KATAUHAN

1065 Words
Hyun-ri POV "saan mo ginamit ang itim na mahika?" tanong ko sa babaylan. Nasa loob kami ng isang pribadong silid na kahit sinong tao ay hindi makakapasok. Tahimik lang siya at mukhang takot. "walang mangyayaring masama sa iyo kung, sasabihin mo sa akin kung saan mo ginamit ang itim na mahika." "may lumapit sa aking isang ginoo at binayaran ako upang gamitin ang itim na mahika sa pagpaslang kay, Ginoong Moo." nanginginig na sabi ng babaylan. Natigilan ako sa kanyang huling tinuran. Pagpaslang kay, Ginoong Moo? Kung gayon hindi ang mensaherang kawal ang pumaslang sa kanya? Pinaslang siya sa pamamagitan ng paggamit ng itim na mahika. "sino ang ginoo na iyong tinutukoy?! Kilala mo ba siya?" tanong ko. "hindi ko po siya nakikilala. Dahil, tanging mga mata niya lang ang aking nakita." "ang mensaherang kawal? Kilala mo siya, hindi ba?" tila nagulat siya sa sinabi ko. "kilala ko ang babaeng iyon! Lumapit siya sa akin upang pigilan ang iniutos sa akin ng ginoo. Ngunit, hindi ko siya sinunod. Natakot ako na baka ipapaslang ako ng ginoo." "kung lumapit siya sayo bakit siya pinaslang?" "pinaslang?" gulat na tanong niya. "ngunit, nakita ko siya kanina at kasama mo, Ginoo." naguguluhan niyang turan. "may isang bagay akong gustong malaman." "ano po iyon, Ginoo?" "nagagawa bang pabalikin gamit ang itim na mahika ang kaluluwa ng isang tao sa katawan nito? " tanong ko sa kanya. "hindi kayang gawin ng itim na mahika ang magpabalik ng kaluluwa sa katawan ng tao. Tanging ang kaluluwa lang ang makakagawa niyon. Kapag gusto niya ng bumalik sa katawan niya. Ngunit, isa lang ang tanging paraan upang makabalik ito sa kanyang katawan. " sabi ng babaylan. "ano ang ibig mong sabihin?" "kailangan niya muling mamatay upang ito'y maglaho at makabalik sa katawan niya." Kung ganun kailangang mamatay ng panauhing binibini upang makabalik siya sa katawan niya? Kailangan kong malaman kung sinong ginoo ang nag utos sa kanya na paslangin sa pamamagitan ng itim na mahika si Ginoong Moo. "sa loob ng isang taon ay magtatrabaho ka rito sa loob ng palasyo. Iyan ang kapalit ng mga sinabi mo sakin." "maraming salamat, Ginoo!" nakayukong sabi niya. "tatanawin ko itong malaking utang na loob!" Lumabas na ako ng silid. "dalhin niyo siya sa punong babaylan." utos ko sa mga taga silbing nasa labas ng silid. "masusunod, Pinuno!" Shine/Shin-weol POV Bakit niya sinabi ang bagay na iyon? Gusto niya akong maging reyna? Hindi ako makatulog sa isipin na iyon. Bumangon ako at lumabas ng silid. Naglalakad ako habang nakatingin sa kalangitan. Napakaganda ng langit. Maraming bituin na nagkikislapan. Kapag nakabalik na ako sa pinanggalingan ko hindi na ako makakakita ng ganito kaliwanag na kalangitan. "bakit tila nag iisa ang magandang panauhin ng mahal na hari?" nagulat ako ng may biglang nagsalita at nakita ko ang ginoong tumulong sakin. "tatlong beses na natin itong pagkikita ngunit, hindi pa natin nakikilala ang isa't-isa." sabi niya sakin. Bakit parang bigla yata akong kinabahan? "H-hindi ako makatulog kaya, nagpahangin ako." sabi ko. "tila may gumugulo sayong isipan. Dahil ba sa sinabi sayo ng hari?" nagulat ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman iyon? "nakita ko kayo kanina. Anong pakiramdam na sabihan ka ng hari na gusto ka niyang maging reyna?" Hindi ko alam ang sasabihin ko. "Jang-guk." napalingon kaming pareho sa nagsalita. Siya si Ministro Jong. "hindi ko alam na nakabalik ka na. Ano ang inyong pinag uusapan ng binibining ito?" tanong niya ng nakatingin sa akin. "tinatanong ko lamang siya. Kilala mo ba ang binibining ito?" nakikinig lang ako sa kanilang dalawa. Hindi ko maipaliwanag ngunit, natatakot ako. Bakit hindi ako makagalaw man lang? "A-ako..." pinilit kong magsalita ngunit, naunahan ako ni Ministro Jong. Lumapit siya sakin at pinagmasdan akong mabuti. "naaalala ko na kung sino ka at kung saan tayo nagkita. Hindi ba't ikaw ang mensaherang kawal?!" nagulat ako sa sinabi niya. Kilala niya si Shin-weol? "mensaherang kawal?" takang tanong ni Jang-guk at tumingin sakin. "bakit ka narito sa palasyo?! Hindi ba't pinaslang ka na?! Ano ang kaugnayan mo sa mahal na hari?!" galit na galit na tanong niya. Nanginginig na ako sa takot. Pakiramdam ko ay nanghihina ako. "ano ba ang iyong ibig sabihin, Ministro Jong?" Jang-guk POV Bago pa ako masagot sa tanong ko bigla na lang natumba ang binibining nasa harapan ko. Mabuti na lang at nasalo ko siya. "binibini! binibini!" gising ko sa kanya. Tinignan ko ng masama si Ministro Jong. "ipaliwanag mo sa akin ang mga sinabi mo!" binuhat ko ang binibini at dinala sa silid niya. Inilapag ko siya sa higaan niya. Para siyang anghel kung pagmamasdan. Ngunit, naguguluhan ako. Bakit siya tinawag na mensaherang kawal ni Ministro Jong? Sino ba ang binibining ito? Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang hari na humahangos kasama si Hyun-ri. "anong ginagawa mo rito?! Anong ginawa mo sa kanya?!" galit na galit siya sakin. "huminahon ka, Hae-seon!" pagpapakalma sa kanya ni Hyun-ri. "makaka-alis ka na, Jang-guk." sabi sakin ni Hyun-ri. "huh! Ganyan ba kayo magpasalamat? Akala niyo ba, ako ang dahilan kung bakit siya nagkaganyan?" "kung gayon, bakit siya hinimatay?" tanong sakin ni Hae-seon. "hindi ko alam. Magkausap kaming dalawa ng dumating si Ministro Jong. Tinawag siyang mensaherang kawal ni Ministro Jong. Nagulat na lang ako ng bigla siyang mawalan ng malay." sabi ko sa kanila. Nakita ko ang pagtagis ng bagang ni Hae-seon. Ano ang meron sa mensaherang kawal na iyon? "Hyun-ri, ipatawag mo ang mangagamot." sabi niya. Mabilis na lumabas si Hyun-ri ng silid. Lalabas na rin sana ako ng biglang nagsalita si Hae-seon. "salamat sa ginawa mo." sabi niya. "hindi ko ginawa yun para sayo. Ginawa ko yun dahil gusto ko ang binibining iyan. Kung wala ka ng sasabihin, maiwan na kita." pagkasabi ko nun lumabas na ako ng silid. Pinuntahan ko kaagad si Ministro Jong. "ano ang ibig mong sabihin kanina? Sino ang mensaherang kawal na sinasabi mo?" tanong ko. "nililinlang lang ng binibining iyon ang mahal na hari. Isa siyang mensaherang kawal na pumatay kay Ginoong Moo." "paano mo nasabi iyan? Kilala mo ba ang mensaherang kawal na iyon?" "hindi na mahalaga iyon. Mag iingat ka sa babaeng iyon." Totoo ba ang kanyang mga sinabi? Isang mensaherang kawal ang panauhin ng hari? Ngunit, wala sa itsura niya ang maging isang mensaherang kawal. Sa tingin ko nga ay hindi siya marunong humawak ng espada at pana o makipaglaban man lang. Aalamin ko kung sino ba talaga ang binibining iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD