Kabanata 5
"ikaw! ikaw ang lalaking yun!"
"anong ibig mong sabihin, binibini?" kunot noong tanong niya sakin.
"ikaw yung lalaki na naghatid sa akin!"
"hindi kita maintindihan, binibini." naguguluhan niyang sabi. Nilingon niya ang kasama niya. "tawagin mo ang manggagamot." sabi niya.
Lumabas ang kasama niya at pumasok ang sinabing manggagamot sa silid.
"kamahalan, ipinatawag niyo po ako."
"anong nangyayari sa kanya?" tanong ng kamahalan.
"matagal siyang nakatulog kaya maaaring may mga hindi siya maalala, kamahalan."
Anong sinasabi niya? Naaalala ko ang lahat kaya wala akong amnesia! Hindi ko na matagalan ang mga pinag sasasabi nila. Nababaliw na yata ang mga taong 'to!
"hindi mo ba ako nakikilala? Ako yung babaeng nakilala mo sa bar. Ako yung hinatid mo sa condo unit ko." inilibot ko ang paningin ko sa paligid. "saka nasaan ba ako? Bakit ganyan ang mga suot niyo?" sunod-sunod na tanong ko.
Nakatingin lang sila sa akin at nakakunot ang noo. Ano bang problema nila?
"ano ba ang iyong mga sinasabi, binibini?" tanong sakin ng lalaking tinawag niyang Hyun-ri.
Bakit hindi niya ako nakikilala?
"hindi ko maintindihan ang iyong mga sinasabi ngunit, narito ka ngayon sa bayan ng Gyeonggi. Dalawamlppu't isang araw kang walang malay at ako ang hari ng bayan na ito. Ako si Haring Hae Seon." pakilala niya sakin.
Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Siya ang hari ng bayan na 'to? Bayan ng Gyeonggi? Inisip ko kung saan ko narinig ang pangalan ng bayan na yun. Ibig ba niyang sabihin, nasa bayan ako ng Gyeonggi na isang maliit na probinsiya sa bansang korea?! Pero, paano ako nakarating dito?! Saka, paanong siya ang naging hari ng bayang ito? Napalitan na ba ng hari ang prime minister ng korea? 21 days lang akong tulog tapos nandito na ko at may hari na akong kaharap ngayon?! Nagpapatawa ba siya?
"hahahaha! Isa kang hari? Nasisiraan ka na ba?" natatawa kong tanong.
"lapastangan!" nagulat ako ng bigla akong tutukan ng espada ng lalaking kasama niya. Napahinga ako ng malalim. Totoong espada ang nakatutok sa akin ngayon at isang galaw ko lang siguradong masusugatan ako o kaya ay mamamatay.
"uhmmm...hehe... b-bakit m-may e-espada k-ka? P-pwede b-bang p-pakibaba n-nyan?" kinakabahan kong sabi. Ano bang problema niya? Nagtanong lang naman ako. Haist!
"totoo ang aking tinuran, binibini. Ngayon, maari bang ikaw naman ang magpakilala? Sino ka at saan ka nagmula?" tanong niya sakin.
"b-bago ko sagutin yan p-pwede bang sabihin mo sa kanya na ibaba na ang espada?" kinakabahan kong sabi.
Sumunod naman ang kasama niya. Nakahinga ako ng maluwag nang ibaba niya ang kanyang esapada.
Akala ko katapusan ko na. Haist!
"ako si Shine at taga Pilipinas ako." pakilala ko.
"kakaiba ang iyong pangalan at pinanggalingan. Kung ganon bakit nandito ka sa bayan ng Gyeonggi? Anong pakay mo dito?" tanong niya sakin.
Bakit ba ang dami niyang tanong? Maski ako nagtataka rin kung paano ako napunta dito.
"kamahalan, narito po si Ministro Jong." narinig kong sabi mula sa labas ng pinto ng kwarto. Ibig sabihin may mga tao pa sa labas ng kwartong 'to?
Tinignan ko ang hari at napansin ko na biglang nag iba ang itsura niya. Para siyang galit ngayon. Nakakatakot.
"Hyun-ri, ilabas mo na siya at dalhin sa lugar na hindi mahahanap ng sinoman." sabi niya sa kasama niya.
"masusunod kamahalan!" hinila na ako palabas ni Hyun-ri. Sa likod bahay kami nagpunta at lumabas.
Ano bang nangyayari? Bakit biglang nagbago ang aura ng hari? Hindi pa ako maka get over sa nalaman ko kaya sasakyan ko na lang muna 'to ngayon. Medyo nakalayo na kami sa bahay na pinang galingan ko. Hinila ko ang braso ko na hawak ni Hyun-ri.
"saan mo ba ako balak dalhin?" tanong ko sa kanya.
"utos ito ng hari kaya, sumama ka na lang." sabi niya sakin.
Hahawakan na niya sana ang braso ko ng iiwas ko ito.
"hindi ako sasama sayo! Hindi ko nga alam kung saan mo ako dadalhin, e! Baka mamaya rape-in mo pa ko." umiwas ako sa kanya.
"hindi ko maintindihan kung ano ang ibig mong sabihin. Halika na, sumama ka na sakin. Bago pa nila tayo makita."
Haist! Bakit ba napakarami nilang hindi maintindihan sa mga sinasabi ko? Nakakaloka!
Paano ba ako makakatakas sa lalaking 'to? Kailangan kong malaman kung paano ako napunta sa lugar na 'to.
"huh! ano yun?!" itinuro ko ang direksyon sa likuran niya at tumingin siya. Sinamantala ko ang pagkakataon na iyon para tumakas. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa hindi ko na siya makita. Huminto lang ako ng mapagod na ako.
"ang dali lang pala niyang maisahan." natatawa kong sabi.
Pero, nasaan na ba ako? Madilim na at mag isa lang ako. Tapos, wala pa akong pera. Haist! Paano na 'to? Parang bigla akong nagsisi sa ginawa kong pagtakas sa Hyun-ri na yun.
----------------
"papasukin mo siya." sabi ko sa kawal na nasa labas.
"hindi ko inaasahan na narito ka, kamahalan. Anong ginagawa mo dito sa bahay ng manggagamot?" tanong sakin ni Ministro Jong.
"hindi ko rin inaasahan ang pagdating mo, Ministro. Narito ka ba dahil sa akin?" makahulugan kong tanong.
"narito ako upang kumuha ng gamot para sa aking asawa, kamahalan." sabi niya na halatang nagsisinungaling.
"ganun ba? Nakita ko ang batang ito na sugatan sa labas ng palasyo. Kaya naman, dinala ko siya agad rito." dahilan ko sa kanya at mukha namang naniwala siya.
"mukhang maayos na siya. Ikaw na ang bahala sa kanya." sabi ko sa manggagamot.
"opo, kamahalan." nakayukong sabi niya.
"maiwan na kita, Ministro Jong." paalam ko. Alam ko kung anong pakay niya rito.
--------------------
Ano kaya ang pinagkakaabalahan ng hari?
Kung anoman yun ay malalaman ko rin.
*flashback*
Nakita ko na lumabas ng palasyo ang hari kasama ang kanang kamay niya. Saan kaya sila patungo? Sinundan ko sila ng palihim. Pumasok sila sa bahay ng manggagamot.
Bakit nasa bahay siya ng manggagamot?
"may karamdaman ba ang hari?" tanong ko sa sarili ko.
Napangiti ako sa naiisip ko. Kung may karamdaman ang hari dapat lang na makahanap na siya ng mapapangasawa at magkaroon ng tagapag mana. Ito na ang pagkakataon na hinihintay ko. Lumabas ako sa pinagkukublihan ko at lumapit sa pinto ng bahay.
Narinig ko na may kausap ang hari.
"ako si Shine at taga Pilipinas ako."
"kakaiba ang iyong pangalan at pinanggalingan. Kung ganon bakit nandito ka sa bayan ng Gyeonggi? Anong pakay mo dito?"
*end of flashback*
Kakaiba nga ang pangalan ng kausap niya at pinanggalingan. Sino kaya ang kausap niya?
Hindi na importante yun, ang mahalaga malaman ko kung ano ang karamdaman ng hari. Lumabas na ako sa bahay ng manggagamot at bumalik ng palasyo.