“Nasakop na ni Erebus ang Land Realm. Apat na kingdom na ang nasakop niya. Kailangan na nating gumawa ng hakabang para mapa-bagsak siya.” Pagsisimula ni Elysium, ang Sky Goddess, sa aming meeting.
May meeting kami ngayon dahil sa naghahari-harian sa mundo ng mga tao na si Erebus. Binansagan siyang pinakamakapangyarihang wizard sa kanilang mundo dahil sa angkin niyang lakas at talino. Apat na kingdom na ang nasakop niya at isa na lamang, tuluyan nang mapapasakamay ni Erebus ang buong mundo.
Anim kaming naririto ngayon. The six gods and goddesses that is maintaining the order of the mortal world. Napagdesisyunan naming gumawa na ng plano dahil kung hindi pa kami gagawa ng hakbang, siguradong mapapasakamay na ni Erebus ang buong mundo. Nawawala na rin ang mga tagapagmana ng trono ng apat na kingdom na nasakop niya.
Ang buong akala kasi namin, makakaya ng mga tagapagmana at ng mga napili ng limang gods and goddesses na kasama ko ngayon ang pakikipaglaban kay Erebus pero nagkamali kami dahil mas malakas pa pala siya kaysa sa inaakala namin.
“Hindi na nalalayo ang panahon na kinakatakutan natin. Sooner or later, Erebus might move out and create a plan that will be the end of the world. Mas mahihirapan tayong mabawi ang mundo ng mga mortal,” sabi ni Helix, ang Wind god.
Natahimik naman ang mga kasama namin habang ako ay napatingin sa gawi ni Helix. He looks different today or is it just me? Usually kasi dati, kapag may ganito kaming meeting, tahimik siya but now, he is voicing out his opinion. For a change, maybe?
Napansin niya siguro na nakatingin ako sa kaniya kaya naman lumingon siya sa akin.
“What?” he mouthed.
I just smiled at him and shook my head. Nag-iwas na lang ako ng tingin at itinuon ang pansin kay Elysium na nasa kabilang parte nakaupo.
“About that plan, I have one,” she said. Sabay-sabay namang napalingon ‘yong apat kay Elysium.
“Ano naman iyon?” tanong ni Eurybia, ang Water Goddess.
“Magpapadala tayo ng magmamatyag sa kaniya.” Natahimik ulit kaming lima sa sinabi niya habang patuloy namang nagsalita si Elysium. “Para naman malaman natin kung ano ang plano niya. At kung ang magiging sunod nating gagawin,” she added.
Mga ilang minutong natahimik ang mga kasama ko na para bang iniisip nila ang sinabi ni Elysium. Ako naman ay napatitig sa kawalan.
Matagal ko nang kilala si Erebus dahil na rin sa ilang beses na rin akong nagpadala ng mga tauhan na under sa akin. At base na rin sa mga sinasabi ng aking mga tauhan, he is manipulative, ruthless, heartless, and the only thing that is on his mind is the ambition to make the world his. In short, he is a self-centered b*stard.
“If we will send someone for this mission, who might that be? We send countless number of our people in the war against him but no one had a chance to kill him. They cannot even give him a scratch. As what we have inferred, he is stronger than we thought. We do not need another casualty just because of him,” sabi naman ni Celeste, ang Land Goddess.
Elysium look straight right at me and said, “It is you, Menrui. I want you to observe and watch Erebus’s every move.”
I got silent for a few minutes and my mind went blank. Seriously? Elysium bakit ako? Ilang taon na ba ang nakararaan noong huli akong nagpunta sa mundo ng mga tao? I cannot even remember then you are asking me to accept that mission? What were you thinking, Elysium? Countless thoughts and questions started to flood my mind. Nabalik lang ang isip ko sa kasaluyan nang magsalita si Helix.
"I have been agreeing with every plan that you make, Elysium, but not this one. It is been a long time when Menrui last set foot on mortal world. And it is been a long time when Menrui accepted a mission." Pagtutol ni Helix sa sinabi ni Elysium.
“Kung hindi isa sa atin ang ipapadala, sino pa? And just like what Celeste said, we do not need another casualty in our side,” mahinahong sabi ni Elysium.
Bigla namang sumingit si Eurybia, ang Water Goddess, sa usapan, “I agree with Elysium. Kailangan na nating gumalaw hindi ‘yong parang hinihintay na lang nating bumalik ang wala nang buhay na katawan ng mga kawal natin. And I agree that Menrui is the perfect candidate for this mission.”
“Kayang gumawa ni Menrui ng ilusyon. Magagamit niya iyon upang hindi siya mapansin ng kahit sino sa loob ng palasyo ni Erebus. At gamit ang angkin niyang talino, kaya niyang malutas ang mga problemang kahaharapin niya,” pagpapaliwanag ni Elysium kung bakit niya ako napili.
Tumango naman si Ephernios, ang Fire God. “Menrui is an Illusion Goddes, and her magic is perfect for this kind of missions. Ano bang ikinababahala mo, Helix? It is not as if Menrui is weak. In fact, siya pa nga ang pinaka matalino sa ating lahat.”
Bigla namang tumayo si Helix sa kinauupuan niya at malakas na hinampas ang mesa na nasa harapan niya. Nagulat kami sa kaniyang ginawa ngunit mas nagulat kami sa sunod niyang sinabi. “I just want Menrui to be safe, okay?!” pasigaw niyang sabi.
Naramdaman ko ang pagtaas ng tension sa paligid. Napatingin naman ako kay Celeste na nasa tabi ko nakaupo. “You have to decide or there will be a fight between those four,” bulong niya sa akin.
“Menrui is not a child, Helix. Siya ang pangalawa sa pinaka malakas sa ating anim. And you are telling us that this kind of mission is not fit for her?” hindi makapaniwalang tanong ni Eurybia.
Mukhang kumalma naman ng kaunnti si Helix dahil umupo na siya sa kaniyang upuan ngunit makikita mo pa rin ang pagtagis ng bagang niya. “Hindi sa ganon, Eurybia. What I mean is I am just really concerned about her---”
Hindi na naituloy ni Helix ang sasabihin niya nang sumabat na si Elysium sa usapan. “Why don’t we ask her?” she said and she looked at me. “What is your opinion about the matter, Menrui?” she asked in a calm voice.
Huminga naman ako nang malalim at pumikit. Naririnig ko pa rin ang pagtatalo nina Eurybia at Helix but I tried to tune them down. I tried to think the results and consequences of my decisions.
If I agreed with Elysium’s plan, maaari na naming malaman ang mga galaw ni Erebus at pwede rin naming makakuha ng impormasyon para sa susunod niyang pananakop. Maaari rin naming malaman ang mga bagay na hindi namin makuha-kuha dahil mahirap makakuha ng impormasyon tungkol kay Erebus.
Kung hindi naman, it makes me feel like a useless goddess that is waiting for the world to be destroyed and I do not want to be one. It is not included in my vocabulary to wait and see what will happen, I am the type of person that wants to be in the frontline and fight.
I opened my eyes and look straight at Elysium. Hindi ko pinansin ang patuloy na pagtatalo ng tatlo. Naramdaman ko naman ang pagtapik ni Celeste sa balikat ko kaya tumingin ako sa kaniya.
“Alam ko iyang tingin mo na ‘yan,” bulong niya sa akin.
Ngumiti naman ako sa kaniya. “Kilalang-kilala mo talaga ako,” bulong ko pabalik sa kaniya.
“Gusto mo bang magsalita ako para sa desisyon mo?” tanong niya but I just shook my head.
“Kailangan ako ang magsabi para hindi na tumutol si Helix,” I said with a smile, and that made her give me an encouraging smile as if she was proud of my decision.
Napangiti naman ako dahil kilalang-kilala talaga ako ni Celeste. Siya kasi ang pinaka malapit kong kaibigan sa kanilang lima. Siya rin ang aking nilalapitan kapag may problema ako. She was always there to support me, kahit na ‘yong iba ay tutol sa mga desisyon ko.
Celeste just nodded and let go of my shoulder. Nag-thumbs up siya sa akin na para bang pinapalakas niya ang loob ko, kaya naman huminga ulit ako nang malalim bago ko sinabi ang opinyon ko tungkol sa bagay na ito.
“I will accept this mission.” Natahimik ang mga kasama ko pagkatapos no‘n.
I looked at Elysium who just nodded at me, then at Ephernios and Eurybia who has encouraging smile on their faces, then at Celeste who has this proud look on her face. Lastly, I looked at Helix who looks like he was still against my decisions.
Akmang magsasalita pa sana siya nang maunahan ko siya sa pagsasalita. “That is my decision, Helix. Please respect it,” I said with finality in my voice.
Itinaas ni Helix ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko siya. “Okay, fine. I will respect Menrui’s decision,” he said with a defeated voice and he does not bother to remove the disappointed look on his face. I just ignored him at tumingin kay Elysium.
Ngumiti naman si Elysium sa akin bago siya umayos ng upo. She look at the five of us. “May sasabihin pa ba kayo tungkol sa decision ni Menrui?” tanong niya at itinuon ang pansin sa apat na kasama namin.
Sabay-sabay namang nagsabi ng “I have none.” ‘yong apat kaya naman ibinalik ni Elysium ang tingin sa akin.
“Then follow me, Menrui,” sabi niya bago siya tuluyang tumayo. “This meeting has come to an end, everyone may now leave,” she said with powerful voice.
Hindi na niya hinintay pang magsalita ulit and iba. Tumalikod na lamang siya at umalis ng kwartong iyon kaya naman sumunod ako.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kaniya.
“Sasabihin ko sa‘yo ang plano ko.”
Nagtaka naman ako sa sinabi niya. “Bakit hindi na lang kanina habang nasa meeting tayo?”
She just smiled mysteriously at me and I frowned while I am trying to figure out everything. Mukhang may hindi sinasabi sa amin si Elysium.
“Sasabihin ko sa‘yo mamaya kung bakit. For now, just follow me.” She then went somewhere without looking back.
Wala naman akong nagawa kung hindi ang sundan siya at napaisip na lang ako dahil sa sinabi ni Elysium. Knowing her, may alam siya na hindi niya sinasabi sa amin. It is either because she is not sure about it or maybe hindi lang siya makapaniwala sa nalaman niya kaya hindi niya masabi ito.
Ilang minuto pa kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa isang kwarto na minsan lang namin ginagamit. Ang kwarto na tanging si Elysium lang at ang taong pinahintulutan niya ang pwedeng pumasok sa loob nito. I cannot remember the last time I entered that room but all I can say is there is something about it that I can’t point out that the only one who knows about it is Elysium. No one knows what will happen once you enter that room without her permission but some says that you could die if you entered without her.
“Lets go in,” she said as she entered the room first.
Sumunod ako sa kaniya nang tahimik at walang kahit anong reklamo. Pagkapasok ko pa lang, may kakaiba na kong naramdaman. I tried to shake it off because I know that I am safe because Elysium, the one who created this room, is with me.
“Do you know the secret of this room, Menrui?” she asked and I just shook my head because I really don’t know what is the secret behind this. “Ang kwartong ito ay ginawa ko para sa mga katulad mo, Menrui. The people that I trust with all my life. And to be honest, I never used this room for such a long time. Only now.”
Sinubukan kong i-process sa utak ko ang sinabi niya pero mas lalo akong naguluhan.
“What do you mean by that?” I asked her, confused.
“Let me show you why I needed to use this room again.” Elysium casted a magic spelll and the whole place lit up.
Lumabas ang mukha ni Erebus sa screen na ginawa ni Elysium gamit ang magic niya.
“Sa tingin mo, ilang taon na si Erebus?” tanong niya sa akin. I looked at her for a brief second before I turned to look at the screen that was in front of us.
Tinitigan ko naman nang maigi ang mukha ni Erebus. At first glance, you could say that we have the same age but we, the gods and goddesses, stopped aging at the age of thirty and we are considered as imortal because we are living in this world for a very long time but the truth is we could also die pero mas matagal lang kaming nabubuhay sa mundo kaysa sa mga normal na tao.
Ang kaibahan lang namin sa mortal na mga tao, maaari kaming mabuhay muli kung gugustuhin ng mga kasama naming gods and goddesses.
I look at Erebus’ picture again. “Base sa picture na ito, I think he is at his 30’s,” I said.
“Doon tayo nagkakamali,” sabi naman ni Elysium. The picture started to fade and is replaced by another one. It is his picture again but this time, it was zoomed in and he was in a crowded place. He has that same face and features and it looks like it was taken a week or a month before the first picture. “This picture was taken thirty years ago. Ang unang beses na nakita natin si Erebus. Ang unang beses na gumawa siya ng gulo. I am sure you didn’t know about this picture because only I and Celeste were the one who noticed it,” sabi ni Elysium.
I look at her with a shock expression on my face. “Wait, you mean---”
Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay pinutol na iyon ni Elysium. “Yes. Erebus never aged in those thirty years gap. Dalawa lang ang pwedeng dahilan kung bakit siya hindi natanda, one, he was chosen to be one of us, the highest gods or goddesses, someday, or two, he has a contact inside this palace that is why he never aged too, and worse, isa sa ating anim ang tumutulong sa kaniya.”
Wala akong masabi dahil sa nalaman ko. Kahit isa man sa dalawang iyon ay walang magandang resulta. Siguradong magkakagulo at magkakagulo kung malalaman nila ito. We might lose our trust with one another, and it might cause a war against the six of us, and it is the worst thing that could happen between the six of us. At maaari ring mas magpalala iyon sa sitwasyon na mayroon kami ngayon.
“I only said this to you dahil ikaw ang pinaka pinagkakatiwalaan ko sa lahat and I know that you cannot do such things to others.” Alam kong ang ‘things’ na tinutukoy niya ay ang mga bagay na ginawa ni Erebus sa mga tao. “And it is also the reason why I choose you to get this mission so please, Menrui, please you are our only hope.”
I do not have to think twice dahil mga mortal na tao ang magiging apektado kapag mas lumalala pa ang sitwasyon. “I already agreed, Elysium. Ngayon pa ba ko hihindi kung nalaman ko nang mas malala pa talaga ang sitwasyon kesa sa inaakala natin?”
Elysium smiled at me after I said that. Then she explained her plans in details and everything that I should do when I already arrived at Erebus’ Palace. “Then let’s go and create a portal to mortal world.”
Elysium drew a magic circle using her magic and cast a magic spell. Then suddenly, a portal opened right in front of us.
I looked at Elysium. She just nodded at me and said, “May the previous gods and goddesses guide you, Menrui. The future of our world depends on you.” I just nodded my head at her before I took a deep breath and looked at the portal right in front of me.
I needed to do this. Hindi lang para sa akin, kung hindi para sa lahat ng taong nasa paligid ko at sa mga taong naghirap nang dahil sa pamumuno ni Erebus. All his schemes should be stop. Kailangang matapos na rin ang paghahari-harian niya sa mundo. Kailangang bumalik na sa dati ang lahat. Ang mundo kung saan payapa at walang gulo. Ang mundo kung saan ang lahat ay nagkakaisa.
Erebus and his evil plans should be stop. In order to save the world. Para maibalik sa mga totoong namumuno ang trono. Para hindi na maghirap pa ang mga tao sa mundo ng mga mortal.
I will do everything that I could so that I will be able to know his plans and to stop him from doing anything he likes. I will do everything to bring back the normal lives of the people that Erebus took away from them. I need to bring back the happiness of the world that Erebus stole from us. He needed to be stopped. Kailangan niya nang pagbayaran ang mga bagay na ginawa niya sa mundong ito. Kailangan na niyang malaman ang mga kamaliang ginawa niya para lang makuha niya ang kaniyang gusto.
And with that thought, I opened my eyes and entered the portal without looking back.