PAGSISIYASAT

1005 Words
Shine POV Maaga akong bumangon para alamin ang katauhan ng sinasabi nilang mensaherang kawal. Nagsuot ako ng maganda at makapal na baluti, tinakpan ko ang kalahati ng aking mukha na mga mata lang ang kita. Hindi na siguro nila ako makikilala. Pag labas ko ng palasyo himinga muna ako ng malalim. "kaya ko 'to! Wag kang matakot, Shine! Para lang yang isang pagsubok na kailangan mong malagpasan. Fighting!" sabi ko sa sarili ko. Sa isang mataong lugar muna ako nagpunta para alamin kung sino ang tinatawag nilang mensaherang kawal. Sa pagtatanong ko ay may nalaman ako. "isang mabuti at mapagkakatiwalaan na mensahera si Shin-Weol. Maraming nakakakilala sa kanya dahil, nag iisa siyang babaeng kawal dito sa bayan ng Gyeonggi at napakahusay niya, lalo na sa pakikipag laban. Kaya naman nagulat ako ng mabalitaan ko na napatay siya dahil sa ginawa niyang pagpaslang kay, Ginoong Moo." kwento sakin ng isang tindero na palaging hinahatiran ng mensahe ng mensaherang kawal. Shin Weol pala ang pangalan niya. Teka? May pinatay siya? Kaya ba hinahabol ako ng mga tao dahil akala nila ako si Shin Weol at may pinatay akong tao? Sino ang Ginoong Moo na ito? "maraming salamat sa impormasyon." sabi ko sa tindero. Haist! Bakit ba napunta ko sa sitwasyon na 'to?! Nananahimik ang buhay ko pero, bigla na lang gumulo ng ganito! Okay lang naman sakin kung napunta ako dito. Pero, sana naman malinis ang pagkatao ko! Marami na kong bagay na hindi nagagawa dahil nandito ako sa ligar na 'to. Namimiss ko na ang sumulat. Namimiss ko na si Sunny. Haist! "sandali lang..." tatalikod na sana ako ng magsalita ulit ang tindero. "bakit parang interesado ka sa kanya?" tanong niya. "ha? a...e..." ano bang idadahilan ko? "maraming interesado sa mensaherang kawal na iyon. Hindi lang siya kundi pati na rin ako." napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Hyun-ri na nakatayo sa likuran ko. A-anong ginagawa niya rito? Nakilala niya kaya ako? Kailangan ko ng umalis bago pa niya ako makilala. "I-ikaw pala, Ginoo. Kilala mo ba ang taong ito?" bago pa man makasagot si Hyun-ri tumakbo na ako palayo. Kailangan kong malaman kung bakit pinatay ni Shin-weol ang sinasabi ng tindero na si Ginoong Moo. Sa pagtakbo ko, hindi ko napansin ang isang kabayo na papalapit sa dereksiyon ko. Kaya naman wala na akong naisip gawin kundi hintayin ang pagbunggo nito sakin. Itinakip ko ang mga braso ko sa mukha ko at yumuko. Bahala na kung anong mangyayare sakin! Pero, nagulat na lang ako ng may biglang humila sakin at naramdaman ko na lang na yakap-yakap ako ng isang taong hindi ko kilala. Sino ang ginoong ito? "ayos ka lang ba, binibini?" parang musika sa pandinig ko ang maganda niyang boses. Paano niya nalaman na isa akong binibini? Hindi kaya naramdaman niya ang dibdib ko sa katawan niya?! Oh my god! Agad akong humiwalay sa pagkakadikit sa kanya. "maayos lang ako, ginoo. Maraming salamat." nakayuko kong sabi sa kanya. Tatalikod na sana ako ng bigla niya akong tawagin. "sandali lang." napahinto ako. "ano ang iyong pangalan?" tanong niya. "paumanhin ngunit, kailangan ko ng umalis, Ginoo." pagkasabi ko nun naglakad na ako palayo. Hyun-ri POV Papunta ako sa talaan ng mga taong bayan upang magsiyasat tungkol sa mensaherang kawal. Ngunit, napadaan ako sa pamilihan at maraming tao. Napansin ko na kaagad ang isang tao na nakasuot ng maayos na kasuotan at natatakpan ang mukha. Sa tindig pa lang niya alam kong siya ang aming panauhin sa palasyo na si Shine. Anong ginagawa niya sa lugar na ito? Nakita kaya niya ako? Nagkubli ako sa gilid at nakinig sa pinag uusapan nila ng tindero. Nagsisiyasat din siya tungkol sa mensaherang kawal? Aalis na sana siya ng bigla siyang pigilan ng tindero at tinanong siya kaya, lumabas na ako sa pinagkukublihan ko. "maraming interesado sa mensaherang kawal na iyon. Hindi lang siya kundi pati na rin ako." napalingon siya sakin at nakita ko sa mga mata niya ang pagkagulat. "I-ikaw pala, Ginoo. Kilala mo ba ang taong ito?" tanong sakin ng tindero ngunit, bigla na lang siyang tumakbo palayo. "totoo ba ang iyong mga sinabi sa taong iyon tungkol sa mensaherang kawal?" tanong ko sa kanya. "O-opo, Ginoo! Ang mensaherang kawal na yun ang pumaslang kay, Ginoong Moo sa sarili nitong tahanan." sabi ng tindero. Kung ganon, talaga palang nasa panganib ang buhay ni Shine na nasa katawan ng mensaherang kawal ngayon. Ngunit, nasaan kaya ang kaluluwa ng mensaherang kawal? Hindi kaya... Umalis na ako at agad na hinanap si shine. Nakita ko siya na yakap-yakap ni Jang-Guk. Anong ginagawa niya rito? Kailan pa siya bumalik? Kailangan malaman ng kamahalan ang pagdating niya. Shine POV Pabalik na ako ng palasyo. Inalis ko na ang takip sa aking mukha. Hay! Muntik na ako dun kanina. Akala ko katapusan ko na. Pero, sino ba ang lalaking yun? Base sa suot niya isa siyang maharlika kagaya ng hari. Hindi kaya... isa rin siyang hari? Mabilis niyang nalaman na isa akong babae. Ipinilig ko ang ulo ko ng biglang naisip ko na baka, naramdaman niya ang dibdib ko sa katawan niya. Tumingala ako sa maliwanag na buwan, na napapalibutan ng maraming bituin. "ang ganda." nasabi ko na lang. "maganda talaga." nagulat ako sa nagsalita. Nilingon ko ito at nakita ko ang ginoong sumagip sa akin kanina. A-anong ginagawa niya dito sa palasyo? "nagkita tayong muli, binibini." sabi niya sakin. "a-anong ginagawa mo rito?" nagtataka kong tanong. "ako dapat ang nagtatanong niyan sayo, binibini. Anong ginagawa mo rito sa loob ng palasyo? Paano kang nakapasok?" Ibig sabihin dito rin sa palasyo siya nakatira? Gaano ba kalaki at katao dito sa loob ng palasyo? "ipinatatawag ka ng mahal na hari, binibini." biglang sumulpot si Hyun-ri sa kung saan. "siya ba ang magiging reyna ng hari?" tanong niya kay, Hyun-ri. Hindi ko na hinintay ang pagsagot ni Hyun -ri. Kaagad na akong umalis at naglakad palayo. Bakit kaya ako pinahahanap ng kamahalan? Hindi kaya, nalaman niya ang ginawa kong pagsisiyasat tungkol kay Shin-weol? Naglakad na ako palayo at nagtungo sa bulwagan ng kamahalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD