Valentina MABUTI na lang talaga at hindi pupunta ng opisina si Vladimir. Naging tahimik ang buhay ko ngayon. Hindi ako pinatulog ng text niya kagabi at kahit nang hindi na ako mag-reply, nag-text pa rin siya. Hanggang ngayon nga, hindi ko pa binubuksan at binabasa. “Hi…” May humaplos sa likod ko. Nagtaas ako ng tingin sa kanya at nakita ko si Kayden. Ngumiti ako sa kanya. “Hi, good morning.” “You can view the condo now. Gusto mo bang pumunta mamaya?” Naalala ko iyong binabalak kong bilhing condo. Sinabi sa akin ng broker na ihahanda nila para makita ko. Mukhang tinawagan na nila si Kayden para roon. Sana ay ako na lang ang tinawagan nila since ako naman ang bibili. Iyon ang rason bakit nag-settle muna ako sa apartment. “Talaga? Sure. Mga anong oras tayo?” “After office hour. Dir

