Another day, another of ‘proving myself to Erebus’ starts. Fortunately, kahapon nang makabalik ako kung nasaan ang illusion Menrui na ginawa ko, walang nakakita o nakapansin na hindi ako iyon. And I am thankful for that, as I promised to myself that I will not do it for the meantime because it was too risky.
Yes, hindi nga ako nahuli kahapon but who knows, maybe they already notice and they were just waiting for the right time to confront me. And yes, I am overthinking things pero mas okay na kung mag-iingat kaysa magsisi sa huli. At sabi nga ni Erebus. kailangan ko ring i-prove ang sarili ko sa kaniya. Atsaka isang maling galaw ko lang, siguradong may masama siyang gagawin sa mga taong nakakulong sa dungeon.
Speaking of that b*stard, he did really came back the morning after but he didn’t even glance or look for me. A b*stard indeed. But, I am not complaining though. Mas okay na sigurong hindi kami mag-usap kaysa naman mauwi na naman sa sagutan ang usapan namin. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at makapagsabi ako ng hindi ko dapat sabihin.
Now, hindi ko alam kung saan na naman ‘yon pumunta pero nakita ko siyang lumabas ng palasyo kani-kanina lang. I was tempted to get some information again but I have to stop myself. I need to be careful. Not just for me but for everyone in that dungeon.
Nasa labas ulit ako ng palasyo at nakatitig lang sa mga tauhan ni Erebus na nagpapalakad-lakad sa harapan ko. I am so bored to death and is tempted to do something silly just like what I am doing in our world whenever I am so bored but because of that ‘prove yourself’ thing, it feels like I cannot do anything but to stare at this palace and the people inside it. Feeling ko kasi kapag konting galaw ko lang, may nakasunod na ang tingin sa akin. Well, hindi lang feeling ko ‘yon dahil may mga tauhan ni Erebus, na kahit hindi nila sabihin, ay inutusan silang tignan ang bawat galaw ko.
Tatayo na sana ako para bumalik sa kwarto dahil wala rin naman akong ginagawa rito, nang may biglang lumapit sa akin. Isang babae siya, she is beautiful actuallly pero mukhang hindi siya nakakakain nang maayos dahil pansin kong payat siya. At base na rin sa suot niyang damit, mukhang isa siya sa mga maid ng palasyo.
“May kailangan ka ba?” tanong ko sa kaniya.
Ito ang unang pagkakataon simula noong dumating ako dito na may lumapit sa aking tauhan ni Erebus. I’m shock alright. Wala na ata akong ibang naramdaman simula nang mapunta ako dito kundi takot, kaba, at gulat.
“Follow me, lady.” Iyon lang ang sinabi niya at tumalikod na.
I looked at her confused but I follow her anyways. Baka kasi isa ito sa ‘prove yourself’ thing ni Erebus, mahirap na. I have to be obedient para hindi siya gumawa ng kahit anong ikasasama ng mga nasa dungeons. Nakikita ko na ang mga taong kanina pa nagmamatyag sa akin ay sinusundan kami ng tingin.
It looks like the woman who talked to me noticed that the people who were watching my every move was looking at us, kaya naman lumapit siya sa isa sa mga taong nakasunod ang tingin sa amin at binulungan niya ito. The man who kept on observing just a minute ago nodded at her. May ibinulong din ito sa kaniya at pagbalik ng babae sa tabi ko, ngumiti siya sa akin.
“Let’s go,” sabi niya. Ilang hallway ang nilikuan namin at halos mahilo na ako sa dami ng pasikot-sikot na daan na dinaanan namin kanina.
Mga ilang minuto pa kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa kabilang panig ng palasyo. I’m still confused but I choose to be silent and follow her.
Nasa isa kaming hallway na walang tao at base na rin sa ilang beses na mga dinaanan namin kanina, malayo ito sa mga hallway na maraming tao. Nagulat ako nang mag-enchant siya ng magic spell at hindi man niya sabihin, alam ko ang ginawa niya.
“It’s a spell for us to be invisible in the eyes of other people. I know that you noticed, Goddess.” Napatigil ako dahil sa sinabi niya.
I was shock and scared at the same time. Nalaman na ba nila? But I’m so careful so how the heck would they find out? Is it because of what I did yesterday? But I made sure that no one knows what I did. Wait, napansin ba talaga nila ang ginawa ko kahapon at ngayon lang sila gagawa ng hakbang para patayin ako? Paano ang mga tao sa dungeon? Will they be killed also? I am overthinking things and the only one who knows the answer to my question is this person who is walking in front of me.
“How did you---” I was about to ask her but she stopped me.
“You will find out in a minute, Goddess. Just follow me and be quiet or it is better if you will cast a magic spell to strengthen mine. Para na rin masigurado na hindi nila tayo mahuhuli,” sabi niya at nagpatuloy na sa paglalakad.
Many questions are flooding in my mind but I know, it will be answered by the person in front of me. I have doubts about her but I choose to follow her. Kagaya ng sinabi niya, I help her to strengthen the spell that she just casted.
After a few minutes of walking, we reached a cave-like structure. Nasa likod ito ng palasyo ni Erebus at hindi agad ito mapapansin. There is an opening na kasya ang isang tao.
“There is also a barrier in this cave. Ang makakapasok lang dito ay ang lahat ng pinahihintulutan naming tatlo.” Pagpapaliwanag niya.
Mas lalo pang nagulo ang isip ko dahil sa sinabi niya. “Tatlo? Sinong tatlo?” nagtatakang tanong ko sa kaniya.
Ngumiti lang siya at hindi sumagot. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang dulo ng pasilyong iyon. There is a light at the end of that tunnel and I am amazed with the interior.
Parang nasa normal na bahay ka lang. There is a small dining table in the left, a receiving area in the middle, and a small kitchen in the right. Ang kaibahan nga lang, wala itong kwarto at may isang pinto na sa tingin ko ay papunta sa CR ng ‘bahay’ na ito. Hindi mo aakalain na isang cave ang pinasukan mo.
I looked around again and I noticed two men that are sitting in the receiving area. Humarap sa akin ang babaeng kanina ko pa sinusundan.
“You may sit in that single sofa, Goddess,” sabi ng isa sa mga lalaking kasama niya.
Kahit na naguguluhan ako, sinunod ko pa rin siya. I sit in the single sofa and they sit in a sofa across mine.
“Who are you, really?” pagsisimula ko sa usapan namin.
I need to know the truth because they recognised me as a goddess. Wala pang nakakakilala sa akin bilang isang goddess. Well, except for Arson na binigyan ko ng message no‘ng una kong punta dito. If they are an enemies then we are doomed.
“Fear not, Goddess, we are not enemies.”
I observed every move that they make. Nang maramdaman kong wala silang kahit anong masamang gagawin, I calmed down but I am still ready to defend myself if they plan to attack me.
“Then explain who you are," I said in a powerful tone. Nagkatinginan ang tatlong kaharap ko.
Ang babaeng sinusundan ko kanina ang nag-volunteer na siya ang maunang magpakilala sa kanilang tatlo. “I am called Hemera, my lady. I am the right hand man the rulers of Land Realm. Kagaya ng ibang mga tauhan ng kingdom na nasakop ni Erebus, naging katulong ako rito. I am lucky enough that I live dahil lahat ng kasama ko dati ay wala na. Maybe Erebus plans to get an information at me but I don't plan to spill anything,” sabi niya.
I observed her for a brief second and I can sense that she is telling the truth.
The next one who speak is the man on her left. “I am Fawn. Kanang kamay ako ng Fire KIngdom. And I know that King Arson is being held captive at one of his dungeon but I can’t do anything because Erebus has eyes everywhere. Kagaya ni Hemera, ginawa niya akong taga-sunod niya. I am careful with every move that I make because that might trigger for my king to be executed,” malungkot niyang sabi.
I can feel his guilt dahil hindi niya magawang mailigtas ang hari.
The last one who spoke is the man in Hemera’s right side. “I am Helios Light. I am a knight from Sky Empire. Hindi kagaya nila, ipinadala ako ng Sky Empire dito para tignan ang bawat galaw ni Erebus. They do not know that I’m here. My eyes inside the palace are Hemera and Fawn.”
Pagkatapos nilang ipakilala ang sarili nila, tinignan ko sila isa-isa. I observed their every move and I can say that they are telling the truth.
“How come Erebus did not notice you?” Ibinaling ko ang atensiyon ko kay Helios.
They looked at each other and Fawn asked me, “Bakit hindi niyo man lang kinumpirma na nagsasabi kami ng totoo?”
I smiled and said, “I can tell that you are telling the truth in just a glance.”
Hemera shrugged. “Well, goddess siya, Fawn. Malamang alam niya kung sino ang nagsasabi ng totoo sa hindi,” sarkastiko nitong sabi habang nakatingin kay Fawn.
Fawn just glared at her and did not speak anymore. Pinigil naman ni Helios ang pag-aaway ng dalawa sa pamamagitan ng pagsagot niya sa tanong ko.
“Just like what I have said earlier, Hemera and Fawn are my eyes inside the castle and I am the one who delivers the message to my lord and milady in Sky Empire. Ginagamit namin ang magic namin para hindi niya kami mahuli. But we have to be careful dahil mukhang nakakatunog na si Erebus na may nakapasok sa palasyo niya.”
“Then you must be strong to keep up with the barrier in the palace,” I said.
Helios, for the first time since I entered their ‘hideout’, smiled at me. “I will take that as a compliment.”
One question in my mind is answered but there are still many questions that are needed to be answered. Well, may time pa naman ako para tanungin sila dahil narinig ko na mamaya pang gabi ang uwi ni Erebus.
“Kayo lang ba ang may mataas na katayuan na nandito sa palasyo at pinagsisilbihan si Erebus?” tanong ko pa ulit sa kanila.
Kung may iba pa silang kasama, pwede ko silang makasama sa mga plano ko. It will be easier for me and for all of them. It will be easirer to obtain information that we needed.
They looked at each other again before Hemera answered my question. “Actually there is one pero mukhang na-brain wash na siya ni Erebus kaya hindi namin siya kasama ngayon,” malungkot niyang sabi. “At hindi ko siya nakita nitong mga nakaraang linggo kaya hindi ko na rin alam kung ano na ang nangyari sa kaniya.”
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Kung sino man ang tinutukoy niya, kailangang makausap ko rin siya para malaman kung ano talaga ang nangyari sa kaniya. With that in mind, I did not ask further about that and proceed to my other question.
“How come you knew that I’m a goddess?” I asked them.
Si Hemera ulit ang sumagot sa tanong ko. “I have been observing you since the day you arrived, my lady. Kahit na itago mo pa sa iba, malalaman ko pa rin kung isa kang goddess o hindi.” Then she showed me the mark on her nape. The sign of the Land Goddess, Celeste. Umayos ulit siya ng upo at humarap sa akin. “As you can see, I am chosen by the Land Goddess herself, Celeste. Nagpakita siya sa panaginip ko isang araw bago ka dumating sa palasyo. I was away in the castle that time because Erebus gives us a task outside the palace. Ang totoo niyan, iyon ang unang beses simula nang makulong ako sa palasyo ni Erebus na nakausap ko siya.” Hemera took a deep breath and look straight into my eyes. “I asked her why did she abandoned us, her people, then nalaman ko kung bakit hindi niya nagawang iligtas kami. She said that you, the gods and goddesses, underestimated Erebus and thought that you can still save us even though we already given up. I cried at her, I beg her to save us, but then, she said that someone is coming to do it. A goddess na kagaya niya ay malakas rin. And when I first saw you struggling at that knight’s grip, I knew you were that person whom she is referring to.”
Celeste. Why would you do such thing? Akala ko napagkasunduan na wala munang magsasabi sa kahit kanino ang pagpunta ko dito? What did you do?
I tried to remove that thought and looked at Hemera as I confirmed what she said. “Yes, I am the one she is referring to,” sabi ko sa kaniya.
Kung sinabi na ito ni Celeste, hindi ko na lang itatanggi na ako ang tinutukoy niya.
A tear fell from Hemera’s eyes. She immediately wiped it and bow down at me. Sumunod naman ang dalawang kasama niya.
“We want to help you on your mission, my lady,” sabay-sabay nilang sabi sa akin.
I looked at them and said, “You don’t have to bow down on me.” I waved them off.
Tinignan nila ako na para bang may mali sa sinabi ko. “But...”
“I really do not like formalities like these.” Putol ko sa sasabihin pa nila. Nagkatinginan naman sila bago tumango at umayos ng upo.
“Please tell us all your plans so that we can follow it, milady,” sabi ni Helios sa akin.
Inisip ko naman lahat ng plano na nasa utak ko ngayon. They could be a great help when Erebus realized that I am spying him. Pwede nilang maitakas lahat ng mga nasa dungeon at maililigtas nila ang mga tao doon. I don’t have to worry about their lives when everything will be in chaos. At isa pa, pwede nila akong matulungan sa pangangalap ng impomasyon na kailangan ko.
In the end, sinabi ko sa kanila ang plano ko. From the details that Elysium said to me, not the ‘a god or a goddess is a traitor’ part, to that marriage and prove myself part, and to my own plan to know Erebus’ move.
“Sa ngayon, magkunwari muna tayong lahat na hindi magkakakilala,” sabi ko pa sa kanila. “Let him be the one to make us close para walang maghinala na may ginagawa tayong plano. At kung gagana ang mga plano ko, walang kahit sino man ang masasaktan.”
Fawn immediately agreed. “Tama si Lady.”
“You can call me Menrui.” Pagsingit ko sa sasabihin niya.
Tumango siya sa akin bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. “As I was saying, tama si Lady Menrui. Nakasalalay sa kaniya ang buhay ng mga taong nakakulong sa dungeon. Kung may gagawin siyang hindi maganda, maaaring maging trigger iyon para pumatay na naman si Erebus ng mga inosenteng tao.”
The other two nodded. “Ah. Another thing.” Pagkuha ko sa atensiyon nila. “I hope na hindi niyo muna sasabihin sa iba na nandito ako. Lalo ka na, Helios.”
Helios looks confused. “Can I ask why?”
“I am confirming something. At isa pa, baka makarating kay Erebus ang totoo kong katauhan.” sabi ko sa kaniya.
Nahihirapan akong i-explain sa kanila ang sitwasyon nang hindi ko sinasabi ang tunay na rason kung bakit hindi pwedeng sabihin sa iba kung sino ako. Hindi na namin kailangan pang dagdagan pa ang mga dahilan nila para hindi na kami pagkatiwalaan. As Hemera said earlier, they feel like the gods and goddesses abandoned them when Erebus innvaded and killed their comrades. At ang pagsasabi na may pinaghihinalaan kami na ang isang diyos ay traydor ay maaaring maging trigger para hindi na sila maniwala sa amin.
They all nodded at the same time. “If that is what you want, goddess.”
I smiled at them. “Thank you,” sabi ko sa kanila.
Hemera looked at the time and she suddenly got serious. “Malapit nang bumalik si Erebus sa palasyo, lady . Kailangan na nating bumalik,” sabi niya.
I nodded my head at her. Tumayo na kami nang magsalita si Fawn. “I will return later. Pag-uusapan namin ni Helios ang pagbabago sa mga plano natin para hindi ito makasagabal sa plano ni Lady Menrui.”
Tumango si Hemera sa kaniya bago niya ako niyaya palabas.
“Pwede ko bang itanong kung ano ang sinabi mo sa tauhan ni Erebus kanina para payagan tayong umalis doon?” tanong ko sa kaniya.
It bothers really me at ngayon lang ako nagkaroon ng chance para itanong iyon sa kaniya.
She looked at me and said, “Sinabi ko lang na ako na ang bahala sa‘yo dahil parang bored na bored kanina,” and then she winked.
“I’m not buying that,” I said with a frown. Hemera just laughed at me.
“I will tell you the reason next time but for now, kailangan na nating bumalik dahil baka nakabalik na si Erebus sa palasyo.” I just nodded my head at her and did not ask anymore.
The whole way back to the castle is silent. Mabuti na lang at walang mga tauhan ni Erebus ang pakalat-kalat sa dinaanan namin. We casted a spell para na rin sa safety measures. Nakabalik kami sa hallway kung saan siya nagcast ng spell at wala pa ring tao dito kaya madali lang para sa amin ang bumalik sa loob.
“Ako na muna ang lalabas, milady.” Tumango ako sa kaniya.
"Mag-iingat ka."
She smiled at me. “You too, milady.” Pagkatapos noon ay sa ibang direksiyon siya pumunta.
Sa kabilang pasilyo naman ako dumaan para kunyari ay hindi kami magkasama ni Hemera kanina. I observed the men who keeps an eye on me. Mukhang wala naman silang napansing kakaiba kaya nakahinga ako ng maluwag. Well, Hemera did asked one of them earlier so it’s alright.
Pabalik na sana ako sa kwarto ko nang may tumawag sa pangalan ko. “Menrui.”
I looked at the direction of the voice and my eyes immediately glared at him. “Erebus.”