Bitbit ko ang bayong na puno ng isda at gulay, mabigat pero mas mabigat pa rin ang loob ko mula sa nangyari kanina. Ayokong lumingon. Ayokong makita siya. Pero sa bawat hakbang ko sa makipot na daan palabas ng palengke, naririnig ko ang yabag niya mula sa likuran ko. Huminga ako ng malalim, pinipilit pakalmahin ang sarili ko. "Thisa," mahinang tawag niya animo'y sinusuyo ako. "Please, Thisa, kausapin mo 'ko. Pag-usapan natin kung anong ikinagagalit mo. I told you I wasn't playing nor your feelings. I helped you because I want to." Ayan na naman siya. Hindi pa nadala sa ginawa ko kanina at sinundan pa ako. Gusto pa yata niya ng part two, hindi na timba kundi isang banyera ng tubig. Pasalamat siya hindi maruming tubig ang sinaboy ko sa kanya. "Thisa, wait! Saglit lang!" Binilisan ko an

