PALASYO

1072 Words
Kabanata 6 Hae-Seon POV "hindi ko siya mahanap, kamahalan." "ano ba ang nangyari at nakatakas siya?" tanong ko. "naloko ako ng babaeng yun." sabi ni Hyun-ri. "hahaha! naisahan ka ng isang babae?" hindi ako makapaniwala. Unang kita ko pa lang sa babaeng yun, alam ko na kakaiba siya at tama nga ako. "kakaiba ang babaeng yun, Hae Seon! Hindi ko alam kung anong mga lengwahe ang lumalabas sa bibig niya. Sinabi niya sakin na baka rape-in ko daw siya! Ano bang lengwahe iyon?" kaming dalawa lang ni Hyun-ri sa silid ko kaya, natatawag niya ako sa pangalan ko. Napaisip ako bigla. "kakaiba siya at pananalita niya, pati na ang pangalan niya ay kakaiba. Hindi pa ako nakarinig ang ganong pangalan. Shine. Sa palagay ko ay hindi niya alam kung nasaan siya. Ipag patuloy mo ang paghahanap sa kanya at dalhin mo siya sakin." "masusunod." lumabas na siya ng silid. Iniisip ko ang pinang galingan niya. Pilipinas? Kinuha ko ang mapa at tinignan kung saang lugar iyon. Ngunit, walang lugar na Pilipinas sa mapa. Napapaisip ako kung saang lugar kaya talaga siya nagmula? Nasaan na kaya siya ngayon? Shine POV Nasaang lupalop ba ako ng mundo? Naglalakad ako sa isang mataong lugar. Lahat ng nakikita ko ay nakasuot ng hanbok na pambansang kasuotan ng korea. Nagugutom na ako at wala akong pera. Paano ako mabubuhay sa lugar na 'to? Namimiss ko na si Sunny. Hinahanap niya kaya ako? Napaupo na lang ako sa isang tabi at napayuko. "nagugutom na ko. Gusto ko ng umuwi." sabi ko. "tutulungan kita kung paano ka makakauwi. Kung tutulungan mo rin ako." Napatingin ako sa nagsalita. "ikaw?!" napatayo ako sa gulat. "paano, mo ako nahanap?!" nakatayo sa harapan ko ang hari kasama si Hyun-ri. "diba sabi ko sayo ako ang hari ng bayan na 'to?" sabi niya. Tinignan ko ang mga nagdadaan na tao at yumuyukod silang lahat para batiin siya. "marami akong kawal na kaya kang hanapin." "oo na. Naniniwala na ako sayo." mukhang totoo nga ang sinasabi niya. "pero, totoo ba na matutulungan mo akong makauwi sa amin?" tanong ko. Ngumiti siya sakin at tumango. Kamukhang kamukha talaga siya ng lalaking yun. "halika na sumama ka na sakin." inilahad niya ang kamay niya sakin at nagulat ako ng bigla niya akong hilahin palapit sa kanya. Kaya, napahawak ako sa dibdib niya. Pinagmasdan ko siya. Napakaganda ng mata niya. Kung isa siyang hari ibig sabihin meron na siyang reyna. "magulo ang mga tao rito sa labas ng palasyo. Kaya, mag iingat ka." sabi niya. Bumitaw na ako sa pagkakakapit sa kanya. Baka nga may reyna na siya. Umalis na kami at dinala niya ako sa malawak na tinatawag nilang palasyo. Nakakamangha ang lugar na 'to. Ganito pala kaganda at kalawak ang palasyo. "Hyun-ri, dalhin mo siya sa paliguan at sabihin sa mga tagasilbi na bihisan siya." utos niya kay, Hyun-ri "masusunod! Tayo na." sabi ni Hyun-ri. Sumama ako sa kanya at dinala niya ako sa isang lugar na maraming babae. Yumuyukod sa amin ang mga nasasalubong namin. Sila ba ang mga tagasilbi? "Pinunong Hyun-ri, ano ang maipaglilingkod namin sa inyo?" tanong ng lumapit sa amin na babae. "Binibining He, iniutos ng hari na asikasuhin niyo siya. Pagkatapos ay dalhin sa silid para sa mga panauhin." Nakakamangha ang lugar na ito. May lawa na maaring paliguan. "ngunit sino ba ang babaeng ito?" tanong ni Binibining He. "isa siyang panauhin ng mahal na hari." "masusunod." nakayukong sabi ni Binibining He. Lumapit sa akin si Hyun-ri at may sinabi. "wag mong sasabihin kung saan ka nagmula. itikom mo lang ang bibig mo dahil walang dapat na makaalam." sabi niya. Bakit kaya? Nagtataka ako pero, tumango ako sa kanya. "dito tayo, Binibini." sabi ni Binibining He pagka alis ni Hyun-ri. Sumunod lang ako sa kanya. Lumusong kami sa malawak na lawa. "maaari niyo nang tanggalin ang inyong kasuotan." nabigla ako sa sinabi niya. Maghuhubad ako sa harap niya? "maghuhubad ako sa harap mo?" hindi ko mapaniwalaang tanong. "oo, Binibini. May problema ba? Pareho naman tayong babae." sabi niya. "wala ba silang privacy dito? Sa buong buhay ko ngayon ko lang gagawin 'to. Ang maghubad sa maraming tao." sabi ko sa isip ko. Wala na akong nagawa. Hinubad ko na ang suot ko at pinaliguan ako ng babaeng ito! Nakakahiya! Pagkatapos kong maligo dinala niya ako sa isang silid at binihisan. Ganito ba talaga dito? Pinaliliguan at binibihisan? Nakakaloka! Naisip ko bigla ang hari. Ganito rin kaya ang ginagawa nila sa kamahalan? "hubarin niyo na po ang kasuotan niyo, kamahalan." malambing na sabi ng tagasilbi. Hinubad ng hari ng suot niya at tumambad sa tagasilbi ang matipunong katawan ng kamahalan. Natulala ang tagasilbi sa katawan ng hari. Isang napaka perpektong katawan ang nasa harapan ngayon ng tagasilbi na, hinahanap ng isang babae sa lalaki. "umpisahan mo na akong paliguan, Shine." Ipinilig ko ang ulo ko. Ano ba 'tong naiisip ko? Huh! Bakit ako ang tagasilbi na nagpapaligo sa kanya? Nasisiraan na yata ako! "sumama ka sa akin, Binibini." sabi ni Binibining He sakin. Sumunod ako sa kanya. Habang naglalakad kami sa isang pasilyo, nakasalubong namin ang isang matandang lalaki. "kamusta kayo, Ministro Jong?" bigay galang na tanong ni Binibining He. "mabuti naman, Binibining He." tinignan ako ng Ministro na mukhang nagulat ng makita ako. Bakit kaya? Ngayon ko lang naman siya nakita. "panauhin siya ng mahal na hari." sabi ni Binibining He. "mauna na kami sa inyo, Ministro." tumango lang ang ministro. Iniisip ko kung bakit kaya nagulat siya ng makita ako? Tumigil kami sa isang silid at doon pinapasok ako ni Binibining He. Bigla akong nakaramdam ng gutom ng makita ko ang mga pagkain na nakahain sa maliit na mesita. "maiwan na kita, Binibini." sabi ni Binibining He. "sige. Salamat sa pag aasikaso sakin" nakangiti kong sabi. Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko. Hindi niya yata inaasahan na magpapasalamat ako. Yumuko siya sakin. Nagmamadali akong lumapit sa mesita na puno ng pagkain at kumain. Napakasarap ng mga nakahain. Akala ko mamamatay na ako sa gutom. Pagkatapos kong kumain nahiga ako sa kama na nandoon sa loob ng silid. "hay! Ang lambot." sabi ko at ipinikit ang mga mata. Bigla kong naramdaman ang pagka antok. Pagod na pagod ako. Simula nung takasan ko si Hyun-ri, hindi pa ako nakatulog man lang. Ministro Jong POV "bakit nasa palasyo ang babaeng iyon? Paano niya nakilala ang hari?" pinagmasdan ko ang babaeng kasama ni Binibining He. Hindi ako maaaring magkamali. Siya ang babaeng iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD