Kinabukasan ay hindi nakapasok si Leslie dahil sa nilagnat sya. Hindi naman ganun kataas ang temperature nya kaya ok naman ang pakiramdam nya except dun sa kaliwang kamay nya medyo kumikirot pa ng kaunti. Para maiwasan ang pagkainip sa bahay ay pinagpatuloy nya na lang sagutan ang mga questionnaire na kailangan ma submit nya bukas, ng matapos sagutan ang assignment ay nagpaalam sya sa ina na babalik muna sa pagtulog saglit bago kumain ng tanghalian. Nakaidlip naman sya at 11:30am na sya nagising nag sponge bath muna sya para lalong gumaan ang pakiramdam. Nang makatapos ay nagsuot na lang sya ng manipis over sise t-shirt na umaabot lang sa punong hita nya at dolphin shorts na makalagpas lang ng singit nya ang haba kaya naman mas mahaba pa ang tshirts nya sa shorts na suot, hindi na rin sya nag bra dahil sila lang naman ng nanay nya ang nasa bahay at nasa trabaho pa ang tatay nya. Saka pag nasa bahay naman talaga sya ay lagi lang syang naka short shorts (aka pekpek shorts sabi nga ng iba) at oversize tshirts.
Palabas na sya ng kwarto ng may marinig sya na kausap ng nanay nya.
“Sabihin mo kay best friend at sa daddy mo salamat sa prutas ha.” Boses ng nanay nya.
“Dala po yan nila Mama galing Tagaytay kagabi, since wala naman po akong klase ngayon ako na po ang nagdaan dito sa inyo.” Sagot ng pamilyar na tinig.
“Dito ka na kumain iho ha, umupo ka na dyan sa lamesa tutal naman nakahain na ko, tatawagin ko lang si Paraluman. Natantandaan mo pa ba yung batang yun? Baka hindi na kasi 1 year old pa lang sya nung dinala ko sya sa inyo e, ikaw yata 7 years old nun.” Napahinto si Paraluman sa paghakbang dali dali syang tumalikod para bumalik sa kwarto dahil alam nya na kung sino ang kausap ng ina. Hahakbang pa lang sya pabalik ng marinig nya ang boses ng nanay nya.
“Nandyan ka na palang bata ka, mabuti at hindi na ko aakyat ng hagdan umupo ka na sa lamesa at sabay sabay na tayo ni Gabe kumain ng tanghalian.” inutusan sya nito na umupo sa tapat ni Gabe pagkatapos ay pumunta ito sa kusina para kumuha ng Pitsel ng tubig at mga baso. Walang nagawa ang dalaga kung hindi sumunod sa ina, umupo sya sa tapat ng binata pero hindi sya natingin kay Gabe at ibinaling sa ibang dereksyon ang ulo.
“Paraluman, si Gabe anak ng tita Minerva at tito Nards mo, sya nag baby sit sa’yo nung minsan na pumunta kami ng tatay mo bahay nila para makipag kwentuhan.”
“Hello, I remember you, you’re so small back then, ngayon ang laki-laki muna“ habang nagsasalita si Gabe ay hindi na maiwasan ni Paraluman na hindi tumingin sa binata kaso pagtingin nya dito ay kitang kita nya na sa dibdib nya nakatingin ang mga mata nito habang sinasabi yung salitang ang laki laki. Tiningnan agad ni Paraluman ang ina kung nakita nito ang matiim na titig ni Gabe sa dibdib nya, ng makita nya na hindi nito napansin dahil abala sa pagkain ay binalik nya ang tingin sa binata at pasimpleng sinipa ang paa nito sa ilalim ng mesa. Nagulat naman si Gabe dahil huling huli ng dalaga kung saan sya nakatingin.
Fuuuuuck! Bakit kasi hindi ka nagba bra?! Mag isip ka Gabe, mag isip ka ng conversation starters! Naiinis na sabi ni Gabe sa sarili dahil hindi nya maiwasang hindi tumingin sa dibdib ni Leslie, nang sinipa sya ng dalaga ay nakita nyang nagbabanta ang tingin nito. Kaya naman napainom na lang sya ng tubig para mabawasan ang init na unti unti nyang nararamdaman.
“N-napaano yang kaliwang kamay mo?” medyo nautal na tanong ni Gabe.
“Na-aksidente”Matipid na sagot naman ni Paraluman.
“Paanong na aksidente?”Tanong ulit ng binata
“I slipped and fell.”Matipid pa ring sagot ni Leslie habang nakatingin kay Gabe, pero nakita nyang medyo kumunot ang noo nito at parang hindi naniniwala.
“What causes you to slipped?”
“C-clumsiness” Nag aalala na si Leslie sa mga tanong ni Gabe dahil napatingin na ang nanay nya sa kanilang dalawa baka makahalata eto na nagsi-sinungaling sya, kaya naman sinunod sunod nya ang subo para maubos agad ang kinakain para makabalik na agad sya ng kwarto nya.
“Anak, dahan dahan baka mabulunan ka, nakakahiya naman dito kay Gabe baka isipin na ginugutom ka namin.”
“Tapos nako nay, Babalik na po ako room ko, excuse me” Nagma-madaling tumayo sa lamesa si Leslie at naglakad pabalik na ng hagdan paakyat sa kwarto nya.
“Ha! a, e teka hindi pa kami tapos ni….” Hindi natapos ng nanay ni Leslie ang sasabihin dahil nawala na sa paningin nito ang anak.
“Naku, pasensya ka na dyan sa anak ako, nilalagnat kasi yun baka sumama na naman pakiramdam.” Hinging paumanhin ni aling adelfa na nanay ni Leslie, nang matapos kumain si Gabe ay nagpa alam na rin ito sa nanay ni Leslie at umuwi na.
Samantala si Leslie naman ay nakabalik na ng kwarto nya at inumpisahang ayusin ang mga notebook at libro na dadalhin nya bukas sa eskwelahan.
Bakit ang lakas ng kaba ng dibdib ko? Imbestigador yata yun ng past life nya e, ang daming tanong baka mahalata ni nanay na nagsi-sinungaling ako, pahamak talaga yung asungot na yun! My Gosh! Tapos wala pa kong bra, nakakahiya ka talaga Paraluman! Baka sa susunod hindi lang halik gawin nun sa’yo! Huwag na lang kaya ako pumasok bukas? Ayoko sya makita! Nagihimutok na isip ng dalaga. Matapos ni Leslie ayusin ang gamit ay nahiga sya at napag-pasyahan matulog na lang ulit, four thirty ng hapon ng gisingin sya ng nanay nya at sabihin may telephone call sya mula sa classmate nya na milly ang pangalan, nagtataka naman sya dahil wala syang classmate na milly baka naman nagkaringan lang ang nanay sa pangalan.
“Hello, Who’s on the line?” Tanong ni Paraluman sa kabilang linya
“Your first and last” Sagot ng boses sa kabilang linya, biglang kinabog ang dibdib ni Paraluman.
“Sorry, wrong number…I don’t know anyone who goes by the name of your first and last!” Mataray na sagot ni Paraluman.
“Huwag mong gawing literal baby girl, by the way how are you feeling? Sunduin kita bukas, sabay na tayo pumasok”
“G-gabe?”
“Yes baby girl…I’ll pick you up tomorrow at 7am, and don’t worry about those bullies, I already dealt with them. “
“Sinabi sayo ni Dave? A-Anong ginawa mo kina Mariz?”
“Yes sinabi sa akin ni Dave, and don’t ask how I dealt with them, basta hindi mo na sila makikita, okay?”
“O-okay”
“So, 7am tomorrow then?”
“H-hindi ako papasok bukas!”
“Bakit masama pa rin ba pakiramdam mo? I thought you’re okay already” Nag aalalang tinig ni Gabe.
“O-oo, nilalagnat pa rin ako ngayon…tumaas ulit temperature ko e. Sige ba bye na, iinom pa ako ng gamot e”
“I miss your cherry taste like lips baby girl, and I love your attire a while ago.” Napabuntong hinigang sabi ni Gabe sa kabilang linya.
“Pervert!” Inis na sabi ni Paraluman saka malakas na binagsak ang telopono. Buti na lang at nasa likod bahay ang nanay nya kung hindi ay pihadong magtataka yun bakit nya sinabihan ng pervert ang kausap lalo na at babae yata ang nakausap ng nanay nya, sino kaya ang pinatawag nitong babae. Problema nya bukas hindi sya pwedeng umabsent dahil hindi na naman talaga masama pakiramdam nya at saka wala na syang lagnat, secondly kailangan nya maipasa yung classwork nya bukas. Ah, basta aagahan na lang nya ang pasok at bahala na si batman.
>
>
>
6:45 am pa lang ay nasa loob na ng classroom nila si Paraluman kahit 730 am pa ang start ng 1st subject nya, iniiwasan kasi nya na makita sya ni Gabe dahil sinabi nya dito na hindi sya papasok. Makalipas ang buong umaga nilang klase at lunch time, pagkarinig nya ng bell ay dali-dali syang lumabas ng classroom at nagpunta ng restroom, hindi nya na kinain ang baon nyang kainin, buti na lang may sandwich syang baon kaya yun na lang ang kinain nya at nag tambay sya sa isa sa cubicle ng restroom, lumabas na lang sya 5 minutes pagkatapos tumunog ang lunch bell na naghuhudyat na tapos na ang break time nila. Hindi nabale ma late sya sa afternoon class nya. Inaala nya na baka kasi maisipan ni Gabe na sumilip classroom nya during lunch time, di naman nya kasi sigurado kung naniwala eto sa sinabi nya kahapon habang kausap nya ito sa telopono. Samantala absent pa rin ang kaibigang si Micah nagtataka sya, dahil 3 araw nya na ito tinatawagan pero lagi out of town ang sagot ng katulong ng mga ito, wala tuloy syang kasama, pero di nya alam kung ipagpapasalamat nya na wala ang kaibigan dahil pihado kung pumasok eto, makikita sya ni Dave at baka sabihin pa nito kay Gabe na pumasok pala sya.
>
>
>
3pm natapos na din ang buong klase ni Leslie sa maghapon. Nakahinga na sya ng maluwag, makakauwi na sya at mukhang hindi naman sila magkikita ni Gabe sa buong araw na ito, po problemahin na lang nya ulit bukas kung paaano ulit ito maiiwasan pero sa ngayon kailangan nya makauwi agad. Palabas na sya ng pinto ng Classroom ng bigla syang tinawag ni Joshua.
“Leslie, pinapabigay nga pala eto ni Dave sa’yo, hinahanap ka nya kaninang lunch e, sabi ko lumabas ka” Wika nito sabay abot maliit na paper bag.
“S-salamat!” Sagot ni Leslie, binuksan nya ito at nakita ang maliit na bote na may nakatatak na scar remover.
Ang bait naman ni Dave, alam nya kaya kung kailan papasok si Micah? Nangingiti si Paraluman habang tini-tingnan ang bote ng scar remover. inilalagay nya ang scar remover sa bulsa ng bag nya at tuluyang lumabas ng classroom nila ng masulyapan nya sa malayo si Gabe at papunta sa dereksyon nya. Kaya dali-dali syang umiba ng dereksyon, natatakpan siya ng mga classmate na nag-uunahang makauwi kaya lumiko sya ng daan papuntang school chapel para hindi sya makita nito. Minsan may naidudulot ding maganda ang hindi katangkarang height, ang daling magtago. Nang makarating sya sa chapel ay pumasok sya ng kumpisalan at nagdasal na hindi nasundan nito. Kabadong kabado si Leslie, natawag na yata nya lahat ng santo dahil sa kaba. Buti na lang at walang pari kung hindi baka nakapag kumpisal pa sya ng wala sa oras. Isang oras din ang pinalipas nya saka lumabas ng kumpisalan. Nang makitang wala namang ibang tao sa loob ng chapel maliban sa isang estudyanteng babae na nakaluhod habang taimtim na nagdadasal ay lumabas narin sya ng Chapel. Nag aabang sya ng sasakyan sa tapat ng school gate nila habang palinga linga ng makita nya si Gabe na naka basketball uniform at kausap ang mga team mates nito sa di kalayuan kaya naman pinara nya agad ang tricycle na dumaan sa tapat nya bago pa sya Makita nito. Nag special ride na lang sya para hindi na kailangang magpuno ng sakay ang tricycle. Nang dumaan ang tricycle sa tapat ng grupo ni Gabe ay hindi halos humihinga si Leslie nagdadasal sya na walang makapansin sa kanya pero bago nakalagpas sa tapat nila Gabe ang tricycle na sinasakyan ay nagkatagpo pa ang mga mata nila ni Gabe, kung sya ay nanlalaki ang mga mata sa kaba at gulat, si Gabe naman ay naningkit ang mga mata. Patay talaga sya bukas!!!
>
>
>
Kakatapos lang ni Leslie na maglipit ng pinagkainan ng hapunan at paakyat na ng kwarto ng mag ring ang telepono, sinagot naman ito ng nanay nya na kasalukuyang nasa sala, inaabot nito ang receiver ng telepono sa kanya at sinabing classmate nyang si Milly ang tumatawag. Pihado si Gabe na naman iyon kaya naman nagdahilan na lang si Paraluman sa nanay nya.
“Nay, biglang sumakit ang tyan ko…pakisabi na lang po na I’ll return her call after a few minutes.” Sabay takbo sya papanhik ng 2nd floor at pumasok ng restroom. Habang nasa restroom ay nagiisip sya kung anong gagawin dahil pihado tatawag ulit si Gabe. Kaya naman makalipas ng ilang minuto ay pumunta sya sa sala at nang makitang wala ang nanay nya ay hinugot ang cordon ng telpono sa coupler para hindi na mag ring ang telopono. Bukas na lang bago sya pumasok saka nya ikakabit ulit.
>
>
>
Kinabukasan 4am pa lang ay gising na si Leslie at iniisip kung paano ang gagawin nya para makaiwas kay Gabe sa school, pero wala syang maiisip. Kaya napagdesisyunan nalang nya na maglagay ng bawang sa kili kili at magsakit sakitan, 6am bago sya gisingin ng nanay nya ay tinggal nya ang bawang at pinunasan ng alcohol ang kili kili bago nilagyan ng vicks para di maamoy ng nanay nya. Nang gisingin na sya ng ina ay sinabi nya na masama ang pakiramdam nya kaya naman agad na hinipo ng ina ang leeg at noo ng dalaga, at ng naramdaman na mainit sya ay hindi na sya pinapasok. Pinabalik na sya nito sa pagtulog at maya maya ay dinalhan sya ng sopas at paracetamol. Hindi nya ininom ang paracetamol at tinago na lang, sobrang nako konsyensya sya pero hindi nya maiintindihan ang nararamdaman para syang kinakabahan na natatakot sa maaring pagkikita nila ni Gabe kaya hanggang pwede nya idelay ang inevitable ay dine delay nya.