Kinabukasan, pagdilat ko, nakahiga na ako sa sofa kung saan wala na si Rozen. Napabalikwas ako at nakaramdam ng inis dahil hindi man lang niya ako hinihintay na magising. "Bwisit! Hinintay sana ako para matignan ko kung may lagnat pa ba siya!" inis na bulong ko sa sarili at padabog na umalis sa sofa at tinupi ang makapal na kumot. Tumungo ako ng kusina at napahinto sandali nang makita kong may nakahain sa lamesa. Lugaw? Siya ang nagluto? Dali-dali akong nagtungo ro'n at nakitang may note. Lumukot lalo ang noo ko. Ako pa talaga ang inaalala niya? Na kumain? Eh siya? Ni walang bakas na kumain siya, kainis! Bahala siya! Siya naman ang umalis! Hindi ko siya pinaalis! Itatapon ko na sana 'yon sa sink sa sobrang inis nang maalala ko ang itsura niya kagabi kaya pikit-mata kong binawi at kinai

