify the child. Effective iyon dahil ilang beses na niya iyong ginawa.
“Da—ah!”
“Hush, sweetheart. Tatawagan na natin si Daddy, okay?”
Tila nakakaintindi na tumahan si Christopher. Ganoon pa man patuloy sa pagkibot-kibot ang maliit na labi na para bang ano mang sandali ay muli na naman itong aatungal ng iyak. Ibinaba niya ang anak sa kama. Agad din namang nakabalik si Yaya dala ang T-shirt ni Daniel. Inilagay niya iyon sa tiyan ng bata na agad nitong hinawakan at pinaglaruan. Pareho silang napangiti na lang ng yaya. Kapagkuwan ay kinuha niya ang telepono. Idadayal pa lang niya ang numero ng asawa nang tumunog iyon. Si Daniel ang tumatawag.
Agad niyang tinanggap ang tawag. “Daniel, mabuti at tumawag ka. Actually idinadayal ko na sana ang numero mo para tawagan ka.”
“Any problem?” May bahid ng pagkaalerto at pag-aalala ang tinig nito. “Are you okay? Si Christopher?”
“Sweetheart, relax.”
“Da—a. Daa!” usal ng bata habang patuloy pa rin sa paglalaro sa damit. Panay ang padyak ng mga paa nito habang malawak ang pagkakangiti. Halatang wala ng sumpong.
“Did I just hear my son saying ‘Dada’?” masayang tanong naman ni Daniel sa kabilang linya.
“Hay, naku, Daniel, hinahanap ka ng anak mo. Iyak nang iyak. Tumahan lang noong sabihin ko na tatawagan ka namin. At noong maamoy ang damit mo, ayon, nakangiti na. He’s playing with your shirt now.”
Daniel chuckled. “Magvi-video call ako. Sa Ipad na para malaki ang screen. I love you, sunshine.” Nawala na nga ito sa linya. Pagkaraan ng ilang segundo ay ang Ipad naman ang tumunog. Tinanggap niya ang video call. Pagkatapos ay tumabi siya ng higa kay Christoff.
“Hi, Daddy. I miss you po,” aniya bago ikinaway-kaway ang maliit na braso ng bata sa screen. The child giggles when he saw his father’s face. Binitiwan na nito ang hawak na damit at pilit inaaabot ang ipad.
“Dah. Daa—a,” the child mumbled.
“Christopher, anak, I told you to behave, ‘di ba? Huwag pahirapan si mommy… Babalik din agad ang daddy promise.”
Sabi ni Daniel ay business ang dahilan ng pagluwas nito. Pero duda si Celine roon. Hangga’t maaari ay hindi siya iniaalis ng kanyang asawa sa paningin nito pero noong isuhestiyon niya na sasama sila ni Christoff ay sinabi nitong mapapagod lang umano sila sa byahe dahil babalik din naman agad ito kinahapunan. May punto naman ito sa rason nito kaya lang may kakaibang kutob talaga siya. Na para bang may itinatago sa kanya si Daniel. A woman’s instinct maybe. Kung ano man iyon, bakit hindi iyon masabi sa kanya ni Daniel?
“KUMUSTA ang…ang sadya mo riyan?”
“Actually, ime-meet ko pa lang ang ilang business associates mamaya. Pagkatapos niyon deretso uwi na ako,” tugon ni Daniel sa asawa, umaasang kapani-paniwala ang pagkakabitiw niya sa mga salita.
“Hindi mo ba puwedeng sabihin sa akin kung ano ang nangyayari, Daniel?”
“About the business?” Siyempre ay hindi niya malilinlang si Celine.
“Napakadalang na nakipag-meet ka sa mga kasosyo mo sa negosyo. Tapos ngayon, magbibiyahe ka ng napakalayo para sa ano, isang oras na meeting? May hindi ka sinasabi sa akin…”
Daniel sighed in surrender. “Okay. Mag-uusap tayo pagbalik ko.”
MALALIM na ang gabi pero hindi makatulog si Celine. She was wating for Daniel. Katatawag lang nito at sinabing malapit na umano sa isla ang helicopter. Maya-maya pa ay naulinigan na niya ang ugong ng paparating na helicopter ng asawa. Hinagkan ni Celine ang ulo ng natutulog na anak bago siya lumabas ng nursery para salubungin ang asawa.
Lumabas siya ng mansiyon at nagtungo siya sa likod ng bahay kung saan naroon ang helipad. Ilang sandali pa at bumababa na ang helicopter. Hanggang sa tuluyang mamatay ang makina niyon at tumigil ang elise sa pag-ikot. Bumukas ang magkabilang pinto ng cockpit at magkapanabay na lumabas si Daniel at ang piloto nito.
Ah! Look at her husband. So dashing, tall, magnificent, and powerful. Kulay puting T-shirt na pinatungan ng itim na jacket at pantalong maong na hapit sa mga hita ang suot nito. Sumilay ang seksing ngiti sa labi nito nang makita siya. Ang mga mata niya ay hinuli ng matiim na titig nito. Ang intinsidad ng titig nito ay naglakbay sa kabuuan niya. They reached into her womb and churned it. Daniel walks wantonly towards her. Oh, God help her! Napakamakamundo nga yata niya dahil ayon at naglulumikot na naman kangang sensuwalidad. Her s*x opened and her senses filled with just the mere sight of him. “Hello there, wife,” sabi ng baritonong tinig nito. Hindi siya nakatiis at sinalubong niya ang asawa. Naghahalo ang pananabik at pag-aalala sa kanyang dibdib. Nang magpang-abot sila agad na pumulupot ang isang malakas na braso ni Daniel sa kanyang baiwang habang ang isa ay sumapo sa likod ng kanyang ulo. Pagkatapaos ay hinapit siya nito at inangkin ang kanyang labi.
Hindi nagpatalo si Celine, sinapo niya ang mukha ng asawa at buong pananabik na tinanggap at sinuklian ang halik nito. She was extra aggressive; her tongue went inside his mouth and tangled with his tongue. Pagkuwa’y tumaas ang mga palad niya, pumaloob sa buhok nito at sumabunot roon. Pagkatapos ay hinagkan niya ang leeg nito, kinagat, sinipsip. Daniel groaned. “Sunshine, I want you,” he said, full of carnal insinuation. Tiningala niya ang asawa, nakabukas ang labi sa paghahabol ng hininga. “I miss you so much and I’m f*****g hard right now,” habol ang hininga na wika nito. At ganoon din naman ang nadarama niya.
“SA PALAGAY ko ay may dapat kang sabihin sa akin?” tanong ni Celine. Humupa na ang apoy. At pareho silang kuntento at masaya, busog ngunit nais pa. Sa kuweba sila humantong. Naroon sila at naglulunoy sa ilog ng kuweba. Ang marahang pagragasa ng tubig ay parang masahe na kumakalma sa kanilang mga katawan.
“Paano ako magkokonsentra sa pagsasalita kung nasa katawan ko at humahaplos ang palad mo?” tudyo nito.
Kinagat ni Celine ang pang-ibabang labi. Mabuti na lang at malamlam ang ilaw roon, hindi makikita ng kanyang asawa ang pamumula ng kanyang pisngi. Sige, tama naman ito. Nasa dibdib nga nito ang palad niya at tinatalunton ang mga guhit ng abdominal muscles doon. Daniel has perfect body. “Hindi ko mapigilan,” humahagikhik na sabi niya. “You’re a god.”
Walang inusal ni isang salita si Daniel. Nakangising humarap ito sa kanya bago yumuko at walang sabi-sabing inangkin ang labi niya. Hot and luscious. Ang kamay ng asawa ay pumatong sa kanyang dibdib: pumipisil, nagmamasahe. And then she felt his manhood growing to life and getting hard against her skin. “How was it possible that I can’t get enough of you?” seryosong tanong ni Daniel habang tumatayo ito buhat ang kanyang katawan. Tumatawang ipinulupot ni Celine ang mga braso niya sa batok ng asawa. “Talk dirty,” utos nito sa kanya.
Pilyang ngumisi si Celine. He wanted her to talk dirty? She will talk dirty. “f**k me.”
Muli ay inangkin nila ang isa’t-isa. Naglublob sa dagat ng kaligayahan at magkahawak-kamay na inakyat ang hagdan ng langit. Pagkaraan ng ilang minuto ay pareho nang nakahiga sina Celine at Daniel sa katre. Parehong naghahabol ng hininga. Both are spent and content. Tumagilid si Daniel. Itinuon ang isang palad sa nakaangat na ulo. Pagkuwa’y buong pagmamahal na tinitigan siya nito. “What?” nangingiting tanong niya. “Oras na para mag-confess ka.”
“I’ve… I’ve found your parents. Biological parents.”
Sa loob ng ilang sandali ay hindi makahuma si Celine. “A-ano?” tanong niya, sinisiguro kung tama ang narinig. Pakiramdam ni Celine ay nanlaki ang ulo niya. Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig bago hinagisan ng bomba. Cruel. Just cruel.
“I think you heard me just fine,” alanganing tugon naman ni Daniel. “Ipinahanap ko ang mga magulang mo at nakita ko na sila. Sila ang pinuntahan ko kanina.”
Nag-iwas ng mga mata si Celine. Sa kumpirmasyong iyon ay hindi niya alam ang mararamdaman o iisipin. Para bang namamanhid siya. Bumangon siya at nagmamadaling nagbihis.
“Sunshine…”
“B-baka nagising na si Christoff. B-babalik na ako sa mansiyon. If you’re not ready yet, sumunod ka na lang,” mabilis na humakbang siya paalis. Pero nahawakan siya ng asawa at sa isang iglap ay nakakulong na siya sa mga bisig nito. “B-Bitiwan mo ako,” aniya.
“No. Sunsh—”
“Sabing bitiwan mo ako!” hiyaw niya bago itinulak si Daniel at nagkumawala sa presong bisig nito. Nang makaalis ay dali-daling tumakbo siya. Natutuliro. Walang partikular na deriksiyong tinutumbok. Ang gusto lang niya ay makalayo at mapag-isa.
“Celine!” sabi ng tinig ni Daniel na tila humahabol sa kanya.
Patuloy na tumakbo si Celine. Hanggang sa maramdaman niya ang pagguhit ng sakit sa mga binti niya. Napupuwersa marahil ang mga binti niya. Ang binti niya na tinaniman ng medical screws para alalayan ang mga na-damage na buto noong maaksidente siya. Bumalong ang luha sa mga mata niya; hindi batid kung para sa nasasaktang binti ang mga luha niya o sa sumasakit ding damdamin. Humina ang pagtakbo niya hanggang sa tuluyang huminto siya. Napahawak siya sa isang puno. “Ahh!” impit na hiyaw niya sa tila karayon na tumutusok sa buto niya sa paa. The pain shot thought every fiber of her being like hell. Mariing kinagat niya ang labi niya. Hanggang sa hindi niya kayanin ang pagtayo. Unti-unti siyang napaupo. fiber of her being like hell. iya sa lupa.-mage na buto noong maaksidente siya. anhid siya. BumangonAyaw paawat ng mga luha niya sa pagtulo.
“Celine!” sabi nang humahangos na tinig ni Daniel. Agad siya nitong dinaluhan at niyakap.
“Daniel…” umiiyak na isinubsob niya ang luhaang mukha sa dibdib nito.
“I’m sorry. I’m sorry,” hindi magkandatutong wika nito habang pinapawi ang mga luha niya.
Muling gumuhit at tumusok ang mga tila karayom na sakit sa binti niya. Napangiwi siya. “A-ang binti ko… s-sumasakit,” hindi niya napigilang hindi sabihin sa asawa ang dinadamdam. “Napuwersa yata,” sabi niya at muling namalibis ang mga luha niya. Gusto niyang tadyakan ang sarili sa naging kapabayaan niya. Hindi dapat siya tumakbo na parang kabayo. Nawala sa isipan niya ang bagay na iyon dahil ang gusto lang niya ay makalayo.
“What?” Lalong bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Daniel. Kinarga siya nito. “Dadalhin kita sa hospital,” anito. At hindi siya tumutol. Doktor siya at batid niyang kailangang maeksamin agad ang binti niya at maisalilim iyon sa x-ray para malaman ang pinsala at maagapan agad iyon.
Nang makarating sa mansiyon ay parang hari na nambulahaw si Daniel ng mga nagpapahingang tauhan. And everybody was jumpy. Lahat ay natataranta sa pagsunod. Get the pilot! Ihanda ang helicopter! Get Christopher! Ring the hospital! at kung ano-ano pang utos. Sa loob lamang ng kalahating oras ay nasa himpapawid na muli ang helicopter.
“Konting-tiis na lang, ha? God, I’m sorry…” ani ni Daniel na hindi binibitiwan ang palad niya.
“Hey.” Inabot niya ang pisngi ng asawa at hinaplos iyon. He was so rigid. Masyado itong nag-aalala at tensiyunado. Natatakot tuloy si Celine na baka atakihin ito ng depresyon. “Huwag kang masyadong mag-alala. I will be okay. Kasalanan ko ito. I’ve been careless. Tumakbo ako at napuwersa ang binti ko.”
Nagngalit ang bagang ni Daniel. “Hindi ka tatakbo at matutuliro kung hindi dahil sa sinabi ko. Binigla kita. Ni hindi man lang ako nagpasikot-sikot. Ni hindi man lang kita inihanda sa balita. Para bang sinukol kita at hinagisan ng bomba ng ganoon na lang. I’ve been cruel. Damn it. Kapag may masamang mangyari sa iyo—”
Iniharang niya ang isang daliri sa labi nito para patigilin ito sa paninisi sa sarili. “Hindi natin gusto ang nangyari. Please don’t trouble yourself too much. As a matter of fact, nawala na ang kirot sa binti ko…”
Marahang tumango si Daniel. He leaned forward and planted a kiss on her head. Pagkatapos ay niyakap siya nito. Muling namalibis ang mga luha niya nang marinig niya ang malakas na pagtambol ng dibdib nito. Natatakot talaga si Daniel. Nag-aalala. And it means so much to her.