Thunder's POV.
"I can't get a hold on Akira, pati yata ako iniiwasan nya na simula nung maging okay kami ni Cloud" sabi ni Luna.
Napahilamos ako sa mukha ko.
I am so damn frustrated.
"Fck hindi pa nakikisama tong si Dmitri!" galit kong sabi dahil dine decline ng lalaking yun ang tawag ko.
"Of course hindi sya sasagot, malaking threat ka sa kanya at alam nya yun" Josh.
"Hindi ko maintindihan yang si Aki, sabi nya nakakaaalala sya pero hindi naman daw bumalik ang feelings nya kay Thunder. I don't believe her, ako ang bestfriend nya. Alam ko kung gano ka nya kagusto. Hindi pa sya nakakaalala kaya she's pushing you away dahil nakokonsensya sya kay Dmitri" sabi ni Sanya.
"Or maybe mahal nya na talaga yung lalaking yun. Sorry to say that bro" sabi ni Cloud.
Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. Pakiramdam ko ay may pumigil sa paghinga ko.
Tama si Cloud, napakalaki ng posibilidad na mahalin ni Akira si Dmitri dahil hindi nya naman naaalala kung anong meron kami at kung maaalala nya man, makakaya pa kayang tumbasan ng pagmamahal nya ang pagmamahal na meron sya sa lalaking yun.
It pained my heart.
Ayokong mawala sakin si Akira
All those years na wala sya sa tabi ko, pakiramdam ko mababaliw ako at sobra ang naging saya ko nung malaman kong buhay sya.
Pero pano nga kaya kung mahal na nya si Dmitri?
Can I let her go?
Can I accept her decision?
Hindi ko alam. Natatakot ako sa maaaring mangyari.
Since childhood ay tinatago ko ang pagkagusto ko sa kanya. I kept pushing her away and even hurted her countless of times.
Ito na ba ang kabayaran sa mga kagaguhan ko noon?
How about our daughter?
Anong sasabihin ko kapag nalaman nyang buhay nga ang mommy nya pero hindi na babalik sa kanya?
I shook my head with these terrible thoughts.
Sht! Stop thinking nonsense things Thunder.
Mahal ka ni Akira. Pipiliin ka nya.
"Ikaw kasi Cloud, natulala tuloy si Thunder" sabi ni Sanya.
"Wag mo masyadong dibdibin pre" sabi ni Josh. "Naiintindihan ko naman yung sakripisyo mo sa kanya, yung pakikinig pa lang sa pagkanta ni Akira, grabe ang hirap nun bro! I'm so proud of you"
Napangiti ako. Pinapalakas nila ang loob ko kahit papano.
"Tama kapag narinig ni Dmitri na kumanta si Akira, hihiwalayan nya yun" dagdag ni Cloud.
"Mga siraulo kahit anong sabihin nyo, for me my wife has the most amazing voice in the world" sabi ko. "Aside from that we all know how perfect Akira is as my wife, as your friend, and as a mother to Celestine" dagdag ko.
"I can't help but agree, kahit gullible yung babaeng yun. Napakabait nyang tao. God! I missed my bestfriend already!" sabi ni Sanya.
"Naku Thunder, sige na umisip ka na ng paraan no atsaka diba may kasabihan the heart remembers what the mind forgets. Ngayon ka pa ba susuko? Ako nga kahit di ko pa naaalala si Cloud, alam ko agad sa sarili ko na mahal ko sya" sabi ni Luna.
"Aww ang sweet mo wife, pakiss nga" sabi ni Cloud pero hinarang ni Luna ang kamay nya sa mga labi nito.
"Manahimik ka Hermosa! Nakita mong broken hearted pa ang kuya mo, baka ma inggit hahaha" sagot ni Luna. Napakamot naman si Cloud sa batok nya.
"Pano ako makakapag isip ang iingay nyo kaya" sabi ko pero tinawanan lang nila ako.
Nahinto ang tawanan ng mag beep ang cellphone ni Luna na nasa center table. Agad nya yung kinuha at tila may binasa.
"Thunder, pano ba yan, your prayer has been answered" sabi nito.
Kumunot ang noo ko.
"What do you mean?"
"I received a text from Teria. Sabi ni Teria ayon sa planner ni Aki na lihim nyang sinilip. Pupunta daw to sa favorite restaurant nya at 8pm. Na confirm nya na din sa restaurant na may reservation under Akira's name. You can finally talk to her" sabi ni Luna.
"Yun! May silbi pala yang masungit nyong PA ni Akira" sabi ni Sanya.
"Mabait naman si Teria haha" Luna said.
Alas dos palang ng hapon pero palakad lakad ako sa kwarto ko. Kating kati na kong mag alas otso. I'm dying to see my wife.
At yung mga oras na wala sya sa tabi ko ay kinakabahan ako. Dapat talaga pinatay ko na si Hailey. Natatakot ako na baka gumagawa na sya ng hakbang ngayon kung pano sasaktan si Akira.
Nakita kong nag beep ang cellphone ko. May text.
Meet me at the restaurant across your hotel at 3pm
What does he want?
.
Pumasok ako sa loob ng restaurant at iginiya naman ako ng isa sa mga waitress sa pribadong silid kung saan kami magkikita.
Pagpasok ko ay tumayo agad sya.
"What do you want to talk about Dmitri?" tanong ko habang umuupo.
Dmitri texted me na gusto daw nyang makipagkita.
"Ayaw mo ba munang kumain Thunder?" tanong nya at uminom ng red wine.
"No thanks. We're not friends to eat and have a friendly chitchat. May I remind you that you are stealing my wife, so don't go around beating the bush and just go straight to the point" sabi ko. Hindi kami nagbababa ng tingin sa isa't isa.
Huminga sya ng malalim at may dinukot sa loob ng suit nya.
Mula doon ay inilapag nya ang isang velvet box at binuksan yun.
A diamond ring.
I clenched my jaw.
"You must be fcking kidding me" turan ko. Nagpipigil ako ng galit dahil ayokong gumawa ng gulo.
"I am proposing to Akira today" sabi nya.
"You can't do that! Kasal kami! Asawa ko sya!" sigaw ko.
"Asawa mo sya sa pilipinas, asawa mo sya nung panahong hindi pa sya nagkaka amnesia pero she's Akira Ferrero here, my girlfriend and soon to be wife" sabi nya.
Hindi na ko nakapagpigil at tumayo para kuwelyuhan sya.
"Wala lang syang maalala, don't take advantage of the situation. Alam mo na once na bumalik ang memorya nya kami ng anak nya ang una nyang hahanapin at babalikan" I greeted my teeth dahil nanggigigil ako.
"How can you be so sure na kapag bumalik ang alaala nya ay ikaw pa rin ang mahal nya, wag kang magpakamanhid Thunder. We both know how much Akira loves me right now" sabi nya marahas nyang ibinitaw ang kamay ko sa kwelyo nya.
Inayos nya yun at masama ko pa rin syang tinitingnan.
"Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa kokote ko at naisip ko pang magpaalam sayo. Siguro for formalities na din. Nahihirapan si Akira sa sitwasyon dahil may anak kayo. Sana naman sa oras na ikasal kami ay wag mo syang alisan ng karapatan sa anak nyo" sabi nya.
"Hindi ka nya pipiliin! Naiintindihan mo ba?!"
"Let's see that. Tanggapin mo sana ang magiging desisyon ni Akira. Let us be happy Thunder. Let the woman I love go" sabi nya bago ako tinalikuran.
Woman he loves?
Ako ang unang nagmahal sa babaeng yun at ako rin ang unang lalaking minahal nya.
I can't just let her go
At isa pa hindi pa naman pumipili si Akira. I just need to convince her.
Bago pa lang mag alas otso ay nasa harap na ko ng restaurant na pupuntahan ni Akira.
Mabilis akong bumaba ng sasakyan ng makita kong bumaba na sa sasakyan nya si Akira at papasok na sa restaurant. Mabilis kong tinungo ang kinaroroonan nya.
"Thunder" gulat nyang pagtawag sakin ng makita nya ko.
"Aki, I missed you" yun agad ang unang lumabas na salita sa bibig ko.
Nag iwas sya ng tingin sakin.
"Let's talk Akira please" sabi nya.
"Wala na tayong dapat pang pag usapan Thunder" sabi nya.
"No love! Makinig ka. You might have forgotten all our memories pero naniniwala akong hindi pa rin ako nabubura dyan sa puso mo, na ako pa rin ang laman nyan. Just please listen to me" sabi ko.
Humarap sakin si Thunder.
"Go Thunder! Nasabi na sakin ni Luna. Yung baliw mong girlfriend na si Hailey ang may pakana ng lahat. She-she killed Damon! At ngayon hindi pa rin sya tumitigil sa panggugulo sakin. Stay away from me dahil hindi ka ligtas sakin"
"Bakit ka ba ganyan? Akala ko ba okay na tayo?" tanong ko. Ang bigat ng pakiramdam ko.
"Nakausap ko si Hailey, napaniwala nya kong buntis sya at magkakaanak kayo. Umalis ako sa poder mo and I realized na hindi naman pala pagmamahal ang nararamdaman ko sayo. Tumigil ka na Thunder, mas okay kung mawawalan tayo ng connection. Magiging ligtas kayo ni Celestine kapag hindi nyo ko kasama" sabi nya.
"It doesn't matter kung ligtas o hindi. Ang mahalaga kasama kita. Don't you understand how much I love you. Aki-
Magsasalita pa sana ako ng makita ko ang pulang laser na nakatutok sa upper chest ni Akira.
Pupuntahan ko na sana sya kaso napakabilis ng pangyayari.
A gunshot was fired
May nauna. May naunang sumalo ng bala.
"Dmitri!" sigaw ni Akira. Bumagsak sa kanya ang katawan ni Dmitri. Nagsimula ng umiyak si Akira.
Nakarinig pa ko ng ilang putukan sa hindi kalayuan pero naka focus lang ang atensyon ko sa duguang katawan ni Dmitri at sa humahagulgol na si Akira.
"Dmitri, ano ka ba? Bakit mo ginawa yun?" iyak ng iyak si Akira.
At nung hinawakan ni Akira ang mukha ni Dmitri ay syang tuluyang sumira sa pag asa kong maibalik pa ang asawa ko.
There in her hand. At her left hand. In her ring finger. The diamond ring that Dmitri brought to ask for my permission today.
Daig ko pa yung nabaril.
She accepted his proposal.
Si Dmitri ang pinili nya.
Si Dmitri din ang nagligtas sa kanya.
He's the new leading man in Akira's life.
Hindi na ko.
Hindi na isang Thunder Rein Montenegro ang makakasama nya sa happily ever after nya