Valentina HINDI ko kailanman inisip na maririnig ko ang mga ganitong salita kay Vladimir. Ipinikit ko ang aking mga mata at inayos ang disposisyon ko. Itinulak ko si Vladimir papalayo sa akin. Namumungay ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Pinulot ko ang damit na pinadala ni Kayden dito at ibinigay sa kanya. Tiningnan niya lamang iyon sandali bago ibalik sa akin ang kanyang buong atensyon. “Pinabibigay ni Kayden.” “Valentina—” “Ano pa bang gusto mong pag-usapan natin, Vladimir? Kapag nag-usap ba tayo, tatantanan mo na ako? Then, fine! Mag-usap tayo ngayon, pagkatapos no’n, leave me alone!” Kumunot ang noo ni Vladimir pero kitang-kita ko pa rin sa kanyang mga mata ang pamumungay. “I want you back,” sabi niya sa akin. Ngumisi ako sa kanya. “Back? Hindi ko matandaan na

