Chapter 18

1345 Words
Thunder's POV. "Thunder, tulungan mo kong makalaya dito. Pupuntahan ako ni Maxwell dito at isasama nya ko. Hindi pwede yun dahil ikakasal na tayo diba?" Napailing ako. She totally lost it. "Hailey, this would be my last visit to you" sabi ko. "Hindi! Sasama ako sayo, makakatakas ako dito. Marami akong tauhan" sabi nya at luminga linga sa paligid nya. "Narinig mo ba yun? Tinatawag ako ni Maxwell!" "Wala ka ng mga tauhan Hailey. Naubos na silang lahat" tumayo ako. "I wish you well" "Thunder, don't leave me" sabi nya na akmang tatayo pero napaupo ulit dahil naka handcuffs sya. "Thunder! Bumalik ka!" Sigaw ng sigaw si Hailey habang papalabas ako ng kwarto kung saan ko sya binisita. Nasa mental hospital sya. Nabaliw na sya ng tuluyan. After nung insidenteng sinalo ni Dmitri ang bala para kay Akira. Ni raid ng mga tauhan namin ni Cloud ang underground organization ni Hailey. Nung mahuli sya ay tuluyan na syang nawala sa sarili. Hindi nya matanggap na wala na syang mga galamay at hindi nya tuluyang napatay si Akira. Sumakay ako ng kotse ko at tinungo ang lugar na itinuro ni Luna sakin. Mabilis lang akong nakarating doon. I'm here at the cemetery. Where Damon's grave is. Nilapag ko ang dala kong bulaklak sa puntod nya. Damon Blizzard Ferrero I sat down in front of his grave. Bumigat ang pakiramdam ko at para akong maiiyak. Ganito pala yung feeling na kahit hindi mo na meet yung anak mo, masakit sa pakiramdam na nawala sya. "Hi" I almost squeaked dahil pinipigil ko ang maluha. "I'm Thunder. Sa tingin ko gaya ng mommy mo ay wala din akong alaala sayo. Ako nga pala ang daddy mo" I just felt a tear rolled down to my cheek. "Alam mo sa tingin ko napaka gwapo mong bata, kasi maganda yung ate mo si Celestine. Sa tingin ko sobrang matutuwa yun pag nalaman na may kapatid sya pero her heart will be torn just like mine kapag nalaman nyang wala ka na. Sorry baby, sorry I wasn't able to protect you" pinunasan ko ang mga luhang tuloy tuloy lang sa pagbagsak. Hindi ko maramdaman na pagiging bakla ang pag iyak ko dahil all I can think is the pain and grief I am feeling right now. I felt useless and irresponsible lalo na ngayong kaharap ko ang puntod ng pangalawa naming anak ni Akira. I didn't even get to meet him. Late afternoon na ko umalis sa sementeryo. May mga ilang dumadaan at akala nila ay baliw na ko. Nag ring ang cellphone ko at sinagot ko iyon. It's my talkative brother. "Bro, nandito na yung jet. Ikaw na lang ang hinihintay" sabi sakin ni Cloud. "I own that so wait for me" sabi ko. "Napakadaya mo talaga! Saan ka ba pupunta? Wag mong sabihing-" "Yes" sagot ko. "Are you serious- "Thunder" hindi na ko nagulat nung inagaw ni Luna ang cellphone at sya na ang kumakausap sakin. "Hello my more talkatative sister in law" bored kong sagot. "Manahimik ka nga at wag ka ng mag joke. Hindi bagay sayo" she said. She cleared her throat. "Pupuntahan mo ba si Akira?" "Yes" I answered as I am removing my clothes maliligo muna ako. "Pero ayaw nya na diba? Ikakasal na sila ngayon ni Dmitri. Don't make it more harder for you" she said. "Tsk Luna. I just want to see her" I said "For one last time. Gusto ko din na matahimik sya at maging masaya na sya kay Dmitri" "Seryoso ka ba dyan?" "I don't want to burden her, ayokong ma guilty sya habang buhay. I love Akira and if Dmitri will make her happy. I'm more than willing to let her go" my voice almost cracked. Ang bigat sa pakiramdam. "Kahit masakit?" "Even if it's painful. I'm no longer her prince charming but she'll always be the heroine of this story and I might as well support her to her happily ever after kahit hindi ako ang makakasama nya doon" sabi ko. "Thunder- "You know what, I'll hang up. Imbis na nakapaligo na ako at nagawa na ang gagawin ko para makarating ako agad dyan, pinapatagal mo ko" sabi ko. I heard her chuckled. "Bye" I said as I ended the call. I was under the shower when the memories came flashing to my mind. The young Akira, the young me. Our wedding. All the happy, sad, and painful memories. I cried. Nakaligtas sa tama ng bala si Dmitri. I won't pretend that I didn't wish na sana hindi na sya gumising. Pero hindi,  He woke up and today is their wedding day. Ngayon na din ang pagbalik namin sa pilipinas. I don't know how to face Celestine or Akira's parents. Pero alam ko, klaro sakin. Mahal ni Akira si Dmitri And I don't wanna be the hindrance to her happy ending. I always wished na sana isang bangungot lang to at pag gising ko, Ang nakangiting mukha ni Akira ang sasalubong sakin. But this is reality. Reality took away my happiness. "Akira, why do you look so down today?" narinig kong tanong ng make up artist ni Akira. Kumatok ako sa pinto. Lahat sila napatingin sakin even Akira na kasalukuyang mini make-up an. She's wearing a robe. Thank god hindi pa sya naka wedding gown dahil pakiramdam ko ay baka maiyak na agad ako. "Hi Aki, can we talk?" tanong ko. Nag iwas sya ng tingin at tila naiilang. "Sandali lang before I go back to the Philippines" dagdag ko. She looked at me. "Uuwi ka na?" "Is there a reason to stay?" tanong ko. Hindi sya sumagot pero bumaling sya sa mga nag aayos sa kanya na nasa kwarto. "Leave us for a moment, mag uusap lang kami" sabi ni Akira. Nagsitayuan na yung mga staff nya. "Okay Akira, bilisan mo lang. Nandyan na daw yung chopper na maghahatid sayo sa simbahan" sabi nung make up artist. Akira nod at her and smile. Nung kami na lang dalawa ay nabalot ng katahimikan ang kwarto. I felt so weak and the sight of her is totally breaking me. Tumikhim sya and plastered a smile at me. "Thunder, anong ipinunta mo dito?" tanong nya. Tumingin ako sa kanya. "I should say na kaya nandito ako is para pigilan ang kasal nyo" sabi ko, mukhang nagulat sya. I faked a laugh. "I'm just kidding" lumapit ako sa kanya. I held her hand at hinatak sya papalapit sakin. Her body stiffened. I hugged her tightly at ibinaon ko ang mukha ko sa balikat nya. I can't help it. Tears started to pour down from my eyes. "T-thunder" tawag nya sakin. Pinipilit nya kong ihirap pero nagmatigas ako. I don't want her to see me like this. Pinunasan ko ang luha ko at hinarap na sya. I smiled at her. "I'm here today to officially let you go" sabi ko. Shocked is written on her face. Binuksan ko ang kamay nya at inilagay sa palad nya ang wedding ring namin. "A-ano to?" tanong nya. "Our wedding ring" sagot ko. "Bahala ka na sa gagawin mo dyan. Keep it, ibigay mo sa iba or itapon mo. I just want to have it" Her eyes started to water. "Oh wag kang iiyak. It's your special day today. Dapat masaya ka na kasi I am giving you my blessings" sabi ko. Inayos ko ang buhok nya. "You really are beautiful" I kissed her forehead. Hindi ko alam kung ilang segundo nakadikit ang labi ko sa mga noo nya pero bumitaw ako dahil kapag pinatagal ko pa, baka hindi ko na sya kaya pang bitawan. Pagbitaw ko nakita kong iyak na ng iyak si Akira. I held her hand pataas hanggang sa labi ko. I kissed it. "My final goodbye to my very beautiful and unique wife, Akira Sapphire Montenegro" habang sinasabi ko yun, it is tearing me. I smiled one last time bago ako tumalikod. Narinig ko ang pag iyak nya pero pinili kong wag ng bumalik. She's guilty pero she deserves to be happy. I hurted her before and this is my karma. Karma that I'll forever bear. Because there will be only one girl that I loved, I will love and will still love until my very last breath and that's Akira. Nakatayo ako sa malayo pero tanaw na tanaw ko ang simbahan mula rito. Ang simbahan kung saan ngayon ay naglalakad ang pinakakamahal ko. Nung tumunog ang kampana ay tumalikod na ko. Wala na.  Tapos na ang lahat. Pwede nyo kong sisihin kasi hindi ko sya pinaglaban hanggang huli pero How can you fight when you know that you'll lose in the beginning and it will not benefit the one that you love. I lost but I will never forget her Although I am The Forgotten One
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD