Naririnig ko ang sariling paghinga, mabilis, mabigat, parang hinahabol ng kung anong hindi ko maipaliwanag. Nanginginig pa rin ang kamay ko habang mahigpit na nakahawak sa cellphone. Hanggang ngayon paulit-ulit na bumabalik sa akin ang sinabi ng ama ni Rozen. "Stop contacting my son—" Napapikit ako dahil pakiramdam ko biglang nandilim ang paligid. Hindi ko alam kung galit ba ang mararamdaman ko o takot na baka hindi ko na siya makita. Pero isa lang ang malinaw, hindi ganun kadali ang sitwasyon ni Rozen sa Maynila. Napatitig ako sa cellphone. Kung hindi ko sana pinakinggan, baka mas kalmado pa ako ngayon. Pero kung hindi siya tumawag, hindi ko rin malalaman ang sitwasyon niya. At ngayon, hindi na ako makahinga ng maayos sa takot na baka sinasaktan siya ng mga tao roon. "Thisa?" Nat

