Nasa loob lang ako ng kwarto ko ngayon at nakaupo sa kama habang nakatingin sa labas ng bintana. Kanina pa ako gising hindi ko alam pero hindi ako makatulog ng maayos. It's still 6 AM and I woke up around 4 AM. Wala rin naman akong ganang kumilos o umalis sa kama ko. Sinusubukan kong matulog mula kanina pero hindi rin naman ako makatulog kaya nakahiga lang ako ng ilang oras at ngayon lang naisipan na maupo at tumunganga. Hindi ko alam paano sisimulan ang araw ko Napilitan naman akong umalis ng kama ko ng may narinig akong nagdoorbell. Siguro si Lester. May event kaya kami for today? Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako ng bumungad saakin ang isang bouquet at box ng cake at iba pang pagkain "Good morning!" bati ni Simon na natatakpan na ng mga dala niya "Good morning Si, anong meron?

