Chapter 16

895 Words
Thunder's POV. Pakiramdam ko ay biglang nawala ang sakit ng ulo ko na dulot ng hangover. Ang tanging nananaig na lang sakin ay ang galit ko kay Hailey. I trusted her and even thought na maaari syang maging kapalit ni Akira bilang ina ni Celestine nung inakala kong patay na to. I never knew she planned it all. She's a monster hiding behind that innocent face. Ring ng ring ang cellphone ko at si Sanya ang tumatawag dun. Mabilis kong narating ang hotel kung saan ako tumutuloy at ang traydor na babaeng yun. Umakyat ako sa floor kung saan kami nag i stay. Mabilis na tinahak ng paa ko ang kwarto nya at walang sabi sabing binuksan yun. Wala sya sala kaya mabilis akong naglakad papasok sa kwarto nya. Dahan-dahan ang ginawa kong pagpasok dahil narinig kong may kausap sya. "You guys are so useless! Bakit ba hindi nyo malapitan yang si Akira, ganun ba katindi ang pagbabantay ni Dmitri?! Dapat kasi namatay na yan noon pa!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa sobrang galit. Totoo nga! Sya nga ang may pakana ng lahat! Pabalibag kong binuksan ang pintuan nya kaya gulat syang napatingin sakin at ibinaba ang cellphone nya. "B-babe? A-anong problema? K-kanina ka pa dyan?" halata ang takot at kaba sa boses nya pero wala akong pakielam! "How dare you!" sabi ko at sinugod sya papalapit. Sinakal ko sya at dinikit sa pader. "You planned it all! Sinira mo ang pamilyang meron ako!" "T-thunder wag please!" sabi nya na nagmamakaawa. Marahas ko syang binitawan. "I trusted you! Buong akala ko napakabuti mong tao pero ikaw pala ang may pakana ng lahat ng to! Why?!" galit kong tanong sa kanya. "Because I love you!" sigaw nya sakin. I faked a laugh. "You're crazy! Hindi mo ko mahal! You tried to kill the woman I love!" galit kong sabi. "You killed the man I love!" sigaw nya pabalik. "So si Maxwell? Kaya mo ginagawa lahat ng to ng dahil kay Maxwell?" I wanted to punch her. "Yes and no. You killed him, dapat lang na mapunta ka sakin dahil ikaw ang kapalit ni Maxwell sa buhay ko. Akin ka lang Thunder, naiintindihan mo ba?" sabi nya at hinawakan pa ko sa mukha pero mabilis kong tinabig ang kamay nya. Tumawa sya. She's crazy. "Tigilan mo na ko, tigilan mo na ang asawa ko! Tigilan mo ang pamilya ko dahil kung hindi mapapatay na talaga kita!" galit kong sabi. "Asawa mong hindi ka maaalala at ipinagpapalit ka sa iba? Bakit ba pinipilit mo ang sarili mo sa kanya, sumama ka sakin Thunder at lulubayan ko na si Akira" sabi nya. "Damn you woman!" susugurin ko na sana sya kaso may mga nagpasukang lalaki at inilayo ako sa kanya. "Mag isip ka na Thunder, we can be a happy family. Iwanan mo na si Akira dahil hindi ka naman nya pipiliin kahit kelan" mapang uyam nyang sabi sakin. "Bitawan nyo ko!" sigaw ko sa mga taong may hawak sakin. Sinenyasan ni Hailey ang mga tauhan nyang bitawan ako. "Kahit kelan hindi kita pipiliin dahil pinatay mo ang anak ko!" sigaw ko sa kanya. "You knew? Sinabi ba ni Akira sayo?" "No, nakakaalala na si Luna. Salamat sa mga taong pinapunta mo para patayin sya dahil don bumalik ang memorya nya. She told me about the private jet that you bombed na pumatay sa anak ko. Walang hiya ka!" sigaw ko. "Thunder look, inalis ko lang yung batang yun dahil magiging hadlang sya satin, sa masayang pamilya na meron tayo" sabi nya. "Pamilya? Wala tayong pamilya! Wag kang mag ilusyon na pagma may ari mo kami ni Celestine. You will never be my wife because you will never ever replace Akira in my life dahil sya lang ang mahal ko at patuloy kong mamahalin!" "No! Mahal mo ko kaya nga girlfriend mo ko diba? Thunder I can do better than her, I am more powerful, Maxwell left me the underground organization- "I will make sure to destroy that organization of yours with you. I don't need a traitor like you" mariin kong sabi "I can make you the most powerful and richest man in the world. With me as your wife, nothing is impossible" nagtatangka syang lumapit sakin pero umiiwas ako. "No thanks. Akira, my wife is more than enough. Only her can fulfill my very own existence in this world. Not you, nor your money and power can do that kaya pabayaan mo na kami Hailey" "I can't do that, I love you Thunder. I need you please don't leave me for her" lumuhod sya sa harapan ko. "I should have known what kind of person you are from the beginning. Hindi naman mangyayari ang lahat ng ito if you are just thinking straight!" "Ganun? Ayaw mo?" tumayo na sya. "Then be prepared to see your wife in a coffin and I'll make it sure na sya na talaga ang laman nun" sabi nya. Susugurin ko sana sya kaso humarang na ang mga tauhan nya. "Wag na wag mong sasaktan si Akira, sinasabi ko sayo. Mapapatay talaga kita" sigaw ko. "You can't do anything Thunder. Kahit naman anong mangyari hindi mapapasayo si Akira kahit pa buhayin ko to believe me, I am just making it easier for you. Dapat mamatay ang babaeng yun para hindi ka na nya masaktan pa" sabi nya at humalakhak. "Sakin ka din babagsak mahal kong Thunder" "Never!" I shouted habang hinahatak ako palabas ng mga tauhan nya. "See you at her funeral then" tumatawa nitong sabi. I won't let her hurt Akira. I will do everything to protect her this time. Ano man ang kapalit. I'll definitely save my wife.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD