Chapter 8

2881 Words
“SANDALI ho at tatawagin ko ang mag-ama ko. Nakilala n’yo na si Daniel pero hindi n’yo pa nakikilala ang anak namin,” aniya. Namamaga ang mga mata niya sa pag-iyak pero maluwag na ang kanyang dibdib. Akala niya ay buo na ang pagkatao niya dahil nasa kanya si Daniel. Na pagmamahal lamang nito ang tanging mahalaga sa kanya. Nagkamali pala siya. May puwang pala sa dibdib niya, may puwang sa pagkatao niya. Puwang na ngayon ay tuluyan nang napunan. Buo na ang pagkatao niya. Kilala na niya kung sino talaga siya.             “Ako na ang tatawag sa kanila, Ate Ange—Ate Celine,” sabi ng nakababatang kapatid niya na si Paula. Sampung taon pala ang tanda niya rito.             Marahan siyang umiling. “Hindi na. Ako na. Thanks. Siya nga pala, tawagin n’yo ako kung saan kayo kumportable. Walang problema sa akin.”             “Siya sige. Nagpahanda ako ng pagsasalu-saluhan natin. Dito na kayo maghapunan, hane?” tugon ng nanay niya. “Dito na rin kayo matulog kung nais ninyo.”             Maghapunan, puwede pa. Pero malabo yata na dito sila magpalipas ng gabi dahil hindi pa alam ng mga ito ang pambihirang kondisyon ni Daniel. Paano na lang kung abutan sila ng sikat ng araw bukas? “May maagang appointment po si Daniel bukas, sa susunod na lang po siguro kami matutulog dito. Puwede naman ho na kayo ang dumalaw-dalaw sa amin. Bukas ho ang bahay namin sa inyo. Sandali ho at tatawagin ko na sila…” Lumabas si Celine ng bahay. Naroon sa swing sa may gilid ng bahay ang yaya ni Christoff at ang kanilang tsuper. Tumayo ang mga ito ng makita siya. Kumunot ang noo ni Celine. May kung ano sa ekspresyon ng mga ito na nagpakaba sa kanya. Pag-aalala ba iyong nababanaag niya sa mga ito? Tinungo na niya ang sasakyan.             “Daniel,” pagtawag niya nang makalapit. Binuksan niya ang isang pinto sa backseat. Hindi bumukas ang ilaw ng sasakyan, ibig sabihin ay sadyang ini-off iyon. Naaaninag niya si Christoff sa ipinasadyang upuan/higaan para rito. Si Daniel ay patagilid ding nakahiga sa backseat. Namaluktot ito, pilit pinagkakasya ang malaki at mahabang kaha sa pahabang upuan ng backseat. Nakatulog marahil. Celine switches the light on. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita niyang hindi tulog si Daniel. Nakapikit ito, oo, pero hindi ito tulog. He was biting his lips, hard. At kahit bukas ang makina ng sasakyan dahil sa aircon, ga-munggo ang namumuong pawis sa noo at leeg ni Daniel. Halatang may dinaramdam si Daniel. “My God!” bulalas niya, napuno ng pag-aalala ang dibdib. Lumulan siya. Dahil ipinasadya ang sasakyang iyon ay mas maluwang ang likod niyon kesa karaniwang sasakyan. Dinampot niya ang isang bimpo ni Christoff at pinunasan ang mga pawis ng asawa. Masama ang pakiramdam ni Daniel. Umaatake ang grabeng pananakit ng tiyan nito. “Nakainom ka na ng gamot?” tanong niyang pilit itinatago ang pagkataranta.             Umupo si Daniel. Patingalang isinandal ang ulo sa sandalan. “O-oo. Hey, I’m fine,” sabi nito nang makita ang pagkataranta niya.             Tumabi siya sa asawa. “Ayan ka naman sa ‘I’m fine, I’m fine’ na ‘yan,” sita niya. “You are not fine, okay? Iuuwi na kita. Uuwi na tayo.”             “K-kaya ko ‘to,” pilit itong ngumiti. “Go spend some more time with them.”             Hindi niya ito pinakinggan. “Saglit lang, ha? Magpapaalam lang ako ng mabilis sa kanila.” Wala nang nagawa si Daniel nang bumalik siya sa loob ng bahay. Dali-dali siyang nagpaalam. Emergency sa bahay ang sinabi niya dahilan.             Napapikit si Celine nang marinig ang impit na ungol ng asawa. They were on their way home now. Nakahilig sa balikat niya si Daniel. Alam niyang pinilipit ni Daniel na maging normal at magkunwaring balewala lamang rito ang sakit. But he couldn’t just deny it. Ramdam niya iyon sa natetensiyong katawan nito, sa paggigitgitan ng mga ngipin, at sa mga hindi mapigilang ungol. Para itong si Superman na nadikitan ng isang tambak na kryptonite.             “I’m sorry,” naiiyak na wika niya. Kaninang pagbalik niya sa bahay ng ma magulang ay tinanong niya ang yaya kung kaaatake lang ba ng sakit. Ang sabi nito ay kanina pa daw pagbalik ni Daniel ng sasakyan. Nang i-tseck niya ang oras ay halos isang oras na rin pala. Isang oras na nagtitiis sa sakit at hindi kumportableng kalagayan. “Kanina pa pala sumasakit ang tiyan mo pero wala akong kamalay-ma—”             “Stop it,” maotoridad na wika ni Daniel. Bakas sa tinig ang pag-angil. “Please don’t talk. Naririndi ako. Masakit din ang ulo ko.” Tila pinipigilan lang nito ang sarili na mambulyaw.             Nakagat ni Celine ang labi niya. Hindi naman mapakali na muling sumandal sa sandalan si Daniel. Mariin ang pagkakapikit ng mga mata, halatang iniinda talaga ang sakit ng tiyan. Ang mga kamao pa nga ay mariin din ang pagkakaikom. Pagkatapos ay yumuko ito, yukong-yuko na para bang iniipit ang tiyan. He was really in severe pain. And Celine felt helpless. Wala siyang magawa para kay Daniel. Para ibsan ang nararamdaman nitong sakit. Pakiramdam tuloy niya ay napakawalangkuwenta niya. Ah, napakahirap makita si Daniel na parang batang namimilipit sa sakit ng tiyan. Umiyak si Celine. Pero hindi niya hinahayaang magkaroon ng tunog ang iyak na iyon. Baka lalo lamang ma-upset si Daniel dahil sa kanya. Hinaplos niya ang likod nang nakayukong si Daniel. Nang maramdaman ang haplos niya ay muli itong nahiga at umunan sa mga hita niya. He was in knee-chest position. Ginanap nito ang palad niya at mariing hinawakan iyon.    MAGKALAPAT ang mga ngipin na ngumiwi si Daniel sa muling pagguhit ng sakit. God! It felt like hell. Pakiramdam niya ay lantang-lanta na siya dahil na-drain na lahat ng lakas ng kanyang katawan. Umungot si Christoff, kasunod ang pag-iyak.             Bumangon siya para hayaan si Celine na kunin ang kanilang anak at patahanin ito. Pero nakita niya ang luhaang mukha ng asawa. Uminit lalo ang ulo niya. “Don’t cry, for Pete’s sake!”             “I can’t help but cry. Dahil wala akong magawa para sa ‘yo,” balik nito habang kinukuha ang bata.             “Damn it. Damn it,” usal niya. Hindi mapigilang ikuyom ang mga kamao at ipukpok iyon sa upuan. Napaigtad si Celine na noon ay kandong-kandong ang bata at bahagyang iniuugoy. “Sorry,” he said. Mariing inihilamos niya ang mga palad sa mukha bago iyon pinadaan sa sariling buhok at humigpit ang hawak roon. Napo-frustrate siya at patuloy na pinapatay ng sakit ng tiyan.             “Da—da, Da—dyyy,” sabi ni Christoff. Tila gustong magpakarga sa kanya. Umungol si Daniel. Hindi niya kayang kargahan ang anak. Wala siyang lakas, baka mabitiwan lang niya ito lalo’t malikot na rin ito.             “S-sorry son, daddy can’t hold you now,” sabi ni Celine. “Hush. Bukas na lang uli kayo maglalaro ni daddy, ha?” Muling umalon ang sakit na halos mapasigaw na si Daniel. “Oh, God,” he said and cursed under his breath. Kung puwede lang na mawalan na siya ng malay sa sandaling iyon para hindi na niya maramdaman ang sakit. Sakit na parang pumipilias sa buong pagkatao niya. The pain was so blinding.   SANA NAMAN kumain na siya ngayon, ani ni Celine sa isipan habang pumapasok sa master’s bedroom, bitbit ang tray ng pagkain ng asawa. Pagkauwi nila kagabi ay humupa rin ang pananakit ng tiyan ni Daniel. Iyon nga lang matamlay ito. Walang gana. Lilipas na ang buong araw pero naroon lang ito sa kama, nakahiga pero hindi natutulog. At hindi rin kumakain si Daniel. “Daniel,” tawag-pansin niya sa asawa nang makapasok siya sa silid. Nasa kama si Daniel, ang mga mata ay nakatutuok sa kisame. Halos nangingitim na ang paligid ng mga mata nito dahil wala pang tulog. Tanging ang pang-ibabang pajama lamang ang suot nito. Inilapag niya sa mesita ang tray. “Kain na tayo. Ako ang nagluto. Paborito mo ang mga ito,” masiglang pagyayaya niya. “I can’t eat,” mahinang tugon nito. “Ikaw na lang ang kumain.” Lihim na bumuntong-hininga si Celine. Mukhang mabibigo na naman siyang pakainin ito. Kapag sinabi pa naman nitong ‘ayaw’ ay ayaw talaga. Lumapit siya sa kama, sumampa roon, at nahiga ng patagilid, paharap sa asawa. Batid ni Celine na dapat niyang habaan ang kanyang pasensiya dahil espesyal na lalaki ang asawa niya. Isinalikop niya ang palad sa palad ng asawa. Tumagilid din ng higa si Daniel. Malamlam ang mga mata na tinitigan siya. Oh, God, he can’t even smile… “Gusto mong umuwi na tayo sa isla?” tanong niya. “Are you frustrated with me right now?” balik-tanong nito, hindi sinagot ang tanong niya. “Siyempre hindi,” tugon niya. Her hand went to his face and lightly caress his check. “Baka nakakalimutan mo na doktor ako, alagad ng siyensya. Nagtungo pa nga ako ng ibang bansa at kumausap ng mga dalubhasa para mas maintindihan ko ang sakit mo.” Depression is not something to joke around about. It makes some days so hard that the sufferer can’t  get out of bed. Nanghihina sila na malaking effort na ang maliit na paggalaw. Kaya nga karamihan ay pinalilipas na lang sa pamamagitan ng pagtulog ang nadaramang depresyon. “Don't ever think that you can't express your sadness. Hindi ka nag-iisa, Daniel. I’ve got your back, okay?” “I-It was the worst feeling in the world. K-kahit na alam ko na may nagmamahal sa akin, may sumusuporta… p-pakiramdam ko ay hindi pa rin ako makaalis sa kadiliman. H-hindi ko pa rin mapilit ang sarili ko na maging masigla…” Alam iyon ni Celine. Depression destroys you inside. Ang masama ay kapag nasanay ka na sa pag-iisa at kalungkutan at hinayaan mo na ang sarili mong malunod roon. Naisip tuloy niya ang mga taong may depression pero walang sino man ang nasa tabi ng mga ito. Walang nakakaunawa. Walang nagbibigay ng suporta at pagmamahal. May mga tao pa namang ipinagkakamali ang depression at anxiety sa ‘isang masamang araw’ lang kahit na hindi. “Daniel…” Ginagap niya ang palad nito, hinagkan ang likod niyon. “Alam mong hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo na maging masigla. Just let that feelings go away.”  “I don't think it ever truly goes away but you do learn to live with it. And the worst thing is when you think you're getting better or it goes away, and then it just comes back to bring you down, again and again. The best thing is having someone, having you beside me, who actually understands me. Malaking bagay ang mga yakap mo, ang ngiti, ang hawak. Malaking bagay ang pagkukuwento mo ng mga masasayang kasaysayan, iyong may mga happy ending. Malaking bagay na pinapakinggan mo ako. Higit sa lahat, malaking bagay na hindi ko ito mag-isang pinagdadaanan. Thank you.” Celine knew Depression is an emotional Cancer. Umaasa siya na sana isang araw ay bibigyang-pansin ng mga tao ang mental illness katulad ng pagbibigay-pansin sa physical illness. Hindi dahil hindi mo nakikita ibig sabihin ay hindi na iyon existing o hindi mahalaga. “Pero, Celine, w-wala ka pang nakikita. Wala pa ito kumpara sa mga atake ng depresyon ko dati,” tila nagbibigay ng babala na dagdag pa ni Daniel. “Nakita na kitang nagkaroon ng seizure, hindi ba?” May mas malala pa ba roon? God. Ayaw na niyang alalahanin ang sandaling iyon. At ayaw na niyang maulit pa ang sandaling iyon. “Sinabi ko na sa ‘yo na mahal kita sa kung sino ka. Mahal ko ang kabuuan mo. Hindi ako mapapagod, Daniel. Hindi.” Tumango lang si Daniel. “Kumain ka na.” “Please kumain ka rin. Lalo kang manghihina kung wala kang food intake. Please?” naglalambing na pakiusap niya. “For me…?” “Wala akong panlasa.” Mahinang sabi nito. “At parang may bara ang lalamunan ko. It was so hard to swallow. Kapag nakalunok naman ako hindi rin tanggapin ng sikmura ko ang pagkain. Isusuka ko rin lang ‘yan.” Batid iyon ni Celine kaya nga hindi niya ito mapilit na kumain. Pumikit si Daniel. “Ang gusto ko ay matulog,” bulong nito. “Pero hindi naman ako makatulog. My mind is restless…” God. Ano ba ang dapat niyang gawin maliban sa ipakita rito ang pagmamahal at suporta niya? Lilipas din naman ang pananamlay nito, kusa iyong lilipas. Kaya lang kasi mahirap para sa kanya na makita si Daniel sa ganitong sitwasyon na napakahina nito at matamlay. Umaalis lang ito ng kama kapag gagamit ng comfort room. Umusog siya papalapit sa nakapikit na asawa. Marahang hinaplos niya ang magulong buhok nito, lalo na ang mga hibla na lumalaylay sa noo nito. Marahang humimig si Celine ng isang awitin. All Of Me. Isang kantang akmang-akma ang lyrics sa sitwasyon nila ng asawa. Sumiksik sa kanya si Daniel. He rested his head between her neck and shoulder. Hinagkan niya ang ulo nito at iniyakap ang mga braso rito. Pagkaraan ng ilang minuto ay naramdaman ni Celine ang marahan at payapang paghinga nito. Mukhang nakatulog na si Daniel. Napangiti si Celine. Salamat sa Diyos at makakapagpahinga na ang kanyang asawa. Sana paggising ni Daniel bukas ay maayos na ang pakiramdam nito. Sana…   NAALIMPUNGATAN si Celine nang maulinigan niya ang pag-ingit at marahang pag-iyak ni Christopher. Bumangon siya mula sa kinahihigaang sofa. Sinulyapan ang asawa na payapa pa ring natutulog. Alas onse na ng gabi. Daniel’s been sleeping for almost eight hours now. Hindi na nga niya ito tinabihan dahil baka magising ito kapag sumampa rin siya sa kama. Tinungo ni Celine ang connecting door na nakabukas at dinaluhan ang anak. “Hey, sweetheart…”             “Ma-ah,” he murmured. Sumisigok-sigok pa ito. “Ma—maa.”             Kinarga niya ang anak. At inihimlay sa kanyang dibdib. “Shhh. Don’t cry baka magising ang daddy. Nagugutom ka ba, ha?” magiliw na tanong niya. Naupo siya sa rocking chair at ineksamin ang diaper nito. Basa iyon pero walang dumi. Celine decided to change his diaper. Pagkatapos ay pinadede niya ito. Kabaligtaran sa inaasahan niya na matutulog muli ang bata, mulat na mulat ang mga mata ni Christopher. Nakatingin ito sa kanya habang dumedede. Nag-init tuloy ang mga mata niya nang maisip niya na paano kaya kung namana ni Christopher ang sakit ng ama? Hindi napigilan ni Celine ang emosyon, tumulo ang mga luha niya. It would surely break her heart. Sino ba namang ina ang may gusto na makitang nahihirapan at may sakit ang anak niya? Kaya nga saludo siya sa mga magulang ni Daniel. Of course, she would love and protect her child no matter what. Pero ibang usapin kung nakikita mong may dinaramdam ang anak mo. Walang lunas ang Porphyria. Kaninong pusong-ina ang hindi madudurog kapag sumusumpong ang mga atake?             Bumuga siya ng hangin para pagluwagin ang damdamin. Pinahid niya ang mga luha. Celine kissed her child’s head and held him close to her heart. Lalaki kang mabuting anak, Christoff. And you would also love your father unconditionally. Poprotektahan natin ang daddy mo, Christoff. Mamahalin at aalagaan. Hindi tayo mapapagod. Hindi natin siya susukuan.             Dahil naiipit marahil sa yakap niya, umingit ang bata. “Sorry,” natatawang wika niya bago niluwagan ang pagkakayakap. Tumigil sa pagdede ang bata. The child giggled. Inaabot ang buhok niya. “What? You want to play with mommy? Ha?” Ngumiti ang bata. Nanghaba ang nguso nito na para bang sumisipol. Kiniliti niya ito. Mahina lang ang hagikhik nito noong, hanggang sa lumakas iyon. Na kahit simpleng ‘bulaga’ ay tinatawanan nito.             Hanggang sa lumitaw sa may pintuan ang bulto ng katawan ni Daniel. Magulo ang buhok at nakapaa. Still shirtless. Kung kanina ay para itong lantang halaman, ngayon ay tila nadiligan at naarawan ang halamang iyon. Masigla na uli ang kanyang asawa. Para na uli itong makapangyarihang nilalang na walang sino mang kinatatakutan. She gave her alpha male a hearty smile. Daniel grinned back. “Christoff, guess who’s on the door.” Iniharap niya ang anak sa may pintuan. “It’s daddy!”             Nagkakawag ang bata pagkakita sa ama. “Daa—dyyyy.”             “Hello, little king,” sabi ni Daniel bago malalaki ang hakbang na pumasok at nilapitan sila. Daniel kissed her head. Pagkuwa’y kinuha nito sa kanya ang bata at marahang itinataas sa ere. Tuwang-tuwa naman si Christopher. He was giggling and laughing. Tumataba ang puso ni Celine sa eksenang iyon. Siguradong naka-record ang sandaling iyon sa CCTV, kukuha siya ng kopya niyon katulad ng iba pang videos na kinuha niya at ikino-compile. Balang-araw ay mapapanood ni Christopher ang mga videos na iyon and he would know how much his father loves him. Pero kahit walang videos, walang duda na malalaman ni Christopher na mahal na mahal ito ng ama. Dahil ipinaparamdam at sinasabi ni Daniel ang pagmamahal nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD