KAHIT ramdam na ramdam na ni Charity na malapit na siyang matumba dahil sa puyat at pagod sa nagdaang gabi, pinilit niya pa rin na palabasin ang isang masigla at malawak na ngiti sa harap ng Tita Petty ni Cash. Kahit iginupo na ito ng colon cancer sa wheel chair nito, makikita pa rin base sa tingin nito ang katangian nitong pagiging metikolosa. At dahil din sa katangian nitong iyon, kaya naman parang puwede ng ibenta ang eyebags nilang dalawa ni Cash. Ginising siya nito nang dahil doon. Ang akala pa naman niya ay tapos na ang pagpapanggap nila sa pamilya nito pagkatapos niyang makipag-dinner sa pamilya nito. Iyon pala ay mas malala pa roon ang aabutin niya dahil ang Tita niya na siyang naging dahilan kung bakit kinailangan nitong ikasal sa kanya, ay bumalik pa. Kinailangan na

