BYE-BYE

1011 Words
Shine POV Nagising ako sa sinag ng araw. Iminulat ko ang mga mata ko at nagulat sa mga taong nasa paligid ko. "waaaahhh! bakit kayo nandito sa kwarto ko?!" sigaw ko sa mga nakatayong tagasilbi na may mga dalang pagkain at inumin. Paano sila nakapasok sa kwarto? "gising ka na." lumapit sakin ang hari. Anong ginagawa niya dito? "nakatulog ka ba ng maayos?" tanong niya sakin. Tumango lang ako sa kanya. "uhmm... bakit nandito kayo sa kwarto ko?" tanong ko sa kanya. "kwarto?" takang tanong niya. Napapikit ako. Hindi niya nga pala ako maintindihan, dahil malalim na salita ang alam niyang gamitin. "uhmm... ang ibig kong sabihin ay 'silid'." sabi ko. "ahh... Ipinaghanda kita ng makakain sa mga tagasilbi." itinuro niya ang mga babaeng nakatayo sa paanan ng kama. "hindi mo na kailangan pang gawin iyan, mahal na hari. Kaya ko na ang aking sarili. Aalis na rin naman ako. Salamat sa pagpapatuloy mo sa akin dito sa palasyo." kailangan ko ng makauwi sa bahay. Siguradong nag aalala na sa akin si Sunny. "kumain ka na muna upang may lakas ka sa paglalakbay mo, binibini." sabi niya sakin. Bigla kong naramdaman ang pagkulo ng sikmura ko. "sige. Ngunit, kailangan mo akong sabayan sa pagkain." napatingin ako sa mga tagasilbi na mukhang nagulat. May problema ba sa sinabi ko? "paumanhin, kamahalan ngunit..." tinignan ako ng masama ng isang tagasilbi. Nanlaki ang mata ko dahil parang naliyab ang mata niya. Anong problema niya? "isang hari ang kausap mo at hindi mo dapat na kinakausap ng ganyan ang kamahalan! Lapastangan!" sabi niya sakin na ikinagulat ko. Lapastangan ako? Huh! Narinig ko ng sinabi sakin yan ni Hyun-ri. May masama ba sa sinabi ko? Sinabi ko lang naman na sabayan akong kumain ng mahal na hari. Anong problema dun? "ilapag na ninyo ang mga pagkain at maari na kayong lumabas ng silid." sabi ng kamahalan sa mga tagasilbi. "ngunit, kamahalan?" sabi ng tagasilbi. "narinig mo ang aking tinuran. Sasabayan kong kumain ang aking panauhin sa palasyo." sabi ng kamahalan at tumingin sakin. Ngumiti ako sa kanya. Mabait pala ang hari ng bayan na 'to. Inilapag ng mga taga silbi ang pagkain pagkatapos ay lumabas na ng silid. Ministro Jong POV Nakita kong pumasok ang mahal na hari sa silid ng panauhin kasama ang mga tagasilbi sa palasyo. Bakit kailangang kasama pa siya? Naghintay ako sandali sa pinagkukublihan ko hanggang sa lumabas ang tatlong tagasilbi na hindi maipinta ang mga mukha. Lumapit ako sa kanila. "bakit nasa silid ng panauhin ang kamahalan?" tanong ko sa kanila. "magandang araw, Ministro." sabay nilang bati "sinabayan ng hari ang panauhin niyang binibini sa pagkain." sabi ng tagasilbi. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "sige na. Makakaalis na kayo." Bakit kailangan sabayan ng hari sa pagkain ang babaeng yun? Ano ang pinag uusapan nila? *flashback* "sinabi mo sa akin na may isa kang mensaherang kawal na pinagkakatiwalaan?" tanong ko kay, Ministro Song. "mayroon nga, Ministro Jong. Ang pangalan niya ay Shin Weol. Bakit? May nais ka bang padalhan ng mensahe?" tanong niya. Nagpupulong kami sa silid ng mga ministro at pinag uusapan ang kalakalan na nangyayari sa palasyo. "may isang tao na nais kong padalhan ng mensahe at gusto ko walang ibang makaalam." "agad ko siyang papupuntahin sa tahanan mo, Ministro." Tumango ako sa kanya. ---------------- "ako ang mensaherang kawal na ipinadala ni Ginoong Song. Anong maipaglilingkod ko sa inyo, Ginoo?" "nabalitaan ko na isa kang magaling na mensaherang kawal. May mensahe ako na gustong iparating kay, Ginoong Moo." iniabot ko ang isang liham sa mensahera. "ano ang nilalaman ng mensahe na ito?" tanong niya. "dapat mo pa bang malaman ang nilalaman ng liham na iyan?" "alam ko na isa itong lihim na liham, Ginoo. Nararapat lamang na malaman ko ang nilalaman sakaling may hindi magandang mangyari. Nag iingat lang ako sa mga taong nakakaharap ko." sabi niya. Matalino ang babaeng ito. "gusto ko ang iyong katapangan. Isang liham iyan tungkol sa mga nakaw na kalakal ni Ginoong Moo. Gusto ko na paslangin mo siya at isama ang liham na iyan." mukhang nagulat siya sa sinabi ko. "nakakalimutan niyo siguro, Ginoo. Isa akong mensahera at hindi mamamatay tao." "kung hindi mo gagawin ang iniuutos ko, mas mabuti pa na iba na lang ang bayaran ko." sabi ko. Tumayo siya. "isa kang ministro sa palasyo. Hindi ka ba natatakot na baka ipaalam ko sa hari ang ginagawa mo? Ibibigay ko ang liham na ito kay, Ginoong Moo ngunit, hindi ko siya papaslangin." sabi niya pagkatapos ay umalis na. Tinawag ko ang aking utusan. "unahan mo ang mensaherang iyon sa tahanan ni Ginoong Moo. Kunin mo ang liham sa kanya at ibigay kay, Moo. Pagkatapos ay paslangin niyo silang dalawa." utos ko. "masusunod, Amo!" Hindi ikaw ang sisira ng lahat ng pinaghirapan ko! Malalaman ko rin kung anong pakay ng babaeng iyon dito sa palasyo. Hae Seon POV "maraming salamat sa pagpapatuloy mo sa akin dito sa palasyo kamahalan." inilahad niya ang kanyang kamay habang nakangiti. Napaisip ako. Bakit ibinibigay niya sa akin ang kanyang kamay? "ah... a-ano ang ibig sabihin ng paglalahad mo sa akin ng iyong palad? I-inaakit mo ba ako binibini?" tanong ko sa kanya. Biglang namula ang kanyang mga pisngi. "hehe... H-hindi ko kayo inaakit kamahalan. Sa lugar na pinanggalingan ko, ganito ang paraan namin para magpasalamat." nakangiti niyang turan. "ganun ba?" Tumango siya. Kinuha ko ang kamay niyang nakalahad. Ang lambot at makinis ang mga palad niya. "aalis na po ako kamahalan." paalam niya. Binitawan ko na ang kamay niya na hawak ko pa pala. Tatalikod na sana siya ng may maalala ako bigla. "Shine, ang pangalan mo hindi ba?" "opo kamahalan." "ngayon lang ako nakarinig ng ganyang pangalan. Napakagandang pakinggan katulad ng kung paano ko pagmasdan ang pagsikat ng napakagandang araw. Sana ay magkita tayong muli, Shine." hindi ko maintindihan ngunit, nalulungkot ako sa pag alis niya. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Sana maging mapayapa ang paglalakbay niya. Tumalikod na siya at lumabas ng palasyo. "byebye kamahalan!" pahabol niyang sigaw habang kumakaway. Byebye? iyon ba ang kahulugan ng pagpapaalam sa pinanggalingan niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD