Mahigit isang linggo na mula nang magsimula si Thisa bilang janitress, pero para bang ang dami nang nangyari sa kanya. Araw-araw, parang may hinahabol siya, oras, trabaho, at minsan pati sarili niyang hininga. Hindi madali ang trabaho, pero kinakaya niya. Isang umaga, habang naglilinis siya ng corridor, narinig niya ang ilang empleyado na nag-uusap-usap. “Uy, sa Friday na ‘yung anniversary party ng kumpanya. Required daw lahat pumunta.” “Ang bongga siguro ng party 'no?” “Syempre, anniversary, eh. Tiyak nandoon din si Miss Coreen.” Natigilan si Thisa. Anniversary party? Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o mai-stress. Required daw lahat, ibig sabihin pati siya. Pero paano? Wala naman siyang damit na maayos. Wala siyang matinong bagay na bagay sa ganoong klaseng event. Ang meron lang

