Valentina SA huli, hindi ko rin nagawang ibalik kay Vladimir lahat. Hindi niya gustong ibalik ko at nagtalo pa kaming dalawa. Pareho kaming hindi nagpapatalo. “Fine! Gusto mo na magbigay ng pera para kay Aleksandr? Do it! Mababa na ang 100 thousand isang araw!” sabi ko sa kanya. Sinusubukan ko lang siya dahil nakakainis talaga! “Alright. Expect a million check every day.” Laglag ang panga ko sa sinabi niya. What the hell?! Hindi talaga siya titigil. Kaya ngayon, tinanggap ko na lang ang condo. Nakapangalan na naman sa akin. “Wow!” sabi ni Aleksandr. “Dito na tayo titira, Mama?” Ngumiti ako kay Aleksandr bago tumango sa kanya. Mukhang masaya siya sa bagong titirhan namin. Bukod sa maganda naman talaga ang lugar ay masaya rin siya na nasa mataas na floor kami. Hindi ko alam sa bata

