Valentina “WHY?” Iyon kaagad ang bungad na tanong sa akin ni Kayden nang tawagan ko siya. Sinabi ko sa kanya na hindi kami matutuloy sa plinano niyang dinner date rito sa bahay mamaya pero hindi ko sinabi sa kanya na dahil pupunta si Vladimir. Hindi pa alam ni Kayden ang tungkol sa naging relasyon ko kay Vladimir. Mas lalong hindi niya pa alam ang tungkol sa tunay na ama ni Aleksandr. “May kakailanganin akong gawin mamaya.” Alam ko na hindi maganda na magsinungaling ako kay Kayden. Sasabihin ko naman sa kanya ang tungkol kay Vladimir. Sadyang biglaan lang na nalaman ni Vladimir at na-o-overwhelm ako sa mga nangyayari. Paano ko sasabihin na sa tuwing tinatangka niyang may mangyari sa amin ay si Vladimir ang naaalala ko kaya hindi ko magawa? Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang buhay na

