bc

a day in the life of a wallflower

book_age18+
9
FOLLOW
1K
READ
possessive
arrogant
bxg
lighthearted
first love
like
intro-logo
Blurb

Paraluman Leslie Degracia was nothing but a simple, shy type and plain girl. anything about her is just simply ordinary. No one even notices her existence until Gabriel Leydig Mercado happens.Her highschool life was at peace until Gabe came, her used to be silent and unpertubed world become chaotic because of his antics. The Chaos only stopped when a sudden tragedy happens. Now after 6 years of peaceful solitude she was dumbstruck because she was again standing in front of the man who owns a devilishly smile that bring shivers to her bones and eyes that burn her soul.

chap-preview
Free preview
Blast from the past (First Encounter)
"Paraluman, pakidala nga sa Tita Minerva mo itong pork tocino at chicken longganisa na order nila. Dumating kasi yung unico ijo nila ng Tito Nards mo at yan ang favorite ulamin tuwing umaga." Utos ng nanay adelfa nya. "Di ba pwede mamayang hapon na nay? ang init init kasi. tanghaling tapat o." Sagot ni Paraluman sa nanay Adelfa nya habang kumakamot sa ulo. "Magpayong ka na lang! Bilisan mo at marami pa ko i dedeliver, aantayin kita at walang maiiwan dito sa bahay." dagdag pa ng nanay nya. "Nay naman, di naman aalis tong bahay, di na kailangan bantayan...saka wala naman mananakaw, dyusme baka mag donate pa sa atin yung magnanakaw pag nakita gamit natin sa bahay!" balik na sagot naman ni paraluman. "Hahambalusin kita dyan bata ka e, dami mong sinabi...bilisan mo! saka magpayong ka, baka madadagan pa yang papulasyon ng kuto mo pag na arawan!" malakas at inis na sabi ng nanay nya habang masama ang tingin sa walis tambo sa may pintuan nila. "Nay naman! Huwag kang maingay baka marinig pa tayo ng mga kapitbahay e, saka wala na ko kuto! 2 years ago na yun! deads na sila lahat na reincarnate na nga sa ibang ulo e." "Ang dami mong alam bata ka! umalis ka na bilisan mo!" galit na sabi ng nanay nya habang palapit sa walis tambo. Dali daling kinuha ni paraluman ang tocino at longganisa sa lamesa at patakbong lumabas ng gate nila. Nasa katabing village ang bahay ng tita minerva at tito nards nya. Dun sa village ng mayayaman. Hindi basta nakakapasok sa village ng mga to basta basta pero dahil lagi na syang nagdadala ng tocino at longganisa pinapasok na sya ng mga guards, suki pa nga ng nanay nya ang ilan sa mga naka duty na guards dito. Ibang iba ang mga bahay dito sa village na to kumpara sa village nila. yung isang bahay dito parang 1/4 na yata ng street ang sakop pag kinumpara mo sa village nila. saka parang walang mga tao, tapos ang tataas ng gate. pag tumuntong sa dito sa village na to at galing ka sa village nila alam mo na agad yung huge difference ng mayaman at mahirap. kasi naman gate pa lang ng mga bahay dito ang lakas ng makayaman. gate pa lang nila parang budget na ng isang maliit at simpleng bahay sa village nila. Matapos ang walong minutong paglalakad sa ilalim ng tirik na tirik na araw nakita nya na ang gate ng bahay ng tita Minerva nya. Habang palapit sa gate ay pinahid nya muna ng braso nya ang pawisang mukha bago tuluyang pindutin ang doorbell. "Si nanay talaga hindi man lang ako pinapaligo. sabagay mag aamoy araw din naman ako kahit kakaligo ko lang. pagdating ko na lang ako maliligo...ang baho ko na. ang tagal naman buksan ng gate lalo ako mag aamoy araw nito e" naiinip na usal ni Paraluman sa sarili. Maya maya pa ay nabuksan na ang gate at lumabas ang isang naka uniform na katulong at pinapasok sya. "Uy Leslie, pasok ka muna. wala sina mam Minerva at sir Nards e, pero iniwan sa akin yung pambayad dyan sa order nila. alam mo ba dumating na yung senyorito namin. halika pasok ka muna may brownies na bake si mam" paanyaya ni Veron na isa sa katulong sa bahay. Leslie ang tawag sa kanya ng mga kaibigan at lahat ng kilala nya, maliban sa nanay at lola. mas maganda daw kasi ang Paraluman, samantalang ang tatay nya pag galit lang sya tinatawag na Paraluman pag hindi naman Leslie din. "Hindi na ate Veron dito na lang ako, gusto ko na umuwi agad di pa ko naliligo e...hehehe" sagot nya na natatawa. gusto man nya kumain ng brownies pero baka mahambalos sya ng nanay nya pag natagalan sya makabalik. "O sya, sige kukunin ko lang pambayad. upo ka muna dyan" sabi naman ni Veron habang tumingin sa garden set na nasa lawn. "Hindi na ate, ang init pihado ng garden set na yan balisawsaw aabutin ko dyan." sagot naman nya, natatawa na lang na pumasok ang katulong para kuhanin ang perang pambayad. "Grabe ang ganda talaga ng bahay nila tita, at ang bango ng paligid, siguro yung kwarto nila singlaki na ng 1st floor ng bahay namin." maya maya ay may narinig sya na kahol ng aso...wala naman sya natatandaan na aso ng tita Minerva nya. walang ano ano ay may nakita sya aso na patakbo sa kanya na kumakahol. sa sobrang takot nya ay napa atras at pabagsak na napa upo dahil sa pagka out of balance. "Nayyyyy!" sigaw ni Paraluman habang pinang sangga sa mukha nya ang mga braso. At nag aantay na lang ng kagat ng aso. "Jewel sit!" utos ng baritonong boses, nagtataka sya at wala pa syang nararamdamang sakit mula sa kagat ng aso kaya naman unti unti nyang tinanggal sa pagkakaharang sa mukha nya ang mga braso at Nakita na lang nya ang aso na nakaupo na sa harap nya at palapit na ang isang binata pagkatapos ay binuhat ang di kalakihang aso at pinasok sa loob ng bahay. Maya maya ay nakita nya etong bumalik sa harap nya at sabay umupo. "Are you okay?" tanong nito nakatingin sa mukha nya at tila sinusuri kung may sugat sya. Sa sobra nyang pagka bigla at takot ay hindi agad sya nakapag salita. "Are you hurt?" tanong nito ulit. hindi pa rin sya nasagot...napatingin kasi sya sa mukha nito at parang bumilis ulit t***k ng puso nya katulad ng bilis nung palapit yung aso sa kanya. " Hey kid...may masakit ba sayo?" tanong pa rin nito. "Y-yung...p-pwet ko.." biglang nasabi ni Paraluman. "What?!" kunot noong tanong nito na alanganing matatawa. Parang nag aalangan kung tama nga yung narining nya. Nang ma-realized ni Paraluman ang nasabi nya ay tumayo sya bigla at umatras ng ilang hakbang habang hinihimas himas ang pwet na nasaktan at hindi tumitingin sa binatang kaharap. Nang makita nitong tumayo sya at tumayo na rin eto. lalapit pa sana eto ng biglang lumabas si Veron. "Leslie eto na ang bayad...ay gising na pala kayo sir Gabe. Sya nga po pala si Leslie anak sya ng kaibigan ng mam Minerva. Sa kanila rin po na order si mam ng favorite nyo na tocino at longganisa" mahabang introduction ni ate Veron sa binata. hindi pa rin makatingin si Paraluman sa binata at kinuha na lang dali dali ang bayad mula kay Veron nagpasalamat at nag pa alam at halos patakbong lumabas ng gate. hindi na nya tinapunan pa ng tingin ang binata dahil sa hiya. "Anong nagyari dun?" pagtataka ni veron sabay tingin sa among binata. "Weird kid!" pabulong na komento ni Gabe habang nakatingin sa lakad takbong dalagita palayo sa bahay nila. "Leslie" "Leslie" "Hoy Paraluman Leslie Degracia!" pasigaw na tawag ng pinsan nya na si Dion. "B-Bakit? may sinasabi ka ba?" Balik tanong ng dalaga. "Kanina ka pa kasi tulala, ano na naman ba iniisip mo?" tanong ulit ni Dion "May naalala lang ako, nung makita ko yung village na dinaanan natin kanina." "Ex-bf?" curoius na tanong ng pinsan. " a nightmare" sagot ni paraluman sa pinsan.. "Nightmare pala e, bakit naalala mo pa...dapat kinakalimutan na!" komento naman ni Dion. "It was a nightmare...a beautiful nightmare" gusto sanang idagdag ni paraluman pero sinarili na lang nya. Makatapos ng ilang minuto ay naramdaman ni Paraluman na huminto na ang sasakyan ng pinsan at nakita nya nasa tapat na sila ng isang up and down na bahay. Kahoy ang second floor at bato naman ang 1st floor ng bahay. ang gate naman nito ay kulay moss green ang pintura. sa harap ng gate ay may yellow bell na gumagapang sa bubong ng gate. "Nay, Tay...I'm home. i miss you both so much... same goes with you abuela Estella" malungkot na sabi ng dalaga habang tinitingnan ang sala ng bahay. "Leslie, ok ka lang ba talaga, pwede ka naman sa amin tumira e, kailangan ba talaga bumalik ka dito? why can't you just stay with us?" sabi ng pinsan habang naka akbay sa kanya. " This is the right thing for me to do Dion, I'm not a kid anymore, i should learn to live by myself and make grown up decisions. saka nakakahiya kay tito Eddie at tita Glo...kunsimido na nga yun sayo at kay Diana, dadagdag pa ba ko?" alaganing sagot ng dalaga. " Grown up ka dyan...yung edad mo lang ang tumatanda yung height mo nasupot! hehehehe!" pang aasar ni Dion para divert ang atensyon ng pinsan at mabawasan ang lungkot ng dalaga. "Grabe ka, sinasabi mo bang pandak ako?! Hoy! 5 feet at 2 inches ako noh! hindi yun pandak." gigil na balik ng dalaga. "Sus...nagdagdag pa ng 1 inch...5'1" ka lang bansot! di ka kasi natutulog ng tanghali dati kaya hindi ka na lumaki...ahahaha" Dagdag pang aasar pa ni Dion sa pinsan. "Hoy matanda ako sayo ha...huwag mo kong inaasar! isusumbong kita kay tito Eddie, bwisit ka! Tulungan mo na lang ako ipasok yung mga maleta ko at mga box ng gamit ko, kung hindi wala kang dinner!" Pag babanta ni Paraluman. "Wow, makatanda naman...pareho kaya tayong 22 years old and your just 3 months older than me dear cousin! ang bansot mo pa, you still look like a high schooler Leslie" "Ewan ko sayo! wala ka talagang dinner ngayon gabi!" nakasimangot na balik ng dalaga. Nang makita ni Dion na parang naasar na talaga ang pinsan ay, tinanong nya ulit eto. "Seriously Leslie...I'm really worried for you...this is the first time you will be living on your own, although we are just a phone call away, you're still miles away from us...paano kung may emergency mangyari sayo, we cannot telorport to be with you immediately...and safe ba dito? kababae mong tao wala kang kasama. Stay with us please." nag aalala pa ring pahayag ni Dion "I will be okay Dion, dont worry about me. and isa pa you'll accompany me for a week di ba? So i will be really settled by the time umalis ka. Saka tutulungan mo pa ko i furnish tong bahay" nakangiting pangungumbinsi ng dalaga sa pinsan. "Okay, but remember our home is your home. we will always welcome you back" paalala ni Dion sa dalaga. "Love you couz..." sagot ng dalaga. mayamaya pa ay nag simula na silang ipasok ang mga maleta nya at mga box ng gamit. > > > Two days na ang nakalipas simula ng makabalik sya sa bahay ng parents nya. at natapos na rin nila ni Dion linisin ang buong bahay. Bago naman sya bumalik, napa renovate na naman nya ang bahay ng magulang gamit ang perang napagbilhan mula sa ancestral house na minana nya sa abuela Estella nya. Mamayang tanghali ay aalis naman sila ni Dion para bumili ng furnitures wala kasing kalaman laman ang bahay, simula kasi ng umalis sya at tumira sa abuela nya ay wala ng tumira dito kaya naman lahat ng gamit ay sira na at tinapon na. "Couz, huwag mo kalimutan ilock yung gate" paalala ni Dion sa dalaga habang papasok ng kotse. Dali dali namang ni lock at dinouble check pa rin ni paraluman ang lock ng gate. Papasok na sya ng kotse ng pinsan ng makita na naman nya sa di kalayuan ang ang heavily tinted na black audi na naka park 3 house down from her house. out of place kasi yung audi sa village nila kaya kapansin pansin. Kahapon naman nakita din nya eto at ilang beses pa eto nag pabalik balik sa street nila habang nag tri trim sya ng yellowbell sa harap ng gate ng bahay nya. Maya maya pa ay umandar na eto at dumaan sa tapat nila, para naman syang kinabahan ng medyo bumagal pa eto pagtapat sa bahay nila kaya dali dali syang pumasok ng kotse ng pinsan. at inutos ditong umalis na.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Lust In Love (Tagalog) SPG

read
866.2K
bc

SILENCE

read
393.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
69.6K
bc

The Dark Psycho Angel(TAGALOG)

read
83.8K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
491.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook