HALIK

1068 Words
Ministro Jong POV "anong sinabi mo?!" napatayo ako sa biglang pagpapatawag ng hari sa mga babaylan. Bakit wala siyang sinabi sa aming mga ministro? Bakit kailangan niyang pulungin ang mga babaylan? Ano ba talaga ang pinagkaka abalahan niya? "nasa bulwagan na po ang lahat ng babaylan sa bayan natin, Ministro Jong." ulat sakin ng kawal. "tayo na!" lumabas na ako ng silid kasama ang iba pang ministro. Hae-Seon POV "ipinatawag ko kayong lahat upang magsiyasat!" nasa harapan ko ang labing limang babaylan sa bayan ng Gyeonggi. "magsiyasat, kamahalan? Tungkol saan?" tanong ng kadarating lang na si Ministro Jong kasama ang iba. "hindi ko ipinatawag ang mga ministro ngunit, bakit narito kayo ngayon? Hindi ba't may mga mahalagang gawain kayo na dapat unahin?" tanong ko sa kanila. "paumanhin, kamahalan." nakayukong sabi ni Ministro Jong. Umalis na ang mga ministro sa bulwagan. "alam niyo naman siguro na may kaparusahan kapag may gumamit ng itim na mahika? Ngunit, gusto kong malaman kung sino-sino sa inyo ang gumamit ng itim na mahika sa nakalipas na araw! Ang sinomang magsabi ng katotohanan ay aking bibigyan ng isang taong pagtatrabaho bilang babaylan dito sa loob ng palasyo!" Napansin ko na may isang tao na palakad-lakad sa labas ng bulwagan. Alam ko na si Shine iyon kaya naman, inutusan ko si Hyun-ri na papasukin siya. Nakayuko siyang pumasok. Tumingin siya sakin ngunit, sandali lang. Bakit hindi siya makatingin sakin ng diretso katulad ng palagi niyang ginagawa kapag kausap ko siya? Naalala ko bigla ang nangyari kagabi. Naalala ko ang paghalik niya sa akin. Dahil ba dun kaya, hindi niya ako masulyapan? Natawa ako sa isipin na iyon. Tumabi siya sa tabi ni Hyun-ri. Pinagtitinginan siya ng mga taong nasa loob ng bulwagan. Matagal bago ako nabigyan ng sagot. "ako! Ako ang babaylan na gumamit ng itim na mahika, kamahalan!" nabigla ang lahat sa sinabi ng isang babaylan. "totoo ba ang iyong sinabi?" tanong ko. "opo, kamahalan!" sabi niya. "kung ganun, mayroon ng umamin sa pag gamit ng itim na mahika. Kung wala ng iba pang aamin maaari na kayong umalis. Maliban sa umamin na gumamit siya ng itim na mahika." tumayo ako at lumapit kila Hyun-ri. "makakabalik ka na sa lugar niyo." sabi ko kay, Shine pagkalapit ko. "maraming salamat, kamahalan." nakayuko niyang sabi. "Hyun-ri, alamin mo kung saan ginamit ng babaylan ang itim na mahika." bilin ko kay, Hyun-ri. "masusunod!" umalis na siya kasama ng babaylan. "maganda ang panahon ngayon. Nais mo bang maglakad-lakad?" tanong ko sa kanya na nakayuko pa rin at hindi tumitingin sakin. Natawa ako. "napansin ko na hindi ka makatingin sa akin. Anong dahilan mo? Hindi mo ba ako gustong makita?" tanong ko sa kanya. "ha?! Naku hindi! Ano kasi... ahh... a-ano." hindi niya malaman ang sasabihin. "hahaha! Tayo na!" hinawakan ko siya sa kamay at hinila palabas ng bulwagan. "teka! saan ba tayo pupunta?" tanong niya. Hindi ko na lang siya sinagot. Ministro Jong POV Inaalam ng hari kung sino ang gumamit ng itim na mahika? Anong gagawin niya sakaling malaman iyon? Alam na kaya niya ang totoo? Nakita ko ang hari at ang kanyang panauhin na magkasamang lumabas ng bulwagan. Napansin ko rin na magkahawak sila ng kamay ng babaeng iyon. Hindi maaari ito. Kailangan ko ng kumilos. Hae-seon POV "may naiwan ka bang mga mahal mo sa lugar ninyo?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami sa tabing sapa sa labas ng palasyo. "isa na lang ang natitirang mahal ko sa buhay." sabi niya. Huminto kami sa paglalakad at napatingin ako sa kanya. "ibig mong sabihin may kabiyak kang naiwan sa lugar niyo?!" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. Bakit hindi ko naisip na may kabiyak na siya? Bakit hindi niya sinabi? "hahaha! Ano ba yang sinasabi mo? Iniisip mo ba na may boyfriend...i mean...kabiyak na ako?" "kung ganun... sino ang tinutukoy mo?" nagtatakang tanong ko. "matalik kong kaibigan at kapatid na rin. Siya ang naiwan ko. Pareho kaming mga wala ng magulang kaya, naging sandalan namin ang isa't-isa. Sigurado ako na alalang-alala na sa akin yun." nakatingin sa langt na sabi niya. "magkikita pa kaya tayo oras na makabalik ka sa pinagmulan mo?" tanong ko. "hindi ko alam." tumingin siya sakin. "Ngunit, kung sakali man na magkita tayo sana ay makilala mo ako." sabi niya sakin. "pangako, makikilala kita." ngumiti kaming dalawa. "oy! wow! may snow!" natutuwang sabi niya habang pinagmamasdan ang nyebeng bumabagsak sa palad niya. "ito ang unang araw ng pagbagsak ng nyebe." "talaga?" "alam mo ba na may kasabihan ang mga babaylan dito samin?" "kasabihan? at ano naman yun?" "kung sino raw ang kasama mo sa unang araw na pagbagsak ng nyebe, ito rin daw ang taong makakasama mo habang buhay." "naniniwala ka ba?" tanong niya. "noong una, naniniwala ako. Ngunit ngayon, hindi ko alam kung dapat pa ba akong maniwala." "naniniwala ako na mahahanap mo rin ang magiging reyna mo." nakangiti niyang sabi. Shine POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bakit sa tuwing malapit sa akin ang kamahalan hindi ako mapakali? Palaging ang lakas ng kabog ng dibdib ko kapag malapit siya. Nagugustuhan ko na yata siya at hindi yun pwede dahil, magkaiba ang pinagmulan naming dalawa. Isa siyang hari at isa lang akong ordinaryong tao na napadpad sa lugar nila. Sigurado ako na maraming babae ang gusto siyang maging asawa. Gusto kong sabihin na sana ako na lang ang maging reyna niya pero, malabong mangyari yun dahil malapit na akong makabalik sa lugar na pinanggalingan ko. Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin palapit sa kanya. Halos magkadikit na kaming dalawa. "sa palagay ko... nahanap ko na ang reyna ko." sabi niya sakin habang titig na titig sa mga mata ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Ang tanging naririnig ko ay ang malakas na pagkabog ng puso ko. Nanlalambot ako sa mga titig niya. Kung hindi niya lang ako kapit siguradong kanina pa ako nakahandusay sa harapan niya. Hindi ko inasahan ang sunod niyang gagawin. Naramdaman ko na lang bigla ang mga labi niya na nakadikit sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Hinalikan ako ng kamahalan! Ang lambot ng mga labi niya. Napapikit na lang ako dahil sa kakaibang pakiramdam na bumalot sakin. Hindi na kami magkikita oras na makabalik ako samin. Hindi ko na siya makakausap o makakasama. Ito ang aming magiging masayang huling sandali dito sa palasyo. "gusto ko na ikaw ang maging reyna ko." Hindi ako nakapag salita sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD