Valentina HINDI ko magawang sabihin kay Vladimir ang totoo. Hindi ko alam kung ito na ba ang tamang oras para sabihin sa kanya na siya nga ang ama ni Aleksandr. Hindi ako handa dahil hindi ko naman inaasahan na magkikita ang anak ko at si Vladimir nang hindi inaasahan. Wala ito sa plano. Alam ko naman na gustong makilala ni Aleksandr ang kanyang ama, pero alam ko rin na hindi pa siya ganoong kahanda. Maraming tanong ang bata. Sabi ni Manang Mildred sa akin, minsan na raw sinabi ni Aleksandr sa kanya na ayaw niyang makilala ang ama dahil galit siya rito at iniwan kami. Nang dahil sa pag-iwan sa amin, naghihirap daw ako at ngayon ay magpapakasal sa ibang lalaki. Minsan naman, makikita mo sa kanya na gusto niyang makilala ang ama. Bumuntong-hininga ako. Sinasabi lang ni Aleksandr sa akin

