FILIPINAS
FEELING ko ang haba ng hair ko kanina pang umaga. Diyos ko! May Vice na may Teo pa! Lord wag ka ng magdagdag pa at baka naman masiraan ako ng bait! Ibigay mo na lang sana ang iba sa mga Ate ko. Feeling ko tuloy ay mag iiba na ang talaga ang takbo ng buhay ko lalo't buhay na buhay na nga ng tuluyan ang landi na matagal ng nahihimlay sa katauhan ko sa mahabang panahon. Nang umarangkada na ang tricycle ni Mario ay sumilip ako ng konti sa gawi ng mga ulam, este dalawang tao na lalaking masasarap na iniwan ko at laking gulat ko ng kindatan ako ni Teo.
“ Shít!” Napamura ako ng mahina sabay ng mabilis na pagkipot ko ng maige ng ang dalawang hita ko. Hindi lang puso ko ang kayang patibukin ni Teo pati pala ang kepay ko nag-vibrate na din. Nang mabaling ang paningin ko sa harapan ng tinatahak namin na daan ay naaalala ko na kakain muna ako sa carinderia sa may kanto ng barangay namin para pagdating ko sa bahay ay matutulog na lang ako. Ayaw kong umasa sa mga Ate ko. Masasaktan lang ako!
“ Ah! Mario, sa may carinderia lang ako ah! Kakain kasi ako doon ng hapunan!” Medyo malakas na sabi ko sa lalaki na tumingin naman sa akin na para bang may alam pero ayaw lang magsabi. Pero baka iniisip ko lang yun. Dahil napaka-impossible naman kasi na malayan niya ang naganap sa amin ng mga Ate ko dahil private na tao ang mga Ate ko.
“ Sige Inas, doon kita ibababa! Inas alam ko na hindi mo ako gusto, pero pwede mo naman akong ituring na kaibigan mo! Alam ko naman kung saan lang ako at kung saan ko lang dapat ilugar ang sarili ko!” Tila ba may kumudlit sa puso ko ng marinig ko ang sinabi na ‘yun ni Mario sa akin. Hindi ko naman maaaring ipilit sa sarili ko na gustuhin ko siya kung wala naman talaga. Pareho lang kaming maglolokohan at masasaktan.
“ Pasensya ka na Mario at Salamat! Tatandaan ko ‘yan!” Tipid na sagot ko na ikinangiti naman ng lalaki sa akin. Mabuting tao si Mario ito ang sigurado ko.
“ Wala kang kasalanan sa akin Inas! Hindi naman maaaring diktahan ang puso natin kung sino ang pipiliin na ibigin—dahil kung pwede ay pumili na rin ako ng iba na alam kong aakma at papasa ang katangian ko. Hangad ko na mahabol mo ang ligaya na noon pa naman dapat mo ng tinatamasa!” Muling sabi naman ni Mario sa akin. Parang nasaktan naman ako, parang masyado naman niyang dina-down ang sarili niya kaya natahimik ako. Hindi naman ako basta na base sa mukha at estado ang gusto ko yung may kislap at undap bigla na raragasa sa akin pagkita ko palang sa taong ‘yun.
“ Inas wag mong isipin na ikaw ang may mali— sadyang hindi lang talaga ako ang lalaki para sayo!” Muling sabi ni Mario ikinatingin ko sa kanya. Mabuti tao at lalaki si Mario sana ay mahanap niya ang tamang babae na para sa kanya sa mga susunod na araw dahil hindi na rin ito bata.
“ Salamat talaga Yoyo!” Ganting sabi ko naman kay Mario, gamit ang palayaw niya noong mga bata pa kami. Mas ngumiti ang huli sa akin, napansin ko na hinto na rin pala ang tricycle niya kaya umakto na akong baba, nakalimutan ko pa nga ang mag iwan ng bayad kaya halos kakababa ko lang ay umarangkada na si Mario sabay kaway sa akin. Nilibre niya ang sakay ko. At least dalawang lalaki na lang ang problema ko. Tinahak ko na ang kainan at pumili na ako ng ulam. Sinigang ang pinili ko. Dahil kailangan ng sabaw para hindi ako maiga at manatiling masabaw ang aking katawan. Mahirap ng dumaan sa pagkatuyo nakakapangit ‘yun. At dahil mga dakilang mosang ang mga taga barangay Jurong-jurong ay panay ang sulyap nila sa akin habang nakain ako. Nababaguhan siguro sila dahil nakain ako sa labas. Ang hirap pala kapag may watcher habang nakain pakiwari ko ay hindi ako nabusog kaya nag-take-out pa ako. Magastos pala ito!
“ Hala! Buntis na siguro iyan! Baka si Mario ang ama nakita mo naman sakay ni Mario at libre pasahe pa!” Parang matic na lumaki ang tainga ko sa narinig ko. Lintik na ‘yan last year pa nga ako na bayo ng sagad ngayon lang na buntis. At pati pagsakay sa tricycle ni Mario issue. Sumakay lang at libre buntis na agad! Mag tsimis sila kung kay Mario ako nakasakay ay nangangabayo.
“ Ay oo nga! Kuh naman nagpaka-tanda-tanda pa ay kay Mario lang pala bubukaka—!” Hindi na ako nakatiis kaya naman hinarap ko silang dalawa na matatanda na walang pinagkatandaan.
“ Lulubog na lang ho ang araw ay buhay pa rin ng iba ang usapan niyo! Pati pagsakay ko sa tricycle ni Mario isyu sa inyo. Nang pumasok ako ng umaga kanian ay narito na kayo hanggang pag-uwi ba naman! Kung mabuntis man ako wag kayong mag-alala at ipapamalita ko pa para mabawasan ang ikukuda ng bibig niyo! Unahin niyo nga ho muna ang buhay at kabuhayan niyo kasya bantayan ang buhay ng iba. Magandang gabi ho sa inyo mauna na ako! Teka wag ho kayong iinom muna o mag toothbrush at baka mapasma ang bibig niyo, kayo rin baka hindi na magamit yan sa tama o simpleng pagkain man lang!” Hindi naman na nakakibo ang mga kutatera ng barangay namin ng masabihan ko. Marespeto akong tao pero kaya ko rin mambastos kung harapan akong binabastos ng kapwa ko. Hindi naman din ito maituturing na kabastusan dahil inaawat ko lang naman ang bibig nilang tamplasan, minsa ay dapat na rin silang masabihan para malaman nilang hindi okay ang ginagawa nila na paggawa ng tsismis sa mga kapwa nila lalot wala silang batayan. Naglakad naman na ako papunta sa way ng bahay namin, medyo masama ang mood ko dahil sa nangyari sa carinderia pero parang mas sumama ang mood ko ng may makita akong karatula na nakapaskil sa gate namin.
Pwede ng umakyat ng ligaw kay Filipinas, nagmamadali na kasi siyang madiligan at mag asawa!
Parang gusto kong magwala dahil sa karatula na nakita ko. Agad na inalis ko iyon at ibinalibag ko sa loob ng bakuran namin. Hindi muna ako tumuloy sa loob ng bahay bagkus at winasak ko na lang muna ang karatula. Sobrang panghi-hiya naman yata itong ginawa nila sa akin. Sobra naman sila! Matanda nga sila pero parang walang pang unawa at pinagkatandaan. Sariling kapatid ko pala gaya din ng iba. Nang makalma ko na ang sarili ko ay pumasok na ako sa aming bahay. Tahimik angbuong bahay namin pero alam kong narito si na Ate ko. Huwag lang nila akong sabayan ngayon at baka makita nila kung sino ba ang kapatid na hiniya nila. Hindi ko akalain na may itotodo pa pala ang mga Ate ko bukod sa pagbabawal na mag nobyo ako. Parang isda lang kung ipaskil ang pagpapaligaw sa akin. Napaka-unreasonable na nila talaga! Nang nasa sala na ako ng bahay namin ay narinig ko si Ate Asia na parang nakikipag-diskusyon kay Ate Eura sa bandang kusina.
“ Ate Eura! Bakit mo naman ginawa ‘yun? Abay, matanda ka sa amin pero hindi naman tamang hiyain si Inas. Sablay ka doon at isa pa tama naman siya—kung tayo ay ayaw ng buhay na may kasamang lalaki at sariling pamilya, abay iba naman ang bunso natin. Wag nga natin siyang idamay sa kung ano tayo ngayon! Ayaw kong mawalan ng mga kapatid kaya inunawa kita pero kung sa pag-unawa ko sayo ay mawawala si Filipinas ay ibang usapan na! Nasa sobra pa nga sa hustong gulang na din ang kapatid natin kaya hayaan na lang natin siya.” Tuloy-tuloy na sabi ni Ate Asia sa panganay naming kapatid na si Ate Eura, ngayon lang pumalag si Ate Asia sa kanya kaya naramdaman ko na sa wakas ay may nakakaunawa pa pala sa akin na isa sa Ate ko. Nauunawaan ang desisyon at gusto ko na mangyari sa buhay ko.
“ Bakit? Sa tingin mo sasaya si Inas? Lahat ng lalaki manloloko! Sasaktan lang nila si Inas at gagamitin. Hindi ba’t pareho tayo ng pinagdaanan!” Mas malakas ang pagkakasabi noon ni Ate Eura kay Ate Asia, kaya alam na alam kong gigil na gigil ns siya at galit na galit na rin.
“ Eura! Iba ang kwento ko sa kwento mo kaya pihadong ibang iba rin ang magiging kwento ni Inas sa atin! Ikaw nagkagusto ka sa lalaking hindi ka gusto o hindi makita ang ganda mo bilang babae at ako—ako ang totoong niloko dahil ikakasal na kami ng mahuli kong nakaibabaw siya sa ibang babae. Magkaiba tayo! Kung tutuusin dapat ako ang super bitter dito pero ikaw pa itong sobrang pait. Lasang lasa ko ang kapaitan mo Eura!” Halos mapigil ko ang paghinga ko dahil sa talas ng mga salitang binitiwan ni Ate Asia. Hindi na nga niya tinawag na Ate si Ate Eura, mukhang huling huli ng Ate namin ang inis ni Ate Asia. Naawa ako sa sinapit nila pero hindi naman kami magkakatulad ng kapalaran.
“ Talaga ba Asia? Baka naman gusto mo na ring tumalandi kaya ganyan ka na at kay Inas na ang kampi mo! Leche kung gusto niyo ng tìtì sumulong kayo! Bahala kayog wasalin at ubusin ng mga deputàng mga lalaking ‘yan!” Hindi ko akalain na ubod kitid ng utak ni Ate Eura. Gulat din ako sa sinabi niya akala niya ba ay tìtì lang ang habol ng babae sa karelasyon. Masyadong mababaw ang pang unawa ni Ate. Nagmamadali naman akong umakyat sa aking kwarto ng makita kong pupunta si Ate Eura sa gawi ko, para na rin hindi kami magpang-abot ni Ate Eura. Baka biglang magwala na ito pag-nakita pa ako. Ang mahalaga naman sa ngayon sa akin ay may nakakaunawa na sa akin na isa sa mga kapatid ko.
SAMANTALA
Natatawa ako na naiinis ng umalis na ang sinasakyan ni Inas na tricycle. Hindi ko na siya susundan dahil higit na tiwala ako kay Mario kaysa sa panget na Vice Mayor na ito. Oo! Panget siya kung itatabi sa akin. Kahit na hindi hamak na mas matanda ako sa kanya ay mas lamang pa rin ako sa kanya sa lahat ng aspeto lalo na pagdating sa s*x appeal at confidences! Kung paano ako titigan ng lalaking ito akala mo’y jokla ito. Hindi pala hinahamak niya ako. Baka akala niya kung bayuhan lang umuwi na siya dahil wala siyang panama sa mga ALLEJO.
“ Dude! Vice Mayor, wag masyadong nakatitig at baka na fall ka sa akin! Nunca na papatulan kita! Pass ako sa espadahan. Ano ba ‘yan? Yang sa’yo ba ano–toothpick, french fries, cheese sticks or pretzel sticks?!” Buska ko sa lalaking kung husgahan ako sa paraan ng pagtingin ay parang menor de edad si Inas kaya kasalanan na dumikit ako sa huli.
“ Napakahusay naman ng HUMOR NIYO DON TEO ALLEJO! But I must say gifted din ako sa kargada!” Sarkastiko na sabi ng lalaki sa akin, pinapamukha niya ba ang edad ko? Well hindi ako masasaktan d’yan.
“ Ano naman sayo ang humor ko? Mag ingat ka tutoy at baka sa humor ko na ito ang mag pamangamote sa’yo! Sure ba na legit ang laki ng sa’yo? Kung 6 inches lang at galit na umuwi ka na at maghanap ng hihirat ng manoy mo! For sure mabibitin ang kukuringgiin mo na kalachuchi!” Ngising sabi ko sa Bise Alkalde sabay talikod at ginda na rin sa dako ng kotse kung saan na kabang na rin sa akin si Gino.
“ Lakas mo pumuntos Teo!” Bulong ko sa sarili ko. Uuwing bugnot ako pero mas durog naman ang batang bise alkalde. Nang tumapat na ako kay Gino ay sinabihan ko na ito ng gagawin.
“ Tara na Gino!” Sabi ko sa driver ko na matagal pang tumitig sa gawi na iniwan ko. Mukhang sinusukat din niya ang bise alkalde.
“ Opo Don Teo, pero ingat kayo sa Vice Mayor na ‘yun parang hindi papatalo sa inyo!” Nagulat ako ng magsalita ng ganun si Gino, pareho pala kami ng napapansin sa Vice Mayor na ito. Mukhang palaban nga ito pero papunta palang siya lagpas tatlumpung beses na paroon at parito na ako.
“ Ako pa ba! Don't worry—iuuwi ko si Inas, hindi rin naman nila ako kilala!” Sagot ko kay Gino na ngayon tulad ko ay nakasakay na sa kotse. Umarangkada naman agad ang sasakyan namin bago ito muling sumagot sa akin.
“ Sa bagay magaling nga po pala kayo sa hokus-pokus!” Sabi nito sabay tawa. Kung alam lang niya hindi lang hokus-pokus ang kaya ko, dahil marami pang iba lalot kaligayahan ko ang nakasaalang-alang. Nanahimik ako buong biyahe para naman makalma ako kasi sa totoo lang gusto ko ng umabagin ang Vice Mayor na ‘yun. Huling huli niya lang naman ang urat ko. Dahil rush hours na ay medyo traffic na talaga kaya naman lagpas isang oras ang nakunsumo namin bago kami dumating sa bahay. Pero agad namang nawala ang inis ko ng makita ko ang mga sasakyan ng mga anak ko nanakaparada— mukhang may mababalingan ako ng yamot ko ngayon.
“ Good evening boys!” Mala demonyong bati ko sa mga anak ko na parang biglang tinakasan ng kulay ang mga mukha. Mukhang alam nila na may naiisip akong kalokohan laban sa kanila. Mahal ko sila pero damay-damay na. Ang turo ko sa kanila noon pa ay— Sakit ng kalingkingan damay ang buong katawan. Kaya kailangan nila akong damayan kung gusto nilang hindi mawalan ng mga asawa.