Valentina “I AM having second thoughts kung dapat pa ba akong magpakasal kay Kayden.” Napatingin sa akin ang matalik kong kaibigan dahil sa sinabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay. Naandito kasi ulit siya sa Manila at mas matagal na siya rito kumpara noong nakaraan. Mamaya nga ay dadalawin niya si Aleksandr. “Bakit? Anong nagbago?” It’s rare for us to talk in a serious manner. Si Ayla pa? Lagi niyang hahaluan ng kalokohan ang mga bagay-bagay. Siguro ay napansin niya na seryoso ako at hindi magandang haluan ng ganoon ngayon. “Dahil ba kay Vladimir?” Umiling ako sa kanya. Magulo ang isipan ko dahil kay Vladimir, pero hindi siya ang dahilan bakit sumagi sa aking isapan na parang ayoko nang magpakasal kay Kayden. “I have been thinking about it lately. Para kasing may nagbago kay Kayden.

