SHIN-WEOL

1008 Words
Hyun-ri POV "kamusta ka na aking kaibigan?" tanong ni Jang guk pagkaalis ni Shine. "nakita kita kanina. Kailan ka dumating?" tanong ko sa kanya. "hahaha! hindi ka ba masaya na makita ako?" Hindi ako nag salita. "sino ang binibining iyon? Siya na ba ang magiging reyna ng ating mahal na hari?" tanong niya. "isa siyang panauhin ng hari. Kung wala ka ng kailangan maiwan na kita." tumalikod na ako. "gusto ko ang binibining iyon." sabi niya. "kung ano man ang binabalak mo wag mo ng ituloy pa." sabi ko sa kanya at umalis na. Si Jang-guk ang matalik naming kaibigan ng mahal na hari. Ngunit, nang dahil sa pag nanais ni Jang-guk na makuha ang trono nasira ang pagkakaibigan namin. Ipinadala siya ng kanyang ama sa ikalimang bayan mula sa gyeonggi upang, matigil siya sa mga masamang balak sa kamahalan. At ngayong bumalik na siya. Tiyak na may mga plano na siyang gawin sa pagbabalik niya rito sa loob ng palasyo. Shin-weol POV "kamahalan, narito ang inyong panauhin!" sabi ng kawal sa labas ng bulwagan ng hari. "papasukin niyo siya!" narinig kong sabi ng hari. Binuksan ng mga kawal ang pinto at pinapasok ako. Namangha ako pagpasok ko sa loob. Ganito pala kaganda ang loob ng bulwagan ng palasyo. Mula sa pinto tanaw na tanaw ko na kaagad ang hari na nakaupo sa trono. Nakatingin lang siya sa akin habang papalapit ako sa kanya. Talaga bang ang hari lang ang palaging nasa loob ng bulwagan na ito? Hindi ko alam pero, pakiramdam ko ay nanginginit ako sa mga titig ng mahal na hari. Huminto ako sa harapan niya. "ipinatatawag niyo raw po ako kamahalan?" nakayukong tanong ko. "hindi mo kailangan na maging pormal kung, tayong dalawa lamang ang magkaharap." sabi niya sakin. "ngunit..." tumayo ang hari sa trono niya at lumalapit sa akin. Bakit kailangan niya pang umalis sa trono niya? Pinagmasdan ko siya habang papalapit sa akin. Sobrang gwapo niya talaga bilang isang hari. Kung nasa pilipinas lang kami iisipin ko na isa siyang sikat na artista dahil, makalaglag panty ang kagwapuhan niya. Naisip ko bigla. May babae na kaya siyang nagugustuhan? Tiyak na sa gandang lalaki niya maraming babae ang nahuhumaling sa kanya. Kaso nga lang isa siyang hari at ang dapat na maging reyna niya ay galing din sa kilalang pamilya. Nagulat ako ng bigla niyang ilapit ang mukha niya sa akin kaya, napaatras ako bigla at nanlaki ang mata dahil, sobrang lapit niya sa mukha ko. Konting galaw lang ay siguradong mahahalikan niya ako. Itinikom ko ang bibig ko. "bakit hindi ka nag paalam na lalabas ka pala ng palasyo?" tanong niya. "h-ha? a-ah... a-ano..." shaks! bakit kinakabahan ako?! "humm?" "baka kasi tulog ka pa kaya, hindi na ako nakapag paalam! A-ano ba yang ginagawa mo?" kinakabahan na tanong ko sa kanya. Umalis na siya sa harapan ko. "maghapon kitang hinintay kaya, pakiramdam ko pagod na pagod ako." Ano?! Hinintay niya ako? Pero bakit naman? Teka? Bakit parang nagtatampo yata siya? "sorry! sorry! " hinging paumanhin ko. Natakot ako na baka parusahan niya ako. Sa mga napapanood ko kasi na k-historical drama kapag, nakagawa ka ng pagkakamali sa mahal na hari siguradong mapaparusahan ka. "ganyan ba kayo humingi ng tawad sa lugar niyo?" "umm." tango ko. "saan ka ba nag punta at buong araw kitang hindi nakita dito sa palasyo?" "naghanap ako ng impormasyon tungkol sa mensaherang kawal." sabi ko. "ano?! Alam mo ba na mapapahamak ka sa ginawa mo?!" "mas mapapahamak ako kung wala akong alam tungkol sa kanya! Shin-weol ang pangalan niya. Ayun ang sabi sakin ng tindero sa pamilihan kanina. At ang sabi niya pa sakin..." sasabihin ko ba sa kanya ang sinabi sakin ng tindero? "ano pang sinabi ng tindero sayo?" naghihintay niyang tanong. "sinabi niya na... pinaslang ni Shin-weol si Ginoong Moo kaya ito ay pinatay ng mga bayaran." nakayukong sabi ko. "totoo ba lahat ng iyan?" biglang sumeryoso ang anyo ng kamahalan. "hindi ko alam. Ngunit, iyan ang sinabi sakin. Natatakot ako, kamahalan." nakayuko kong sabi. Lumapit sa akin ang hari at bigla akong niyakap. Natatakot ako sa mangyayari sakin oras na makita ako ng mga taong humahabol sa akin. Baka kapag nangyari yun tuluyan ng hindi ako makabalik samin. Wala akong ibang malalapitan kundi ang mahal na hari. "wag kang matakot. Nandito ako... hindi kita pababayaan." sabi niya sakin. Nagulat man ako sa biglang pagyakap niya sakin. Nakaramdam naman ako ng kapayapaan na ligtas ako sa kanya. "hindi ka dapat na matakot." Tumango lang ako bilang sagot. Kumalas na siya sa akin. "bukas, pupulungin ko ang lahat ng mga babaylan sa bayang ito." nagtaka ako sa sinabi niya. Mga babaylan? Ayun ba yung mga manghuhula dito sa kanila? Pero, bakit niya pupulungin? "aalamin natin kung sino ang gumamit sa kanila ng itim na mahika." sabi niya. "itim na mahika?" tanong ko. "oo. Nagkakapalit lang ang kaluluwa ng dalawang tao kung ito ay gagamitan mo ng itim na mahika." "ibig mo bang sabihin... posibleng ginamitan ako ng itim na mahika?" kinikilabutan ako sa sinasabi ko. "oo. kaya narito ka ngayon sa bayan namin." sabi ng mahal na hari. "kung ginamitan ako ng itim na mahika at napunta rito. Ibig sabihin makababalik rin ako sa amin?" masayang turan ko. Tumango ang hari sa sinabi ko at ngumiti. Ngunit, bakit parang hindi siya masaya? "maraming salamat, kamahalan!" sa sobrang saya ko sa nalaman ko, nahalikan ko ang mahal na hari sa pisngi na ikinagulat niya. Natakpan ko na lang ng palad ang labi ko. Nagulat rin ako sa ginawa ko. Napayuko na lang ako. "paumanhin! nadala lang ako ng kasiyahan. Patawarin mo ako, kamahalan! " hingi ko ng tawad. "h-hindi mo kaila..." Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. "magpapahinga na po ako, kamahalan. Matulog kayo ng mahimbing. Salamat." sabi ko pagkatapos ay nagmamadali na akong lumabas ng bulwagan at nagpunta sa silid panauhin. Pumasok agad ako sa loob ng silid. Napapikit ako. Ano bang nangyari sayo, Shine?! Bakit mo ginawa yun sa mahal na hari?! Anong gagawin mo pag nagkita kayo bukas? Haist! Hindi ka talaga nag iisip!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD