Vladimir MAY pinuntahan akong property sa hindi kalayuan nang mahagip ng aking mga mata si Alexander sa playground. Siya iyong batang nakita ko sa labas ng kompanya ko at hinahanap ang mama niya. Sinabi niya na kailangan ko siyang tulungan na paghiwalayan ang mama niya at ang boyfriend nito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa kilala ang mama niya. “Stop the car,” sabi ko sa driver nang makita ko si Alexander. Naandito na rin si Yulian. Tapos na naman ang paghahanap kay Valentina dahil nakita ko na ito kaya wala nang dahilan para umalis pa si Yulian. “Get the kid,” sabi ko kay Yulian. Noong una ay nagtaka siya. Tiningnan niya ako sa rear-view mirror. “I am not instructing you to kidnap the kid. Tell him my name, and if he wants to come, he’ll come.” Huminga nang malalim si Yulian bago l

