FILIPINAS
HINDI ko alam kung paano ako nakarating sa loob ng munisipyo, dito sa mismong department namin. Hindi ko na nga nasundan kung ano ang naging ganap kanina parang sobrang rapido talaga. Parang may mali nga o kahihiyan akong ginawa kanina. Diyos ko! Wag naman sana akong matsismis dahil sa kagagahan kong ginagawa! Wag naman ayaw kong itatwa ako ng mga Ate ko ng sobra-sobra.
“ Atat na atat lang self!” Mahinang bulalas ko sabay tampal sa noo ko ng may mag flash na nga alaala sa akin. Pinilit ko tuloy na binalikan ang mga nangyari kanina at ng maalala ko ang mga pinaggagawa ko at pinagsasabi ko ay parang gusto ko ng takasan ng ulirat. Gusto ko na lang lumubog sa kahihiyan.
“ Atat ka nga Filipinas!” Bulalas ko muli na medyo malakas na kaya ng igala ko ang mata ko ay sa akin lahat sila nakatingin. Tanga ka talaga Inas!
Hindi naman na ako mapakali dahil sa kakaibang damdamin ko na naghahalo-halo na sa loob ko ngayon. Diyos ko parang lahat ng mga mata ay nasa akin. Shít naman kasi, ikaw ba naman ang pumasok sa Munisipyo na buhat-buhat ng mayaman na Don Teo. Pero sa pera niya ay hindi ako nasisilaw. Sa totoo lang ay mas nasisilaw ako sa kagwapuhan niya at tikas ng tindig. Imagine binuhat niya ako ng walang kahirap-hirap. Hindi tuloy ako makapaniwala na 59 years old na siya. Parang kaedaran ko lang siya gumalaw baka nga mas may lagi pang may masakit sa akin kaysa sa kanya. Nakakahiya pala ako talaga! Subsob na subsob pa ako sa lalaki kanina— landi now pulatan later ng nga tsimoso’t tsismosa. Sa Munisipyo pa naman ang isa sa pinaka-legit place kung saan makikita ang mga professional tsismosa. Mga nakasuot ng formal pero kabit ng kapitbahay at ni Mayor ang pinag-uusapan. Sana lang hindi magtatagal ang pagiging trending ko at baka makarating agad sa mga Ate ko. Lalong manggagalaite ang mga ‘yun sa akin at baka forever na akong hindi kibuin. Kinalma ko ang sarili ko para naman makapag-simula na ako ng trabaho ko dahil baka kaya rin sila panay na rin ang tingin sa akin ay dahil wala pa akong nagagawa na trabaho ko.
“ Kaya mo ito Inas!” Bulong ko sa sarili ko. Sabay bungkal na rin sa mga papeles na need kong isaayos sa database. Naging payapa naman ang pagsisimula ko ng trabaho ko hanggang sa may kumatok sa pintuan. Syempre dahil nasa dulo ako ay wala akong kiber sa pinto. Dahil may mga mas malapit na naman doon na mga co-employee ko kaya sila na ang bahala sa bisita. Isa pa wala namang laging bisita kami maliban kung may libreng pa lunch o magpadeliver sila ng food nila. Pero ang aga pa mag 10 am pa lang naman. Matapos ang katok sa pintuan ay parang may mga ilang anghel ang dumaan sa amin, dahil kahit ang pagtunog ng keyboard at mismong computer ay nawala kaya napatunghay ako. Lahat ng mga kasama ko ay nakatayo na at ako na lang ang nakaupo kaya naman tumayo na rin ako para makita kung sino o ano ang tinatanglaan nila doon. Laking gulat ko ng makita ko kung sino ang nasa loob ng opisina namin. At shít nginitian pa ako ng sobra tamis. May ano ba sa araw na ito at nagkalat ang mga gwapo?
“ Good morning, Filipinas! May coffee at flowers akong dala for you!” Maling mali ang naging bungad ng lalaki sa akin, dahil ako dapat ang bumabati o kaming lahat dapat ang bumabati sa kanya. At flowers? Nang matitigan ko ang flowers ay katulad ito ng mga flowers na sabi ni Ma’am Jho ay bigay sa kanya ng secret admirer niya. Teka siya ba ang secret admirer ni Ma’am Jho? Pero sabi may dalang coffee at flowers pero hindi naman sinabing para sa akin. Binati lang naman ako ng good morning—teka pero parang may for you siyang sinabi sa dulo. Napatingin ako sa lalaki na humahakbang na palapit sa akin. Adones na adones ang lalaking ito! Richard Gomez ito ng Munisipyo namin e!
“ Shít! Lord, naman alam ko na maganda ako pero bakit naman po now lang kayo nagpaulan ng lalaki ubod ng gwapo para sa akin?! Kanina si Teo, ngayon naman another uhm Papa ito! Don't get me wrong Lord, hindi kita kinukwestyon pero bet ko na yung kanina. Kaya naman bakit may paganap din ang ultimate crush ng bayan?! Literal na crush ng bayan itong papalapit sa akin Lord, ayaw kong maging playgirl sa edad na 38 years and 364 days old!” Bulong ko sa sarili ko para aliwin na lang ang sarili ko, pero ang totoo natetense na ako ng sobra-sobra, hindi dahil sa palapit na lalaki na ubod din ng gwapo at macho—kundi sa mga nakakamatay na tingin ng mga babaeng kasamahan ko sa departamento na ito. Lord may pa almusal ka kanina ngayon may pa-brunch ka naman.
“ For you Inas! Siguro alam mo na ngayon na ako ang nagpapadala ng coffee and flowers sayo everyday! Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na lumapit kasi—I admit na, na trigger ako kanina ng makita ko mismo na, someone older that us was carrying you!” Natinag ako ng magsalita ang lalaki sa harapan ko. Kakaisip ko ng kung anu-ano ay hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na pala ito. Pero parang nainis ako sa sinabi niyang someone older than us was carrying me. Haler! Halos kasing tikas lang niya si Teo! Kahit mahinahon naman at walang panghuhusga sa sinabi niya ay parang nairita ako, basta tungkol sa edad ni Teo ang kinu-kwestyon ng kahit sinong tao na buburyong ako.
“ Inas, can I court you?!” Parang na bingi ako hindi dahil sa sinabi ng lalaki kundi sa singhapan at kalabugan ng mga nahulog na bagay na for sure hawak ng mga malalaking inggetera na mga kasama ko. Well, nagulat sila sa pag-amin ni Vice Mayor sa akin, e ano pa ako? Syempre mas lalo naman akong gulat na gulat! Manliligaw daw siya s akin. Papayag ba ako?
“ Aba! Inas baka naman hiyain mo pa si Vice! Wag ka ng choosy dahil patuyot ka na—!” Naputol ang sasabihin ni Ma’am Anna ng biglang balingan ito ni Vice ng tingin parang naging ibang tao agad si Vice sa paraan ng pagpasada ng tingin kay Ma’am Anna.
“ You're being so rude! No! Unrespectful rather. So totoo pala na ganito niyo kantsawan si Inas! Let me remind you people—I won't tolerate this kind of rudeness! Makakarating kay Mayor ang nangyaring ito! And FYI hindi magiging isyu ang panliligaw ko kay Inas dahil once na kumalat ito at gumawa ng kasiraan kay Inas kayo lang ang babalikan ng sisi, dahil kayo lang ang may alam ng tungkol doon!” Nagulat ako dahil biglang nawala ang ngiti at gaan na dating ni Vice dahil sa narinig niya. Grabe first time na may nagtanggol sa akin laban sa mga kasamahan kong mga feeler.
“ Inas, I won't pressure you to answer me! Just let me prove myself to you that I’m worthy for a chance that I’m asking for! Have a good day, beautiful!” Halos lahat kami napanganga dahil sa bilis ng nangyari, nakita ko na lang na nasa table ko na ang bulaklak at coffee na dala ni Vice Mayor Reynald. Isa ito sa pinaka-gwapong politiko na nakilala ko. Matuwid din ito at laging patas sa lahat. Halos ilang minuto ng wala ang Bise Alkalde pero wala pa rin ni isa sa amin ang umiimik. Mukhang hindi lang ako ang shock kundi ang lahat. Plus yung hiya ni Ma’am Jho sa pagkamkam ng kape at bulaklak na para pala sa akin. Shuta naman siya kasi purkit bata sa akin akalanay siya na lang ang may karapatang ligawan. Hindi ko alam na ang tagal ko na pa lang maganda sa paningin ni Vice. Nakakaloka palang malaman na ang pantasya ng lahat ng mga babae dito sa Munisipyo mapa dalaga at may asawa ay ako ang bet na bet. Winner ka Inas!
“ Back to work!!” Puno ng gigil na hiyaw ni Ma’am Jho, kaya naman lahat kami ay nagulat at pandalasan ng balik sa upuan namin at table. Siguro way niya para alisin ang pagkapahiya. Gaga talaga hindi na lang mag sorry. Akala mo kabawasan sa ganda niya e, wala naman siyang ganda.
“ Narinig niyo naman ang lahat ng sinabi ni Vice, kaya itikom niyo ang mga bibig niyo at tigilan niyo ng pang bubully si Inas! Siya pala ang reyna dito!” Pakiramdam ko labas naman sa ilong ang sinabi na yun ni Ma’am Jho. Talamak na inggetera kasi. Isa pa ay patay na patay kasi ito kay Vice Rey. Edi kanya na! Hindi pa matuloy-tulyan kada kikisayin kapag nasosobrahan sa kilig. Sagot ko na isang linggong pa biscuit.
Naging parang lamay ang buong maghapon ko na trabaho dahil sa nangyari noong umaga. Feeling ko drain na drain ako dahil sa mga negativity na inilalabas ng mga kasama ko. Wala mang nagsasalita pero yung paramdam nila malala pa sa ligawa na mga kaluluwa. Kung pwede ko lang ibahagi ang ganda ko sa kanila ginawa ko na, ang kaso hindi e! Mabuti na lang din at absent si Lucy kung hindi kakatak na naman yun ng bongga, wala pa namang lihim-lihim sa babaeng ‘yun. Nang sumapit na ang alas singko ng hapon, oras na rin ng uwian ay marahan akong nag imis ng mga gamit ko. Nauna na ang mga kasama ko na atat na atat na mga umuwi. Halos tapos ko ng ayusin ang pwesto ko ng makita ko ang bulaklak na bigay ni Vice sa akin. Nagdadalawang isip pa nga ako kung iuuwe ko ba o hindi. Pero later on ay dinampot ko na rin, naiisip ko kasi na ilalagay ko na lang ito sa altar ni na Nanay at Tatay. Marahan ang bawat lakad ko dahil plano ko na sa ibang carinderia na lang kumain baka kasi lasunin ako ng serbidora sa tapat na carinderia. Patirin ko ba naman kasi. Kakaurat kasi siya uunahan pa ako sa moment kay Teo. Kalalabas ko lang ng Munisipyo ng matanaw ko ang pamilyar na kotse ni Vice at Teo.
“ Lord bakit sabay? Ayaw ko mag assume pero bakit sila nandito pa rin ng ganitong oras? Ano nagbibilang ng employees na lalabas sa Munisipyo na ito ang peg?!” Parang nakaka-stress pala ang ganitong sitwasyon. May magagawa ba ako e, isinilang akong maganda— nga lang halos pakwarenta na namukadkad ang ganda at muntik ng mahuli ng tuluyan. Feeling ko nasa isang telenovela ako, marahan akonh lumalakad sa gitna ng daan habang sabay naman na binabaybay ng dalawang masarap na ulam ang daan papunta sa akin. Oh there you are guys, come to Mama! Grabe naman itong si Teo parang umaga pa rin dahil still fresh at nakakagutom siya sa tuwing makikita ko—oh wait, si Vice din parang nagmumura ang bango amoy ko agad kahit ang layo pa. Lord pwede bang sabay ko na silang papakin? Parang kinabahan naman ako ng matitigan ko si Teo na nakatingin sa bulaklak na dala ko. Parang makasalanan ang bulaklak na ito at kung hahayaan kong tangan ko ay madadamay ako sa kasalanan na yun. Ngali-ngali ko tuloy ibato ang bulaklak, ang kaso ng maalala ko na si Vice ang nagbigay ay narito din siya ay napaisip ako. Pihado na masasaktan siya pagtinapon ko kaya naman wala akong magawa kundi ang mapangiwi na lang. Nang makalapit na sila sa akin ay parang na sandwich ako bigla ang lalaki nila grabe. Si Teo kasi ay parang nasa 6’2 ang height at si Vice naman ay 6 flat. Hindi papahuli si Vise sa haba—ng taas. Samantalang ako naman ay 5’2 lang. Pang bebe lang ang height.
“ Inas, Baby!” Sabay na sabi ng dalawa pero wala e, huling huli ni Teo ang kiliti ng kepay ko dahil sa baby na tawag niya sa akin. Lakas ng impact ng baby sa akin.
“ Baby? Tatay mo Inas? I thought wala ka ng parents—!” Naputol ang mga tanong ni Vice ng sumagot agad si Teo.
“ Dude, hindi ka ba pamilyar sa endearment. Well endearment ko yun kay Inas diba Sugar baby ko! Para sa akin baby ko siya!” Halos maihi ako sa tirada ni Teo. Shít na malagkit parang gusto kong magpabuhat sa kanya tutal ay baby daw niya ako. Ang landi ko no! Paki niyo.
“ Endearment?! Boyfriend mo Inas ito?” Tanong na naman ni Vice sa akin, hindi naman ako na inform na usisero pala si Vice sa buhay ng may buhay.
“ Dude! Hindi niya pa ako boyfriend—pero kahit ganun confident ako na sa ating dalawa ako ang makakapag-baby sa kanya!” Sagot na naman ni Teo kay Vice. Ang cool niya kahit may yabang na ang pagkakasabi noon ni Teo ay parang positive pa rin akin. Bet ko talaga ang lalaking ito pero syempre kailangan kong panindigan ang pagiging dalagang pilina para ano pa’t FILIPINAS ang ngalan ko.
“ Let's see then! Mas lagi ko siyang makakasama kaya naman mas nakakalamang ako!” Ganting angas naman nasabi ni Vice kay Teo. Ngayon ko na patunayan na ang ganda ko pala ay pwedeng mag cause ng geyera. Maglalaban pa yata ang dalawang masarap na ito dahil sa ganda ko.
“ Hep! Ano ba? Nandito ako oh! Umuwi na kayo kaya ko ang SARILI ko! Vice hindi na office hours kaya naman wala po akong work na under pa sa inyo. Ikaw naman Teo uwi na pagabi na at ako naman uuwi na rin!” Ewan ko ba! Kasi feeling ko pag may sinamahan ako sa kanila ngayon ay riot ang katumbas. Hindi ko rin alam kung saan ako humugot ng lakas para sitahin at talakan silang dalawa.
“ Inas tara na!” Napabaling kaming tatlo ng marinig na may tumawag sa akin. Si Mario pala. Mas mabuting dito na ako sumama dahil alam ko sa sarili ko na safe ako sa kanya, dahil wala naman akong atraksyon sa lalaking ito tanging kaibigan lang at kakilala. Mabilis naman na humakbang ako palapit sa kung saan nakahinto ang tricycle ni Mario, medyo malayo iyon e.
“ Sino yun?” si Vice ang nagtanong noon kay Teo. Na agad namang sinagot ni Teo ng swabeng swabe.
“ Pang iwang sa ating dalawa! Panabla ba!” Nadinig kong sagot naman ni Teo grabe ang humor ng lalaking ito alam niya kung ano lang si Mario. Kagigil siya! Gigil na masarap!
“ Ingat ka baby ko! Gagawa pa tayo ng baby natin soon!” Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ang sigaw na masuyo ni Teo. Gagawa daw kami ng baby ay parang gusto ko na siyang balikan at ayain ng gumawa ng baby— us in now na! Bukaka agad walang patumpik-tumpik pa! larga na agad.