Mabigat pa ang talukap ng mga mata ko nang maramdaman kong gumagalaw si Rozen sa tabi ko. Hindi sana ako babangon dahil sa init ng pagkakayakap niya pero naamoy ko 'yong kape. Nang maramdaman kong lumabas siya, doon pa lang ako nagmulat ng mata. Makapagkape na nga. “Morning, baby,” bati niya nang makita akong nakasilip. Napapikit ako saglit, sabay ngiti. “Good morning… smells like coffee.” Tumango siya, sabay senyas na lumabas ako. “Yes, and I made breakfast. Come here, you’ll love it.” Lumabas ako ng tent, naka-overlarge t-shirt lang na kanya at hinayaan ang magulo kong buhok. Naka-set up na sa labas ang maliit na mesa na gawa lang sa kahoy at bato, may thermos ng kape, tinapay, prutas, at mga itlog na mukhang pinirito niya sa maliit na portable stove. Bumungisngis ako. “Wow, chef R

