"mainit ang panahon ngayon. Gusto ko munang maglakad lakad sa paligid." paalam ko kay, Hyun -ri.
"sasamahan ko na kayo kamahalan." tumango ako sa kanya.
Dalawang araw na ang lumipas ng umalis si Shine sa palasyo. Nasaan na kaya siya? Nakabalik na kaya siya sa pinanggalingan niya? Sa paglalakad ko napadaan ako sa silid na tinuluyan niya.
*flashback*
"ipaghahain kita!" masigla niyang sabi sakin. Kinuha niya ang mangkok at nilagyan ng pagkain. "o heto. Ubusin mo yan ha?" ngumiti lang ako sa kanya.
"ummm... ang sarap naman ng mga 'to! Siguradong mauubos natin lahat 'to. hehe!" nakatingin lang ako sa kanya. Wala pa akong nakakasabay kumain na katulad niyang magiliw.
"bakit ang tahimik mo? Hindi ka ba sanay na may maingay habang kumakain? Kung ganon... tatahimik na ako."
"hindi mo kailangan gawin yan. Hindi lang ako sanay na may kasamang kumain." nagulat siya sa sinabi ko.
"ha? Ibig sabihin hindi mo kasabay kumain ang reyna? Pero bakit?"
"wala akong reyna."
"A-ano? Pero, paano ka naging hari kung wala kang reyna?" nagtataka niyang tanong.
"hindi ko pa nakikita ang magiging reyna ko ngunit ngayon, tila natagpuan ko na siya." tinitigan ko siya. Bilugan ang mga mata niya. Maganda ang hugis ng mukha. Mapula ang labi. Katamtamang tangos ng ilong.
"talaga? Napaka swerte naman pala ng binibini na iyon. Alam mo, doon sa lugar na pinagmulan ko meron kang kamukha. Hindi ko alam kung anong pangalan niya pero, nararamdaman ko na mabuti siyang tao kagaya mo. Sana pag nakabalik na ko makita ko na siya at makilala." nakangiti niyang turan.
"paano ka ba nakarating rito? Nang makita kita nakasuot ka ng balutingn pang kawal." napatayo siya sa sinabi ko.
"ano?! Nakasuot ako ng pang kawal na damit?" hindi niya makapaniwalang tanong.
"oo. Sa totoo lang ngayon lang ako nakakita ng babaeng kawal." sabi ko sa kanya.
Napaisip siya bigla sa sinabi ko.
"alam mo ba kung anong pangalan ng babaeng kawal na iyon?" seryosong tanong niya sakin.
"ikaw ang babaeng yun at ang sabi mo Shine ang pangalan mo."
"haist! Diba nga sabi ko sayo galing ako sa ibang lugar? Ibang iba ang lugar na yun dito sa lugar niyo. Napakalayo! Sobrang layo!"
"anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong.
"hindi mo ba naisip na baka nagkapalit kami ng babaeng kawal na yun? Kailangan kong malaman kung anong pangalan niya para makabalik na ako sa amin." sabi niya.
Naguguluhan ako sa sinasabi niya. Nagkapalit sila? Paano? Maari ba yun mangyari? Hindi kapanipaniwala.
*end of flashback*
Pumasok ako sa loob ng silid.
Lumapit ako sa higaan at may nakita ako. Naiwan niya ang kanyang panyo.
Kinuha ko iyon at tinignan.
May nakasulat sa panyo na pangalan.
"Shin Weol."
Napaisip ako. Totoo kaya ang sinabi niya na nagkapalit silang dalawa? Hindi kaya nasa panganib ang babaeng tinulungan ko? Sino sa kanila ang babaeng kawal?
Shine POV
Naglalakad ako ng mapadpad ako sa isang kabahayan. Nasaan na ba ako? Tama ba 'tong dinaraanan ko?
Maraming tao ang nakatingin sakin na para bang kilala nila ako.
"hindi ba't siya yung mensaherang kawal?"
"oo nga! Siya nga! Kailangan nating ipagbigay alam kay, Ministro Jong na nakita natin siya rito!" bulungan ng mga tao sa paligid ko.
Mensaherang kawal? Iyon ba ang tawag sa may ari ng katawan na 'to? Tinignan ko ang mukha ko sa bintana. Ibig sabihin kamukha ko ang mensaherang kawal na iyon.
"Ayun siya! Habulin niyo ang babaeng iyan!" napalingon ako sa sumigaw. Ako ba ang tinutukoy nila?
Sa takot ko wala na akong nagawa kundi ang tumakbo ng tumakbo. Bakit ba nila ako hinahabol? Ano bang ginawa ko?
Sa pagtakbo ko nagulat ako ng may biglang humila sakin at tinakpan ang bibig ko.
S-sino ang taong 'to?!
"hanapin niyo! Hindi pa yun nakakalayo!" sabi ng mga humahabol sakin.
Tahimik na ang paligid. Wala na siguro sila. Pero, hindi pa rin ako ligtas. Sino ang humila sakin? Tiningala ko ang katabi ko.
"kamahalan?" nakayakap siya sa akin.
"shhh... baka nariyan pa sila." bulong niya.
Napayuko ako.
Anong ginagawa niya dito? Paano niya ako nahanap? Ay, oo nga pala. Siya ang hari ng bayan na 'to kaya, mahahanap at mahahanap niya ako.
"halika na. Hindi ka ligtas rito." sabi niya.
Hinila niya ako at dinala sa palasyo.
Dalawang araw akong naglakad ng naglakad para hanapin kung paano ako makakabalik sa bahay kaya, pagod na pagod ako. Sa silid ng panauhin ako tumuloy at nagpahinga.
Hae-Seon POV
"bakit kasama mo pa rin ang binibining iyon?" tanong sakin ni Hyun-ri.
"Hyun-ri, naniniwala ka ba na pwedeng magkapalit ng katauhan ang dalawang tao?" naisip kong itanong sa kanya.
Naguguluhan at binabagabag ako ng isipin na iyon.
"anong ibig mong sabihin?" tanong niya sakin.
"tignan mo ito." ibinigay ko sa kanya ang panyo na nakuha ko sa silid panauhin.
"Isang panyo? Anong meron sa panyong ito?"
"basahin mo ang nakasulat." binuklat niya ang panyo.
"Shin-weol? Parang narinig ko na ang pangalan na iyan." sabi ni Hyun-ri
"narinig?" nagulat ako sa sinabi niya.
"oo. Siya ang sinasabing mensaherang kawal ng mga tao sa labas ng palasyo. Ibig mong sabihin ang binibining iyon ang mensaherang kawal na tinutukoy nila?"
"hindi ko alam. Sinabi niya sa akin na nagkapalit sila ng katauhan ng babaeng ito."
"sabi ng mga babaylan, nagkakapalit lang ng katauhan ang dalawang tao, kung ito ay gagamitan ng itim na mahika. Ibig sabihin gumamit sila ng itim na mahikang ipinagbabawal ng palasyo."
"kung gumamit sila ng itim na mahika kailangan nating malaman kung sino ang mga gumawa niyon. Bukas, ipatawag mo ang lahat ng babaylan sa bayan na 'to. Kailangan nating malaman kung sino ba talaga ang mensaherang kawal na ito at kung ano ang kaugnayan niya kay, Shine. Kung totoo ang sinasabi ng panauhin natin, kailangan natin silang protektahan. Dahil, siguradong nasa panganib pareho ang kanilang mga buhay. Alamin mo ang lahat ng tungkol sa mensaherang kawal na ito."
Kailangan kong alamin ang lahat.
Kailangan kong malaman kung sino ba talaga ang Shin Weol na ito.
Naisip ko bigla si Shine.
*flashback*
"Ayun siya! Habulin niyo ang babaeng iyan!" narinig kong sabi ng mga tao. Sinundan ko ang mga tao para malaman kung sino ang hinahabol nila.
Nakita ko si Shine na tumatakbo palayo sa mga tao kaya nagmadali akong iligtas siya. Bakit siya hinahabol ng mga tao? May ginawa ba siyang kasalanan?
Kaagad ko siyang hinila at nagkubli kami sa gilid ng mga nakatayong kahoy upang hindi makita ng mga tumutugis sa kanya.
Gusto kong itanong kung bakit siya hinahabol ngunit, sobrang lapit niya sakin. Bakit tila ang bilis yata ng t***k ng puso ko?
*end of flashback*